"LIBRA, iwasan ang magbigay ng masamang komento upang walang makasagupa at makaaway. Mas higit na dapat pag ukulan ang paligid upang makaiwas sa anumang sakuna ngunit maging maswerte ang araw na ito dahil makakatagpo mo ang lalaking magmamahal sayo ng tunay. Bagay na maging matahimik ngayon dahil kung magsalita may masamang mangyayari maswerteng kulay itim, pula, berde asul, maswerteng numero 12...
Marahas na ibinaba ni Aula ang hawak na dyaryo matapos mabasa ang horoscope niya. Mahilig kasing magbasa ng dyaryo ang tatay niya kaya may kung anong nagtulak na tignan iyon at saktong natapat sa kanya ang Horoscope Daily.
"Grabe naman 'yan ! Kung anu-ano pinagsasabi, hindi ako naniniwala diyan noh! " sabay ikot ng eyeballs niya.
Bakit naman siya magpapaniwala sa mga ganyang sabi-sabi nagmumukha lang siyang tanga as if never! Dahil naniniwala siya na ang tao mismo ang gumagawa o kumokontrol ng tadhana nila at hindi sa kung anong sabi-sabi diyan.
"Aula! Mag kilos-kilos ka na diyan at nang maaga kang maka-pwesto sa palengke mamaya niyan masapawan ka, kilala mo naman si Tinay yong palengkerang 'yon akala mo naman sa kanya ang palengke ni hindi nga nagbabayad ng renta 'yon! Pasalamat siya sa anak niya! Akala mo naman sobrang yaman pumapatol lang naman sa bombay kaya nalilibre!" arangkada agad ng inay niya.
Araw ng lunes, iyon ang araw na marami ang benta. Ang palengke na yata ang pangalawa niyang tahanan. Halos araw-araw siyang naglalagi roon dahil iyon ang ikinabubuhay nila.
Ang tatay niya magsasaka samantalang ang kanyang ina ay simpleng maybahay lang. Hindi naman sila kasing hirap ng daga.
Wow! Gaano ba kahirap ang daga? Ah basta 'yun na 'yon!
Kumakain naman sila ng tatlong beses sa isang araw at masaya na sila sa ganoon. Pero syempre may pangarap din siya para sa kanyang mga magulang; ang maiahon ang mga ito sa hirap.
Napaka-sipag ng kanyang tatay Lucas, dahil wala itong reklamo kahit araw-araw ito sa pag-aaro sa bukid kaya ang swerte niya kasi ito ang naging tatay niya.
Samantalang ang kanyang nanay ay ewan basta, napakabungangera niya kahit umagang-umaga napaka-ingay ng bunganga! Wala talaga siyang binatbat sa nanay niya!
"Opo 'nay tatapusin ko lang 'tong kinakain ko" sabay higop ng kape at muling sumubo ng tinapay.
Maliit at masikip lang bahay nila at yari pa sa kawayan at kahoy puwera lang syempre ang bubungan. Siyempre apat lang naman sila sa isang bahay kaya share sila ng kapatid niya sa kwarto.
"Ate nakita mo ba 'yung brief kong bago?" tanong sa kanya ng bunsong kapatid na si Angelo.
"Aba hindi, no! Ba't ako ang tatanungin mo niyan gumagamit ba ako niyan? Hanapin mo baka nandiyan lang!" asar na wika niya.
Huling taon na nito ng hayskul at lumalaking gwapo. Buti na lang nagmana sila sa kanilang itay gwapo at matangos ang ilong kung sa inay naman nila na mukhang eta na pango ang ilong at may kakulutan pa ang buhok pero mestisa ito dahil laking bisaya kaya sa kutis naman nito sila nagmana! O di ba! Bonggang mixture ang nangyari sa kanilang magkapatid.
Ano na lang din kaya ang itsura nila pag nagmana sila sa kanilang ina? Nai-imagine tuloy niya ang itsura nila.
Naku buti na lang po panginoon malakas ang dugo ni tatay at sa kanya kami nagmana! Naidalangin tuloy niya.
BINABASA MO ANG
Series 1: The Arrogant Actor is a Billionaire
RomanceSi Aula Maglaya ay isang ordinaryong babae na masayahin, matapang, prangka, masipag at matalino ngunit kulang sa common sense. Si Hanz Nicolo Bernales ay isang sikat na artista, mayaman, arogante, simpleng babaero, tinitingala at tinitilihan ngunit...