Nicolo was busy arranging things for his pictorial later. He is often busy because his schedule is always full.
He needed rest. May negosyo din siyang itatayo.
"Humanap ka na kasi ng bagong P.A mo,"
Suhestyon ni Kalil sa kanya.
Umiling-iling siya nagtanda na siya sa mga sunod-sunod na ginawa sa kanya ng mga hinired niyang P.A.
Wala ng ibang ginawa ng mga ito kung hindi ang pagnakawan siya.
Mayroon pa 'yong nagamit niyang brief itinakas ng sira-ulong PA niya.
At alam ni Kalil ang mga iyon.
"Do you think that is still a good idea?"
"Yes, bro...you look stress nakakasama iyan sa pagkalalaki." natatawang biro nito.
"Paano naman nasama ang pagkalalaki ko diyan?"
"Look at me bro. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko." sabay tingin sa assistant nito.
Napangisi siya. "Loko ka talaga,"
Tinapik siya nito sa balikat. " Sige bro, alis na kami." paalam nito at tumango na lang siya.
Babaero din talaga si Kalil at hindi nalalayo sa kanya. Pati PA nito pinatulan.
Tumayo na din siya at kinuha ang kanyang mga gamit. Tinungo niya ang kinapaparadahan ng kanyang kotse at pinasibad iyon hanggang sa narating niya ang kanyang condo.
Nang makapasok siya sa loob wala sa sariling napa-upo siya sa couch.
Pakiramdam niya pagod na pagod siya sa buong maghapon.
Malapit na din ang lock-in taping niya.
Mapipilitan na talaga siyang kumuha ng PA.
Napbuntong-hininga siya. He looked around inside parang ginugupo ng lungkot ang loob ng kanyang condo. Though lagi namang ganun ang naaabutan niya sa tuwing umuuwi siya.
Pero hindi gaya noon bago ang dalawang buwan na nakalipas.
He never felt this way before. Pakiramdam niya habang tumatagal palungkot ng palungkot ang buhay niya.
Maybe he misses something that he didn't know.
Maybe sex? Dalawang buwan na din siyang walang tikim. Pero hindi naman niya hinahanap iyon.
Parang mas gusto na lang ulit niyang makarinig ng malakas na tawa.
Napapa-iling na lang siya na tinungo ang banyo at hinubad niya ang lahat ng kanyang damit at nagshower.
Medyo naginhawaan siya nang mabasa ang buo niyang katawan.
Habang nasa loob siya ng banyo nakakarinig siya ng matitinis na tawa.
Pinatay niya ang shower.
Nagha-halucinate ba siya?
Napaka-imposible naman yata ang naririnig niya?
Muli't-muli siyang napailing at ipinagpatuloy na lamg muli ang paliligo niya.
May nabuo na siyang pasya. Ibabalik niya ang dating sigla ng kanyang condo. At alam niya kung sino ang ibabalik niya walang iba kung hindi ang babaeng nagpagulo ng tahimik niyang buhay.
*******
Napansin kaagad ni Aula ang lalaking pasikot-sikot na parang may hinahanap sa loob ng palengke.
BINABASA MO ANG
Series 1: The Arrogant Actor is a Billionaire
RomantizmSi Aula Maglaya ay isang ordinaryong babae na masayahin, matapang, prangka, masipag at matalino ngunit kulang sa common sense. Si Hanz Nicolo Bernales ay isang sikat na artista, mayaman, arogante, simpleng babaero, tinitingala at tinitilihan ngunit...