CHAPTER 28: The past and present?

247 5 4
                                    

Hila-hila ni Aula ang maleta ni Nicolo palabas mula sa studio building na kinaroroonan nito.

Nauna na siyang lumabas at tapos na ang trabaho niya at makakapag pahinga na din siya sa wakas!

Alas tres kasing natapos ang ginawang pictorial nito. Napakarami nitong inindorsong product. Talaga namang bentang-benta ang mukha nito.

Mayroong gumawa pa ito kanina ng commercial. Kung kayat lahat ng damit niyang pinagpawisan nito ay nasa maleta.

Kahit mauna na raw siyang uuwi at may pupuntahan pa daw ang damuhong si Nicolo.

Halos balot na balot nang mahabang sombrero ang ulo niya. Para walang paparrazzi ang makakita sa kanya.

Grabe talaga ang nangyaring iskandalo sa buhay niya.

Tatlong araw na ang nakalilipas pero dinudumog pa rin siya ng mga reporter.

Ganun pala ang pakiramdam ng pinagpipyestahan. Ang buong akala niya masaya hindi pala.

Hindi na yata siya bibigyan ng katahimikan ng mga mosang na 'yon.

"Nasaan na ba 'yong sasakyan ni manong Lito?" aniya sa kanyang sarili.

Ang isa sa mga problema ni Aula sa tuwing natatapos ang trabaho niya ay ang paghahanap ng sasakyan ni manong Lito.

Puti kasi iyon at marami ding puting van sa loob ng garahe ng building sa ground floor.

Minsan kasi si manong Lito palipat-lipat din ito ng pwesto ng sasakyan.

Kaya kung ano-anu tuloy na van ang nabubuksan niya.

Tinted pa naman kasi ang sasakyan.

May nakita siyang van sa bandang likuran at alam niyang sasakyan iyon ni manong.

Dumaan na muna siya ibang mga sasakyan habang hila-hila ang maleta.

Pero bago pa man niya marating ang sasakyan ng puting van ay may tumamang malakas na bagay sa kanyang pwet at bigla na lang siyang sumadsad sa sahig!

Tumama ang mga tuhod niya sa sahig ng semento!

"Aray!" hiyaw niya.

Hindi niya alam kung anong bagay ang tumama sa kanyang likuran na dahilan kung bakit siya sumadsad at para tamaan ng ganun kalakas ang likuran niya!

Malilintikan talaga sa kung sino man ang gumawa 'nun sa kanya.

"Oh, I'm sorry hindi ko sinasadya!" sabi ng isang napakalamyos na boses ng babae.

Dahan-dahan siyang tumayo at umuusok ang mga mata ay hindi nag-aapoy na pala iyon sa galit na tumingin siya sa babaeng nagsalita.

Pero kaagad nawala ang galit niya nang makita kung sino iyon. Isang napakagandang babae.

Matangkad ito na di hamak sa kanya dahil may suot itong heels at para itong modelo sa gayak nito.

Sino siya!? Artista ba ang kaharap niya!?

Mukhang hindi pa niya nakikita ito sa tanang ng buhay niya.

Napaka sopistikada ng tingin niya sa babae!

Maganda at sexy pa! Naku-naku magiging tibo pa yata siya dahil sa babaeng kaharap.

"A,e...."

"Pasensiya na talaga hindi ko sinasadya! Hindi ko nakita na dumaan ka kaya nabuksan ko ang pintuan ng sasakyan nang hindi ko tinitignan kung may dumaan." hinging paumanhin nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Series 1: The Arrogant Actor is a BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon