SEVENTEEN - WISH GRANTED

593 28 2
                                    

SEVENTEEN

----------------

Nakakasilaw na liwanag ang nagpagising sa diwa ko. Tinangka kong kumilos pero bigla akong natigilan ng may maramdamang mabigat sa kanang balikat ko.

Yung babaeng maingay.

"Hoy bata! Bakit nandito pa kayo? Madaling araw na ah?"

Mabilis na napabaling ako sa lalaking nagsalita. Mali ako nung sinabi kong walang guard na darating. Ang totoo kasi nyan hindi naman ako naaabutan ng uwian na tulog pero dahil yun yung nasa isip nung babaeng kasama ko,hinayaan ko na lang sya. Tinatamad din naman akong magpaliwanag pa.

"Nakulong kami!"
Maikli kong sagot habang sinisimulang tapikin sa pisngi si Yuki.

"Bakit di kayo tumawag ng tutulong sa inyo?"

"Lowbat!" Kibit balikat ko lang na sabi habang napapahinga ng malalim. Ang himbing kasi ng tulog nung babae.

"Kaya dito na lang kayo natulog?"

"Mas gusto mo bang sinubukan na lang naming dumaan sa bintana?"

Inis na binuhat ko na lang yung babaeng maingay at nilagpasan yung guard na tila pinag iisipan pa yung sinabi ko.

Seryoso sya? Talagang pinagisipan nya yun?

Muli pang nagsalita yung lalaki pero hindi ko na sya pinansin,hindi ko na rin tinanong kung paano nyang nalamang nandoon kami sa loob ng maalalang may nakabukas na flashlight malapit sa pwesto namin dala nung babaeng buhat ko.

Napapailing na iniwasan kong tingnan sa mukha yung babaeng kasama ko at naglakad na lang ng mabilis pauwi.

Bahagyang kumirot yung balikat ko ng matabig nya yun ng gumalaw sya. Dala marahil ng matagal nyang pagsandal sa akin ng makatulog kaming pareho.

Kung bakit naman kasi naisipan kong hintayin pa syang magising kanina kaysa sa kulitin na lang sya na kausapin ako. Palibhasa pareparehas kaming mga walang teacher dahil sa emergency meeting na naganap kaya naman nang mabigyan ng pagkakataon mabilis akong lumipat sa building nila.

Hindi ko alam pero may pakiramdam ako na iniiwasan nya talaga ako. At hindi ko maiwasang mainis sa ideyang yun. Gusto ko na kasing matapos yung lintik na project na yun.

Yun nga lang ba Rukawa?
Bulong ng maliit na tinig sa isip ko.

Sandali akong natigilan at dahan dahang napatingin sa mukha ni Yuki.

Biglang parang may nagwawala sa dibdib ko. Sobrang mabilis na parang nahihirapan akong huminga.

I can't breath! What the hell?

Ilang sandali pa ko sa ganoong posisyon nang magulat ako ng magmulat sya ng mata. Maswerte sya at napahigpit ang kapit nya sa akin,dahil kung hindi? Malamang na nailaglag ko na sya.

-------------------

"Bitaw!"
Walang emosyon na naman nyang sabi. Bilib na talaga ko sa bilis nyang magpalit ng emosyon.

Pero dahil makulit ako,mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sanya!

"Bakit mo ko tinititigan?"

"Tulog ka pa ba?"

"Huh?"

"Because you're still dreaming!"

"What? Ang denial mo nakita kaya kita!"

"Bitaw!"
Ulit nya ulit at hindi pinansin yung sinasabi ko.

"Psh! Sungit! Kundi pa nga tinabihan mo ko kanina sa classroom namin."
Malakas na sabi ko bago tuluyang bumaba.

Behind His Dark Eyes (Kaede Rukawa's fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon