THIRTY FOUR- LEAVE

371 17 2
                                    

THIRTY FOUR

----------------

"uugh!"
Mabigat ang pakiramdam na pilit kong idinilat ang mata ko. Bahagya pa kong napahawak sa ulo ko ng makaramdam ako ng kirot doon.

"Damn it! I should've not drink too much!"

Hindi naman kasi talaga ko madalas na umiinom dahil ayoko talaga nakakaranas ng hang over katulad ngayon. Kapag may mga event akong pinupuntahan,talagang iniiwasan ko mapainom ng marami.

Kung bakit ginawa mong tubig yung alak kahapon!

"What the hell?"

Bigla akong napatuwid ng upo sa kama ng bigla na lamang din sumabog yung liwanag sa paligid.

Bahagya ko pang naitakip yung kamay ko sa mga mata ko at hinayaan na kusa itong mag adjust sa liwanag.

"Alam mo? Napunta ka lang sa America puro mura na lagi laman ng bunganga mo! Di ka ba nahihiya kay Lord?"

Mabilis na napamulat ako ng mata nang marinig yung pamilyar na boses na iyon.

"Why are you here?"

"O? Amnesia? Nakalimutan mo na agad yung nangyari?"

Nangyari? Takang tanong ko sa sarili ko habang pilit na inaalala kung ano ba talaga yung sinasabi nya.

Huminga na lang ako ng malalim at tuluyan ng naupo sa kama.

"Just leave...wala ka naman ng obligasyon pa dito kaya bakit hindi ka pa umaalis?" Malamig na sabi ko.
Balik na naman ako sa pagkalaroon ng blankong mukha.

"Aray!ano ban----tsinelas?"
Bigla akong natigilan sa balak kong pagsigaw ng makita yung bagay na ibinato nya sa akin.

Miss na miss na kita Yuki...

Damn! Damn! Damn!

Sunud sunod na napamura na lang ako sa isip ko ng may mga ala alang biglang lumitaw sa balintataw ko.

So that's why she's not leaving yet?

Mabilis na naghagilap ako ng pwedeng sabihin sa kanya.

"Leave...just leave Yuki! Yung nangyari kagabi? Hindi ikaw yun. I am just mistaken you to someone else. It's not...it's not you."

"Mistake? You mean,you missed another girl named Yuki? Wow huh! At kapangalan ko pa? Kapangalan ko lang pala?"

"Look---"

"No! It's okay! Kasalanan ko... Kasalanan ko na naman. Napakaassuming ko to think na ako lang ang nag iisang Yuki sa mundo. Hah! Sorry--

"Leave..."
Hindi tumitinging sabi ko. Sadyang iniiwas ko talagang mapatingin sa kanya.

"Bakit?"

"Anong bakit?"

"Anong nangyari?"

"What? Are you gonna reminisce the past again? God Yuki! Hanggang ngayon ba hindi pa rin pumapasok sa kukote mo ang dahilan?....

...hindi kita ma--"

"Stop!" Mabilis na pigil nya sa gusto kong sabihin.

I bit my tounge not to utter another hurtful word. I forced myself not to look at her direction and choose to remain emotionless.
Parang kahit na ano pa kasing sabihin ko,wala ng lalabas na tama sa bibig ko.

I want her to hate me. I want her to feel the coldness in me towards her.

Gusto kong sya na lang yung magkusang lumayo sa akin. Sya na lang yung magalit. Kung pwede lang isumpa na nya ko para magkusa na rin syang umiwas sa mga lugar na pwede kaming magkita.

Sya man lang...magawa akong kalimutan.

Dahil kung ako ang tatanungin...baka hindi ko na kayanin. Baka sa susunod na makita ko sya hindi ko na sya mapakawalan kahit gustuhin pa nya.

Mariin akong napakuyom sa palad ko ng marinig yung yabag nya palabas at marahang pagsara ng pinto.

She left...She's gone...

Hanggang kelan ka ba ganyan...Rukawa?

"Yuki!!!" Malakas na tawag ko.

Dahan dahan akong nagpunta sa bintana. At para akong pinangapusan ng hininga ng makita ko syang papalabas ng pinto at nagsimula ng maglakad palayo...

"Yuki...Yuki..."
Paulit ulit na tawag ko habang palayo sya ng palayo. Tinatawag ko sya kahit alam kong hindi nya ako naririnig.

Pero ng bigla syang tumigil. Parang may mga kabayong naghabulan sa dibdib ko. At nang magtangka na syang lumingon,mabilis na nabitiwan ko na yung kurtinang tumatabing sa bintana.
Bahagya akong napahawak sa dibdib ko sa sobrang kaba.

"Aahh"
Muli na naman akong nakaramdam ng kirot sa ulo ko.

Damn hangover!!

Inis na usal ko bago nagpasyang bumaba na lang sa may kusina. Baka kapag nagtagal pa kasi akong tumanaw sa kanya,hindi ko mapigilan yung sarili kong ibalik sya dito sa bahay.
Pero dahil hindi ako mapakali,mabilis na may dinial akong numero sa cellphone ko.

"Hello manong? Malapit na ba kayo? Papalabas na sya ng subdivision..Opo sya na yan. Salamat.!"

It's just for this day...kahit sino naman gagawin din yung ginawa ko diba?
Kumbinsi ko sa aksyong ginawa ko.

There's no feeling involve!

Parang mas lalong nadagdaggan yung sakit ng ulo ko sa nangyari.
Bahagya ko pa yung hinihilot habang naglalakad pababa.

Pagdating sa loob ng kusina. Mariin akong napakagad sa labi ko pagkakita sa mga nakatakip na pagkain sa ibabaw ng lamesa.

Eat! It's good for the hang over. Take your meds after.

Mabagal na naglakad pa ako paupo sa mesa.Nanginginig ang mga kamay na isa isang tinanggal yung mga takip at pigil ang emosyong nagsimula ng kumain.

Sunod sunod ang naging pagsubo ko ng pagkain kahit na nga napapaso pa ako. Pinagsawalang bahala ko na yun at tuloy tuloy pa ring kumain.
Sinigurado kong walang masasayang sa pinaghirapan ni Yuki.
Kahit na nga nakaramdam na ako ng kabusugan ay tuloy tuloy pa rin ang ginawa kong pagkain. Pakiramdam ko kahit na sa ganoong paraan man lang makabawi ako. Kahit na sa ganoong paraan man lang maiparamdam kong mahalaga sya. Kahit na nga hindi nya nakikita.

She made this...she cooked for me.

Parang may humaplos na mainit na kamay sa dibdib ko sa naisip.
Hindi ko maiwasang alalahanin yung mga araw na magkasama pa kami. Yung mga araw kung saan masaya pa kami... Yung mga panahon kung saan akala namin kami na talaga...

Mapait na napangiti na lang ako sa mga ala alang biglang nagbalik.
Lalo na ng ang isa sa mga ala alang nagbalik ay yung dahilan kung bakit ba kami umabot sa ganito...
Kasabay ng pagbalik ng mga ito ay ang hindi na mapigilan pang pagtulo ng luha ko.

Because that day that i lost her...was the day that i lost my will to live...

A/n:
Sobrang nakakainis! Nabura yung una kong ginawang chapter!!! Ugh! Ang hirap iretype ulit! Btw,Next chapter is a flashback! And Rukawa's reason for leaving!!! Up next na po! Thanks everyone!!!


Behind His Dark Eyes (Kaede Rukawa's fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon