FOURTY SEVEN - NEWS FLASH

340 13 2
                                    

FOURTY SEVEN

"Ate naman ang tagal mo!"
Inis na hinila na ako ni Aiko papunta sa sasakyan. Sya na din ang mabilis na nagpasok ng mga gamit ko sa loob habang ako ay tamad na tamad lang na pinagmamasdan sya.

"Umayos ka nga ate!"

"Ui ha,thank you sa pagtawag pa ng ate!" Sarkastiko kong sabi bago naghanda para matulog.

"Ate naman! This is our vacation! Bakit parang ako lang ang excited?"

"Correction lang po! It's YOUR vacation. Dahil kung ako lang masusunod mas gusto ko pang matulog sa kwarto ko noh!"

Pinigilan ko ang sarili kong matawa ng makitang ngumuso sya at sumimangot sa sinabi ko.

Agad na kong pumikit at hinayaan na lamang syang mag inarte sa tabi ko.

Hindi naman nagtagal naramdaman ko na ang pag andar ng sasakyan. Patuloy pa rin sa pagdaldal si Aiko pero bigla akong napadilat ng maramdaman ang pagtitig nya at bigla nyang pagtahimik.

Nang magdilat ako ng mata,hindi nga ako nagkamali ng makitang mataman syang nakatingin sa dereksyon ko. Sa halip na magsalita,ikinunot ko lang ang noo ko sa kanya bilang tanda ng pagtataka ko sa kinikilos nya.

"Masakit pa rin ba ate?"
Mabilis na nag iwas ako ng tingin ng malaman kung ano ang biglang pumasok sa isip nya.

Mariin na ipinikit ko ang aking mata at sadyang tumalikod sa gawi nya senyales na ayaw ko pag usapan.
Pero hindi sya tumigil.

"Ate,he is getting married---"

"Aiko!" Pigil ko sa kanya pero mukhang wala syang balak na tigilan ako.

"You've been sleeping a lot lately. Hindi ka naman dating ganyan. Nagsimula ka lang matulog ng matulog ng malaman mo yung balitang yun tungkol sa kanya. Ate! You never cried! I never saw you cried na mas gusto ko pang ginawa mo kesa ganito ka. "

"Ano bang sinasabi mo!" Kulang sa emosyong sabi ko.

"Sabi nila,sign of depression daw ang ginagawa mo. At kahit hindi nila sabihin at kahit na itanggi mo pa yan alam kong yun ang totoo. Ate ikakasal na si Rukawa---"

"Tumigil ka na!!!! Wala na kong pakialam sa kanya! I was the one who told him to leave me! Kaya anong karapatan kong masaktan now that he found his happiness? Ano? Huh? Aiko? I never cried because i don't think i have the right to act that way. I never regretted my desicion before kahit na nga ang sakit sakit na so please let me heal myself in my own way.! "

"So mahal mo pa rin sya?"

"Ano?" Nagtatakang tanong ko sa tanong nya.

Ipinagkibit balikat nya lang ang sinabi ko at nagtanong ulit.

"Si Rukawa,mahal mo pa rin sya?"

"Aiko---

"Just answer me ate!"

"Mahalaga pa ba yun?"

"Please ate???"

"Yes! Pwede na ba kong matulog?" Nawiwirduhang tanong ko sa kanya.
Na ikinangiti--- ikinangisi nya bago ako itinaboy ng kamay nya para matulog.

I rolled my eyes at her before going back to sleep. Pero bago yun naramdaman ko pa ang kamay ni Aiko sa pisngi ko.

"Finally,you let it out!"
Masayang sabi nya. Then i realized that i already did it.

I cried.

-------------

"Ate!!!! Nandito na tayo!"

Malakas na alog sa balikat ko ang gumising sa diwa ko.

Tinatamad pa rin ang pakiramdam na dahan dahan akong nagmulat ng mata at nilibot ang tingin ko sa paligid.

Beach?

Mabilis na napakunot ang noo ko ng makita ang puting buhangin at marinig ang sunod sunod na alon ng dagat.

Totoo na hindi naman ako nag abalang tanungin kung saan kami pupunta. Pero ayun na rin sa mga naririnig kong pag uusap nila,malayo ang beach sa naisip kong kabuuan ng pupuntahan namin.

Napabuntong hininga na lang ako at naisip na ako rin naman ang may kasalanan kung bakit nangyayari ang mga bagay na ito.

Hindi ko tuloy maiwasang magbalik sa ala ala ko kung bakit tila nagshot down ang mundo ko sa lahat....

"Anong sabi mo? Yuki?!" Gulat na tanong sa akin ni Aki na para bang hindi sya makapaniwala sa sinabi ko.

"Hahanapin ko si Kaede!!" Parang balewala ko namang sagot at patuloy lang na nag empake ng mga damit ko.

"Hindi pwede!!!"

"At bakit?" Kunot noong tanong ko sa kanya dahil para bang tutol na tutol talaga sya sa plano ko.

"Yuki ,hindi naman sa ayaw ko,pero alam mo ba kung saan mo sya hahanapin? At saka parang napabiglaan naman kasi ng pasya mo!" Kumakamot sa ulong sabi nya.

"Aki it's been two years since we last saw each other. At sa tingin ko sapat na yung panahon yun para magkita at mag usap kami and this time ako naman ang unang gagawa ng paraan para mangyari yun"

"Saan?" Tutol pa rin sa loob na sabi nya.

"I asked dad about the details,alam nya kung saan huling nagpunta si Kaede,at doon ako magsisimula."

"I still think that it's better if you will just stay!"

"Aki ano bang problem---"

"He's getting married Yuki!"
Sunod sunod na napailing ako sa mga katagang binitiwan ni Aki.

"No! You're kidding right?"

"How i wish i am." Dahan dahan nyang iniabot sa akin ang isang tila pahina ng isang dyaryo na halos lukot lukot na ang itsura.

"Just stay Yuki!" Muling usal ni Aki.

Nanginginig ang mga kamay na mariin kong ipinikit ang mata ko bago nagpasyang basahin ang anumang nakasulat sa papel na hawak ko.

At kahit anong gawin konh pagpapaikot sa mga salita doon,isa lang ang paulit ulit na kinababagsakan noon.

Ikakasal na si Rukawa...


Behind His Dark Eyes (Kaede Rukawa's fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon