FOURTY ONE - SON

392 22 6
                                    

FOURTY ONE

------

Pagod ang pakiramdam na naupo na lang muna ako sa sala ng bahay. Bahagya pa akong napahawak sa batok ko ng magsimula na naman yung kumirot.

Nasa ganoong posisyon ako ng alukin ako bg kasambahay na kumain. Sinabi ko na tapos na akong kumain pero bigla akong natigilan sa sunod na sinabi nya.

"Dumating po yung anak nyo kanina."

"Si Kaede?"

"Opo." Parang nagtataka nyang sagot. Marahil dahil sa pagtatanong ko kung si Kaede nga ba yung tinutukoy nya samantalang alam naman ng lahat na sya lang ang nag iisa kong anak.

Tumango na lang ako sa kanya bago sya pabalikin aa trabaho nya para maagang makapagpahinga.

Ayun na naman yung kabang bumundol sa dibdib ko. 
Natatakot akong makaharap sya. Simula kasi nung araw na malaman nya ang lahat. Parang nagsilbi na yung daan para putulin nya ang ugnayan namin bilang mag ama.
Kung hindi tungkol sa negosyo,hindi ko pa sya makakausap. Bukod doon. Wala na kong ibang balita tungkol sa personal nyang buhay.

Isa pang dahilan kung bakit natatakot akong makaharap sya ay sa kadahilanang hindi ako sumunod sa huli nyang pakiusap. Lumapit ako kay Yuki. Pero wala naman akong sinabing ibang bagay sa kanya. Hindi ko ipinagtapat ang totoo. Lahat din ng tulong na ibinibigay ko ay pawang lihim. Mula sa pagkakatanggap nya sa trabaho hanggang sa mga gastusin nya sa hospital. Nagagawan ko yun ng paraan para hindi sya magduda.
Alam kong sinabi ni Kaede na maari akong tumulong pero hindi ang magpakita. Subalit hindi ko lang talaga maiwasan na naising mas makilala pa sya.  Lalo na ng magkaroon ako ng pagkakataong malapitan sya.

Masakit sa akin na hindi sabihin sa kanya ang totoo. Pero alam kong tama si Kaede. Mas masasaktan sya kung sasabihin kong ang dahilan kung bakit hindi sila kailaman pwedeng magsama ni Kaede ay ang pagiging magkapatid nila.
Ayun na naman ang malakas na kirot sa dibdib ko ng maisip ko yung dahilan na yun. Panay na lang akong sinusundot ng konsensya ko  kapag dumarating na ko sa puntong nagbabalik tanaw ako sa nakaraan.
Paulit ulit kong sinasabing ginawa ko lamang ang tama.

Napabuntong hininga na lang ako bago nagpasyang umakyat. Wala akong balak na kausapin sana si Kaede. Alam ko namang ayaw din nyang makita ako kung sakali.
Matagal na rin na panahong hindi sya nagpupunta rito.
Nakapagtataka lang talaga ang biglaan nyang pasyang magawi dito.

Ang balak kong pagpasok sa loon ng silid ko ay napalitan ng kyuryosidad ng makitang bahagyang nakaawang yung pintuan ng kwartong tinutuluyan nya. Nagdadalawang isip man. Sa halip na magpahinga na ay naisipan kong dumaan muna sa kanya at kumustahin sya. Nagbaka sakali rin akong makakausap ko sya.

Madilim at tahimik na paligid ang bumungad sa akin pagpasok ko. Tanging ilaw lang mula sa maliit na lamp shade sa tabi ng kama nya ang nagsilbing liwanag sa paligid.

Nakita ko syang bahagyang nakayukyok sa may gilid ng higaan habang pinaglalaruan yung bote ng alak sa kamay.

"Kaede..." Mahinang tawag ko sa kanya. Sapat na para mag angat sya ng tingin sa gawi ko. Pero hindi tulad ng inaasahan kong galit nyang isasalubong sa akin. Nakangiting mukha ang iniharap nya. Nakangiti pero mas masakit na itsurang tumutusok sa dibdib ko.

"Hi dad!" Medyo garalgal nyang sabi sa akin. "Come on,join me here!" Nakangiti pa rin nyang aya sa akin.

Tahimik na sumunod naman ako at umupo sa tabi nya.

"You're drunk." Mahinahong sabi ko  na ipinagkibit balikat nya lang.

"Hindi pa naman...ramdam ko pa eh... Masakit pa rin dito." Turo nya sa may bandang dibdib nya. "Hindi pa rin nawawala." Dagdag na sabi pa nya.

Hindi ko nagawang makapagsalita at hinayaan lang syang maglabas ng maglabas ng hinanakit nya

"Bakit ganun? Dapat sa mga nalaman ko,sa tagal na ng panahon na nalaman ko yung totoo,dapat wala na diba? Dapat tanggap ko na...diba dad? Pero putangina talaga! Kasi ang hirap. Hirap na hirap na ko! Ilang beses na kong nagpaalam! Ilang beses na dapat bumitaw na ko pero tangina talaga! Hindi ako makaahon!"
Mariin akong napakuyom ng palad ng magsimula na syang umiyak.
This is the first time i saw and heard him cry. Akala ko dati,bato si Kaede. Walang pakialam. Hindi marunong magsalita at puro sarili lang ang iniisip. Pero mali ako. Dahil sa nakikita kong itsura nya ngayon,kulang ang sabihing nasasaktan sya. It feels like,,he is dying...little by little.

"Nababaliw na ko! Hindi ko na alam kung anong gagawin ko!" Tinangka ko syang pigilan sa ginagawang pagsabunot sa sarili nya pero tinabig nya lang ako.

"Ang sakit sakit na nito! Ang sakit sakit na!" Malakas na kabog nya sa dibdib nya na para bang gusto nya na yung dukutin palabas para matapos na yung paghihirap nya.

"Alam kong mali! Pero tangina lang! Mahal ko pa rin talaga. Sobra. Sobra sobra na parang gusto ko na lang mamatay kapag naiisip kong hindi kami pwede." Patuloy lang syang umiiyak. Parang wala na sa isip nya na ako ang kasama nya. Parang ang mahalaga lang sa kanya ngayon ay ang mailabas lahat ng hinanakit nya. Baka sakaling mawala ang sakit na nararamdaman nya.

"Ahhhhhhh!" Bigla syang tumayo kasabay ng pagbato nya sa hawak na bote. Pagkatapos ay sunod sunod na pinagsusuntok yung pader.

Mabilis na inawat ko sya pero tinatabig nya lamang ako. Parang nawawala na sya sa sarili kaya ng iharap ko sya sa akin. Binigyan ko sya ng isang malakas na suntok sa mukha.

Bigla naman syang natigilan at dahan dahang napaupo ulit.
Nilapitan ko naman sya agad at marahang itinayo....

"Dad..." Biglang baling nya sa akin. Doon kitang kita ko kung gaano sya kasira. Kung gaano sya nasasaktan. Parang may libolibong kamaong sumuntok sa dibdib ko ng mapagmasdan ko sya. Mahigpit na nakahawak lang sya sa may damit ko habang deretsong nakatingin sa akin.

"That's enough,son!"
Malungkot kong sabi sa kanya.

Akala ko okay na ang lahat. Sa haba ng panahong dumaan inakala kong magiging maayos din ang lahat at matatanggap nila ang mga ipinagtapat ko. Pero mukhang nagkamali ako. Dahil ang sunod na sinabi ni Rukawa ay ang mga salitang pakiramdam ko ay pumatay ng tuluyan sa relasyon namin bilang mag-ama....

"Sana,pinatay nyo na lang ako."

Behind His Dark Eyes (Kaede Rukawa's fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon