THREE - BULLY

1K 37 5
                                    

THREE

Malelate na ko! Mabilis ko pang inihakbang ang mga paa ko para makarating agad ako sa locker ko. At dahil nga sa nagmamadali ako hindi ko man lang naisip kung bakit sira na naman ang padlock ko,maging ang pagtulo ng malagkit na bagay mula sa loob ng locker ko.

Kaya naman para akong binuhusan ng malagkit na lusaw na gulaman---mali,dahil literal na may tumapon sa mukha ko ng buksan ko ang locker ko.

Gusto kong maiyak sa nangyari. Lima. Limang araw na simula ng malaman ko na ako ang partner ni Rukawa sa junior- senior na project na yun na pinauso ng bagong principal. Limang beses na ring may kung anu anong nakakadiring bagay ang bumubuhos sa akin sa ibat ibang parte ng eskwelahan.

"Arrrggggghhhhh!!!!ano bang problema nyo??"
Pikon na pikon na talaga ko sa mga taong gumagawa nito sa akin. Naapektuhan na kasi pati ang mga klase ko. Lagi na lang akong nalelate dahil kinalailangan ko pang maligo at magpalit ulit ng bagong uniform.

Pinipilit kong ipagpag ang damit ko gamit ang panyong dala ko pero wala naman epekto. Madumi pa din ako.

"Nakakainis!!!!!!"
Gustong gusto ko ng umiyak pero pinipigilan kong mabuti ang sarili ko. Ayokong mas bigyan pa ng kasiyahan ang mga gumagawa nito sa akin.

"Oh,anong nangyari sayo Hikari?"

Plastic!!!

Gusto ko sana yun isigaw sa babaeng kunwaring concern na lumapit sa akin pero hindi naman maitago ang ngisi sa mukha kasama ang mga alipores nya.

Akira, Mitsuki..senior..jologs leader. Simula pa lang,malaki na ang duda ko na sya ang pasimuno ng lahat, wala lang akong ebidensya. Ngayon lang kasi sila lumapit sa akin para mang asar.

"Bakit naman ganyan ka makatingin Hikari?"malambing pa nyang sabi.

Paksyet lang! Ang arte na,ang plastic pa! Tapon ko kaya sa kanya tong tinapon nila sa'kin?

"Oh!wag mong sabihing pinagbibintangan mo kami?"

"Wala akong sinasabi! Bakit guilty ka yata?"

Halata ko agad na nainis sya, base na rin sa pagkalukot ng natural na nyang pangit na mukha.
Naku! Kung hindi lang sangkatutak ang kasama nitong alagad ,kanina ko pa to nginudngod sa lupa.

Yun pa lang ang sinasabi ko,napikon na sya at ilang beses na huminga ng malalim at ibinalik ang kaplastikan sa mukha.

"Sige lang,pagbibigyan ko yang pagka suwail ng dila mo tutal may hihingin naman akong pabor sayo."

"Ayoko!"

"Wala pa kong sinasabi!" Gigil na sigaw nya.

"Basta ayoko!"

"Aba't---" nagtangka na akong sugurin ng ibang jologs pero muli ay pinigilan sila ni Mitsuki.

"Bakit ayaw mong makipagpalit ng partner?" Kunot na kunot ang noong tanong nya.

Para maasar ka! Piping sigaw ko.

"Eh kasi malapit!" Pero yun na lang ang napagpasyahan kong sabihin. Mahirap ng masira ang cute kong face at body noh.

"What?????"hindi makapaniwalang tanong nya. Nag echo pa nga yung alagad nya eh.
Kung hindi lang nanganganib yung mukha ko sa kuko nila,kanina pa ko bumunghalit ng tawa sa kanila.
Ang epic kasi ng pagmumukha nila.

"Si Rukawa ang pinakamalapit sa tinitirhan ko at hindi ako tanga para makipagpalit pa sa isang taong kinakailangan ko pang mamasahe sa tren para lang makipagkita. Nakakatamad kaya. "

Ilang sandaling natahimik sila at tila hindi makapaniwala sa dahilan ko. Muntik pa ngang pasukan ng langaw sa bibig si jologs leader,sayang lang at nagsalita sya agad.

"Ganun? Mukhang wala na kong magagawa kundi sapilitan ka na lang na palipa-----

Shit,ang tapang mo kasi Yuki,paano pag sinira nila ang mukha mo? Oh noes!!!

Mukhang nasagad ko na yata kasi sila at madidilim na ang tingin nila sa akin.

"Teka teka,baka pwedeng pag usapan muna natin toh?"

Help! Anak ng tokwa san ako hihingi ng tulong???

Mabilis na umikot na ko patakbo pero naikutan na nila ako.

Wag kang iiyak Yuki!! Bulong ko sa sarili ko.

Magmumukha lang akong tanga kapag lumaban pa ko kaya mariin ko na lang ipinikit ang mga mata ko at nanalangin wag nilang gawin malalim ang kalmot nila sa akin.

Lord,save me !!

Ilang sandali pa ako sa ganong posisyon subalit wala naman akong naramdamang kukong bumaon sa akin. Sa halip dalawang malalaking kamay na humawak sa balikat ko ang naramdaman ko.

Dahan dahan kong iminulat ang mata ko at marahil dahil sa halo halong emosyon ko kanina,tuloy tuloy ng tumulo ang luha ko pagkakita sa lalaking nasa harapan ko. Wala na yung grupo ng mga jologs kanina.

"Dinadrama mo dyan? Tumabi ka nga dadaan ako!!"

Parang bulak na nagtangka syang itabi ako pero pinigilan ko sya. At dahan dahan inilapit ang mukha ko sa mukha nya.

"Paksyet ka Kaede Rukawa!!!" Tapos inuntog ko ng malakas ang ulo ko sa kanya.

Gusto ko pa sanang makita ang reaksyon nya pero hindi ko na nagawa dahil pagkatapos ng ginawa ko ay ang paglamon ng dilim sa buong sistema ko.

Basta putaragis kang Rukawa ka!!!!

Behind His Dark Eyes (Kaede Rukawa's fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon