CHAPTER 25: Cherub Costales 3

50 2 2
                                    

Hindi makapaniwala si Cherub na ang matalik niyang kaibigan ay isa sa itinuturong mastermind sa kamuntikan na niyang ikina-pahamak.

Nakakulong na din ang lalaking muntik nang gumahasa sa kanya.

"G-Gigi, why did you do that?" halos bulong na sabi na lang niya sa kaibigan.

Pinuntahan niya ito sa prisento dahil ipinahuli ito ni Nicolo. She was caught off guard at umamin umano ito sa nagawa.

Talagang hindi siya makapaniwala nang puntahan niya ito at bumulaga sa  kanya si Gigi na nakaupo sa lamesa at nakaposas ang mga kamay.

"You made me do it!" galit na wika nito. 

Naging mabagsik ang mga mata nito na dati rati hindi pa niya nakita ang ganoong mga mata nito.

"W-what I have done wrong ?" bumikig ang lalamunan na tanong niya.

"Because I hate you!"

Hindi siya makapaniwala sa mga lumalabas sa bunganga nito.

"But I love you,"

"Stop pretending bitch! You're an angel in disguise. Show me your demon side!"

Umiling-iling siya.

"Gigi alam mo ang tunay na ako at kailanman hindi kita pinakitaan ng masama at para na din kitang kapatid." malungkot na wika niya.

Napangisi ito. "Really? Sa tingin mo maniniwala ako sayo?"

"M-maniwala ka sakin...alam mong ikaw lagi ang piangsasabihan ko ng mga problema—"

"Shut up! I don't want to hear anything from you!"

Huminga siya nang malalim at pinipigilang umiyak.

"What made you do that? I don't think I've done a lot of damage to your career." balik tanong ulit niya rito.

"You stole everything from me!"

Dahil sa sinabi nito ay kusang naglaglagan ang mga luha niya.

"W-wala akong ninanakaw sa'yo."

"Liar! You made my life miserable! We are not different. Sooner or later your life will be as miserable as mine, kaya huwag kang makampante! Don't ever bring your fucking face to me ever again!" hysteria nito dahilan para pigilan na ito ng sheriff.

Nagulat siya sa mga sinabi nito. Meaning parang kagaya lang siya nito? Pero bakit wala itong nababanggit sa kanya sa kung ano ang problema nito.

Nalulungkot siya sa kanyang kaibigan pero wala siyang magawa.

Kahit nga sarili niya hindi niya matulungan.

Bakit kailangan nilang pag-agawan ang trono?

Alam niyang naunang pumasok sa modelling si Gigi. Dati itong pinag-aagawan ng mga bigating kompanya. Nakailang endorso na din ito noon kahit bata pa lang ito. Pero nitong mga ilang buwang lumipas ay naging matumal ang pagkuha sa kanya. At siya ang pumalit dito na siyang pinag-aagawan na rin.

Marahil iyon ang ikinasasakit ng damdamin nito.

Oh, good Lord, where's my innocent and bubbly friend? Why did she become so evil?

Wala sa sariling lumabas siya at natagpuan na lamang niya ang sarili na yakap na siya ni Nicolo.

He waited for her from the outside.

Napahagulhol siya at inaalo siya nito.

"Bakit nangyayari sa akin ito? Masama ba akong tao? Pinagtulakan na nga ako palayo ni mom, bakit pati si Gigi ay ganun din ang ginawa sakin?" tanong niya sa binata.

Series 1: The Arrogant Actor is a BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon