THIRTEEN- PRETEND GF/HEARTBREAK

588 26 2
                                    

THIRTEEN

Gusto kong magwala! Gusto kong manakit! Gusto kong bugbugin yung lalaking nasa harapan ko! Gusto kong patayin si Akira Sendo!!!!!!

"Aray!aray ko naman yuki! Teka wag yung buhok ko!!"

Inis na inis talaga ko ni hindi ko man lang nagawang makapagsalita sa harap ni...sa harap ni...aaaahhhhh.

"Nakakainis ka Aki!!!bakit hindi mo sinabing si Rukawa yung kasama mo? Eh di sana hindi na talaga ko pumayag na patulan yang kayabangan mo at magpanggap na girlfriend mo!!!!" Napufrustrate talaga ko! Ni hindi ko man lang nahabol si Rukawa para magpaliwanag.

May pamahal kita mahal kitang nalalaman ka pa dyan Yuki, tapos may pinakilala kang boyfriend???

"Ah!Paksyet ka talaga Aki!"

"Teka,masakit---aray Yuku ha! Isa!"
Muling bawal nya sa akin. Pero hindi pa rin ako tumigil,pinupuntirya ko pa nga yung buhok nya,dahil yun yung pinakakaingatan nyang wag mahawakan ko.

"At saka bakit ka nagmumura? Gusto mo bang makurot sa singit ni Auntie Kira?"
Bigla akong napatigil sa huli nyang sinabi. Oo nga pala tyahin nya si Sister Kira,yung madreng kumupkop sa'kin. Yun din ang dahilan kung bakit kami nagkakilala at naging close sa isa't isa.
Parang kuya na ang turing ko sa kanya pero dahil maarte si Aki at nakakatanda daw ang pagtawag ko sa kanya ng Kuya,pilit nya kong binabawalan na tawagin sya nun at Aki na lang daw anh itawag ko sa kanya.
Kumalma naman na ko ng konti pero humabol pa ko ng isang hila sa patilya nya bago maupo ng maayos.

"Anong gagawin ko ngayon?"
Naiiyak na sabi ko.

Napakunot naman ang noo nya sa akin at matamang pinagmasdan ako. Pero hindi naman sya nagsalita.

Ang dami daming beses na naming ginagawa ang magpanggap na magjowa,habulin kasi ng tangang chicks tong si Aki,palagi na lang kasing may humahamon sa kanya ng suntukan dahil napagbibintangan syang nang aagaw ng girlfriend at dahil may pagka peace lover tong pinsan kong hilaw,sa halip na pumatol,ang magpanggap na may babae na syang pinakamamahal ang naging panangga nya,at nagkataong ako ang babaenh kasama nya pag nangyayari yun!
Kung bakit kasi hindi muna ko nagtatanong! Kayabangan pala ang dahilan na gunggong na Aki na to ngayon!at kay Rukawa pa. Ang tanga ko din,nakasuot lang ng cap si Rukawa hindi ko na agad nakilala! Kung alam ko lang talaga! Naku!baka kung ano ng iniisip sa akin nun.

"Ano ba kasing problema?may gusto ka ba kay Rukawa? Tsk! May humored girlfriend na yun,magmove on ka na!"

"Humored girlfriend? Ano sya artista?"

"Di ba pareho kayo ng school? Hindi mo ba kilala yung babaeng lagi daw nya kasama? Pinagtanggol pa nya yun sa mga jologs---aray!!!"

"Oa mo naman,ang hina lang nun eh," bahagya ko kasi syang sinampal sa pisngi para patigilin sa pagsasalita. Kulang kulang kasi sasagap ng chismis.

Sinamaan nya lang ako ng tingin bago nagtangka ulit magsalita pero inunahan ko na sya.

"Ako yun!"

"Huh?" Takang tanong nya.

"Ako yung babaeng humored girlfriend daw nya!!"

"ANO????"

"Nakakayamot ka na ha Aki!"

"Wag mo kasi akong jinojoke ng ganyan!"

"Hindi naman ako nagbibiro! Ako talaga yun,pero hindi totoong girlfriend nya ko."

"Pwede bang linawin mo?"

"Kagabi...nagtapat ako sa kanya...sinabi kong mahal ko sya."

Tuluyan ng natulala sa akin yung lalaking kasama ko. Parang hindi nya maabsorb mabuti yung sinasabi ko. Akala ko nga hindi na sya magsasalita,pero likas yatang tsismoso sya at hindi makuntento sa paputol putol kong sinasabi.

"Tapos? Anong sabi nya sayo?"

Hindi ko alam kung paano sya sasagutin,bigla akong natigilan at tumitig lang sa mata nya.

Maya maya pilit akong ngumiti sa kanya,pero hindi yun umabot sa mga mata ko.

Naramdaman ko din yung isa isang pagpatak ng luha ko...sabay kibit ng balikat at sabing...

"Wala eh, basted ako!"

----------------------

Mahal kita!

Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin yun! Nababaliw na nga yata ako, lalo pa at natigilan si Rukawa sa balak na pagtanggal ng mga kamay ko sa leeg nya at matagal na tumitig sa mga mata ko.

Nagsimula tuloy akong umasa na baka meron din syang nararamdaman sa akin. Pero mukhang assuming lang talaga ko at nakalimutan ko kung sino ba yung taong kaharap ko ngayon.

"Tumayo ka nga,ang bigat mo!" Sa tagal naming magkayakap yun lang ang sinabi nya.

Dahan dahan tuloy bumalik yung hiya ko at umalis na mula sa pagkakadagan ko sa kanya.

Hinintay ko syang magsalita pero tanging pinapagpag na damit lang nya ang narinig ko,ni hindi sya tumitingin sa gawi ko.

Hinayaan ko lang naman sya habang pilit na kinakalma yung puso ko. Parang aatakihin na kasi ako sa bilis ng tibok nito.
Pero ng makitang nagtatangka na syang umalis. Mabilis na pinigilan ko sya at hinawakan sa braso. Parang may maliliit na karayom na tumusok sa buong pagkatao ko ng tabigin nya yun at hindi nya magawang humarap ulit sa akin.

"Rukawa..."

"Kakalimutan ko na yung sinabi mo!"

"Ano? Pero bakit?"

Napahugot muna sya ng malalim na hininga bago napasabunot pa sa buhok nya at hinarap ako.

"Kailangan ko pa bang ipagdiinan sayo yung sagot ko?"

Bahagya akong napaatras ng magtaas sya ng boses.

Ikinurapkurap ko din yung mga mata ko para pigilan yung luha ko.

Napatitig naman sya sakin ulit kaya hindi ko na maitago pa yung pagtulo nun sa mukha ko.

Mabilis na nag iwas na lang sya ulit ng tingin at tumalikod.

"Hindi kita gusto...Yuki!"

Mahina lang ang pagkakasabi nya nun sa'kin pero parang bombang sumabog yun sa tenga ko.

Hindi kita mahal

Pinilit ko yung sarili ko na huwag umiyak at pumunta na sa bike ko.

Iniwan na rin kasi ako ni Rukawa.
Pero parang may kung anong mabigat na bagay na nakadagan sa akin.
Na kahit na biglang bumuhos na ang ulan at nabasa ako ay hindi pa rin ako tuluyang makakilos ng mabilis.

Nalulunod kasi ako...nalulunod ako sa sobrang sakit....

Basted ka na Yuki.

A/N:
meron po akong one shot story! Waiting for you to love me...baka gusto nyo pong daanang basahin. :).
Thank you.

Xoxo,
Eiyscin

Behind His Dark Eyes (Kaede Rukawa's fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon