TWO - PARTNER

1.3K 43 11
                                    

Two

"Ru-ka-wa. Ru-ka-wa. L-O-V-E Ru-ka-wa!!!"

Gusto kong gumulong sa kakatawa kapag nakikita at naririnig ko ang sigawan ng mga jologs na fans ni Rukawa. Ang sabi nila sa tatlo lang daw na miyembro nagsimula ang fans club nya pero ngayon mukhang mabilis itong lumubo dahil halos hindi ko na mabilang ang mga babaeng nagchicheer sa kanya.

"ANO BA KAYO!!!NAKAKAISTORBO KAYO SA PRACTICE!!!ARGHHH!RUKAWA KASALANAN MO YAN!!"

Natigil ako sa ginagawa kong pagtawa ng marinig ang sigaw na yun.

Si Hanamichi Sakuragi. Nang grumaduate si Akagi,natupad ang kayabangan nyang maging sunod na team captain,kahit na saksakan ng pagkamainitin ang ulo nya,maayos naman nya yung nagampanan. Pero hindi pa rin nawala ang rivalry na meron sila ni Rukawa. Parang kulang naman ang araw ng dalawang yun kapag hindi nag aaway.

"Hindi ako ang nagpapasok sa kanila dito,at isa pa hindi naman naapektuhan ng ingay nila ang laro ko,baka ikaw pa.. Gunggong ka kasi!"

Bahagya akong napangiwi ng marinig ang sagot ni Rukawa. Wala talagang oras na pinipili ang dalawa at sa kahit na anong oras ay nagbabangayan. Akmang sasagot pa sana si sakuragi nang biglang parang nagbago ang isip nya at napatingin sa dereksyon ko---sa dereksyon pala ng babaeng tumabi sa pwesto ko.

"Hello yuki,paupo ha?" Nakangiting paalam nya pa sakin.

Kibit balikat naman akong napatango na lang sa kanya at bumaling na ulit sa mga naghahandang player para sa practice game pero ng marinig ko ang boses ni sakuragi na nakalapit na pala agad sa amin pasimple akong tumingin ulit sa kanya.

"Ah Haruko,Akala ko ba maaga kang uuwi ngayon?"

"Matagal na rin naman akong hindi nakakapanuod kaya sumaglit na rin muna ako, galingan mo ha,Sakuragi!"

"Oo naman,alam mo naman kung gaano ako kahenyo diba?"

"Weh?" Di ko mapigilang singit.

"May sinasabi ka ba miss?"

"Huh?" Maang maangan ko. Nagkibit lang ako ng balikat sa kanila at muling lumingon sa gitna ng court.

Hindi naman na umapela si sakuragi at bumalik na sa paglalaro.

Ilang saglit lang ay nagsimula na rin ang laro. Seryoso ang itsura ng lahat,walang gustong magpatalo.

Ganun silang lahat hanggang sa matapos na ang laro at magpasya ng mag uwian

"Pupunta tayo sa bahay nyo?"

Patayo na ko at naghahanda na ring umalis ng gym nang makarinig na naman ako ng salita galing sa mukhang posporong lalaking yun.

"Gusto ka daw makausap ni kuya."

"Ni Gori?"

Nagkibit balikat na lang ako at nagtangka na silang lagpasan nang sabay silang mapatingin sa gawi ko.

"Wha---"

"Sasama ka ba Rukawa?"

Nabitin sa ere yung mga salitang sasabihin ko dahil sa sinabi ni sakuragi.

Gosh,nasa likod ko si Rukawa?

Pasimple akong tumabi para makapag usap sila at nagtangka ng umalis. Pero dahil hindi naman ako ganun kabilis lumakad narinig ko pa yung isinagot ni Rukawa.

"Hindi ako pwede,may lakad pa kami."

"Oh?girlfriend mo?"

Huh?sinong girlfriend? May kasama ba syang babae kanina? Pero wala naman akong nakita?

"Pakialam mo? Umalis ka na nga!"

Nakita ko na lang ang pagkibit balikat ni Sakuragi habang inaakay palabas si Haruko. Pero si Haruko takang tumitingin pa rin sa gawi ko hanggang makalabas ng gym.

"Problema nun?" Takang tanong ko.

"Hikari, Yuki..."

Nanigas yung likod ko mula sa pagkakatayo ko.

Nakakainis isiping may ganung epekto sakin ang lalaking manhid na toh samantalang...

"Hindi ko naman sya crush!"

"Huh?"

Mariin kong nakagat ang labi ko nang marinig ko na naman sya. Muntanga naman kasi ako. Ang lakas na pala ng boses ko.

Mabilis na kong humarap sa kanya. Tinawag na nya ang pangalan ko kaya malamang na ako ang kinakausap nya.

"Bakit ba?" Hindi ko alam kung san ko nakuha yung lakas ng loob ko na yun,taliwas kasi sa nanlalambot na pakiramdam ko eh ang tila malakas na loob kong boses pagharap ko sa kanya.

Bahagyang tumaas ang sulok ng labi nya pagkakita sa akin pagkatapos ay walang pasabing inihagis sa akin yung folder na hawak nya.

"Ano gagawin ko dito?"

"Idribble mo tapos shoot mo sa ring!"
Balewala nyang sabi habang nag aayos ng gamit nya.

Nakasimangot na binuksan ko na lang yung folder para tingnan kung ano ba yun! Gago kasi tong si Rukawa! Hindi makausap ng maayos.

"History project..requirements before graduation..failure to submit is a failure in grades...project partner...

...Hikari, Yu-ki!"

"What??bakit ako?kinalaman ko sa project mo? Isa pa nasa junior pa lang ako,senior ka na? Bakit kailangang maging partner kita?"
Halos lumuwa ang lalamunan ko sa pagsigaw ko sa kanya. Pero ang nakakainis dun ay ang patuloy nyang hindi pagpansin sa akin.

"Hoy Kaede!!!!pansinin mo ko!!!" Nanggigil na talaga ko sa lalaking to.

"Junior - senior project yan. Last year pa tayo inorient tungkol dyan. Isa pa Hindi ako ang namili ng partner kaya wag kang maarte. "

Nanlalaki ang matang wala akong nagawa kundi ang matulala habang dinadaanan nya ko.

Pero ng biglang nagflashback sakin yung mga sinabi ni Sakuragi kanina at yung tingin ni Haruko.

"May gagawin kami"

"Oh Girlfriend mo?"

"What the hell? Teka lang Rukawa! Ayokong mabugbog ng mga Jologs mo!!!!!!"

Behind His Dark Eyes (Kaede Rukawa's fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon