FIFTY ONE - MISSING YOU

671 21 5
                                    

FIFTY ONE

I miss her

Parang baliw na napapangiti na lang ako mag isa habang matyagang nakatayo at nakatanaw mula sa labas ng ikalawang palapag ng puting gusaling iyon.

Miss na miss na kita...

Paulit ulit na usal ko kahit pa nga alam kong hindi nya ko naririnig at posibleng hindi rin makita..

ilang sandali pa ng pinalipas ko bago tuluyang nagpasyang umalis sa lugar na iyon. Subalit sadyang pinaglalaruan yata ako ng tadhana sapagkat kung kailan nakapagpasya na kong umalis, saka naman nya hinayaang lumabas mula sa lugar kung saan kanina pa ako nakatanaw ang taong kanina ko pa rin inaasam na makita... kahit na nga ilang sandali lang.

Yuki...

Mahinang tawag ko sa kanya...ilang sandaling hindi ko malaman kung paano pipigilan ang sarili kong tumakbo sa kinaroroonan nya at ipakita ang sarili ko. Ilang sandaling inasam kong tumingin man lang sya kahit ilang saglit sa gawi ko,pero kaakibat nun ay ang takot sa puso ko.
Takot na baka kulang pa ang panahong hinihingi nya...

Kaya naman nang sa wakas ay mapatingin na sya sa gawi ko, agad na kong nagtago at nagpasyang umalis...

"Kaede?!"
Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko ng may marinig akong tumawag sa akin. Hindi ko magawang lumingon kaya yung taong yun na lang ang nagpasyang lumapit sa pwesto ko.

"Ikaw nga?! Kailan ka pa nakabalik?"
Mukhang gulat na gulat na tanong nya.

Bahagya lang ako ngumiti sa kanya bago nagpasyang magsabi na ng totoo.

"Hindi naman ako umalis."

Halatang nagulat sya sa sinabi ko base na rin sa laki ng kunot nya sa noo.

"Hindi pa..." dagdag ko pa.

"What do you mean?"

"I am planning to leave tomorrow."

Totoo yun. Naisip ko na unfair ako dahil hindi ako tumupad sa usapan namin. Na baka tama sya. Na baka kung mananatili lang ako, hindi ko mahanap ng tuluyan ang sarili ko...
So i am finally giving myself a break.

Behind His Dark Eyes (Kaede Rukawa's fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon