CHAPTER 17: Aula's suitor

83 2 1
                                    

Mabilis na lumipas ang dalawang araw ay naroon na nga sina Aula at ang pamilya nila sa Tarlac.

Nagpasalamat muna ang mga ito kay Nicolo bago sila umuwi at hinatid sila ng driver ni Nicolo sa van na ginamit nila pauwi. 

Laking tuwa ng mga magulang niya nang makabalik ang mga ito sa probinsya nila.

Lalong-lalo na ang kanyang itay na miss na miss na nito ang alaga nitong kalabaw lalong-lalo na si Isko.

Biruin mo dalawang araw lang ang mga ito sa Manila pero uwing-uwi na agad.

Talaga nga naman na simple at payak na pamumuhay lang ang gusto ng mga magulang niya.

Sa mga sandaling iyon ay kasalukuyan siyang nasa sala ng bahay nila.

Medyo nanibago siya sa sikip ng bahay nila.

Ikaw ba naman ang hindi manibago ei sa tagal ba maman niya sa manila. Kahit isang buwan pa lang ang pamamalagi niya doon parang ang tagal na niya sa Manila. At mas malawak na di hamak ang kwarto niya sa condo ni Nicolo kumpara sa bahay nila.

Maging siya man ay namiss din niya ang probinsya nila na malayo sa kabihasnan.

Namiss din niya ang amoy sa bukid maging ang tae ni Isko naamoy niyang muli iyon. Ang baho!

Ayan na naman ang mga lamok na naglipana sa itaas ng kanyang ulo. Kanda hampas ang ginagawa niya. Wala na rin kasi ang benda sa kanyang ulo.

Hays, sobrang nanibago talaga siya sa kanyang paligid.

Wala pa naman silang T.V na mapaglilibangan. Sa susunod na sahod niya bibili na siya ng T.V. 

Halos sa dalawang araw na namalagi siya sa kanilang bahay hindi siya lumabas ng bahay nila.

Nangako kasi siya kay Nicolo na mag-iingat siya para mapabilis ang pagbabalik niya ng Manila.

Speaking of Nicolo. Ano na kaya ang ginagawa nito sa condo nito?

Tinignan niya ang kanyang cellphone sa tabi. Ei, kung tawagan niya kaya ito at sabihin na okay na siya?

Wow, talaga lang Aula ah, parang uwing-uwi ka na ng Maynila! anang utak niya.

Hmp, hindi ah!

Nawala ang pagmumuni-muni niya nang makarinig siya ng nagigitara sa labas ng bahay nila.

Nangunot ang kanyang noo. Wala sa miyembro ng kanyang pamilya ang marunong maggitara.

Alas syete na ng gabi at nasa kusina naman ang kanyang ina. 

Ang itay Lucas naman niya ay nasa kabilang bukid at kasama nito si Angelo dahil nanghiram ang itay niya sa kaibigan nito ng kagamitan 

 sa pagtatanim para bukas. At hindi pa umuwi ang mga ito kanina magmula ng hapon.

At maya't-maya narinig niya ang magandang boses na kumakanta at sinasabayan naman nitong tumutugtog ng gitara. 

Aminado siya na maganda ang boses ng lalaking kumakanta. 

Hindi siya pamilyar sa inaawit nito.

Tumayo siya at binuksan ang pintuan ng entrance door nila.

Nakilala niya kaagad kung sino iyon.

At nagtataka siya na kung bakit ang pinakaiinisan niyang tao ay nasa harap ng bahay nila.

"Christopher!?" gimbal na tanong niya at may apat pa itong alipores.

"Magandang gabi sa'yo, Aula!"

Series 1: The Arrogant Actor is a BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon