FOURTY FOUR - DREAM

351 18 3
                                    

Writer's block!!!!

Forgive me!!!

FOURTY FOUR

"Sa palagay mo kaya,kung sakaling mabubuhay tayo sa ibang panahon,magkikita pa rin tayo?"

"Siguro...maaring oo,maaring hindi. Alin pa man doon,palagay ko naman hindi na yun ganoon kahalaga. Una sa lahat iba na ang magiging itsura natin nun. Hindi pa nga ako sigurado kung parehas pa rin ang kasarian natin sa ngayon. Malay natin pareho na pala tayong lalaki nung mga panahong yun."

Literal na napangiwi ako sa huling sinabi nya. Parang hindi ko mailarawan sa isip kong magiging lalaki ako sa susunod kong buhay.

Reincarnation...

Nakakatawa. Pareho kaming hindi dati naniniwala sa bagay na yan. Pero naging nag iisa naming sandigan sa ngayon.

Ito na ang huling araw. Huling beses para sa lahat ng bagay na may kinalaman sa aming dalawa.

Pagkatapos nito...kinakailangan na naming maghiwalay. Hindi. Mas tamang sabihing,kailangan na naming kalimutan ang isa't isa.

"O,diba sabi mo walang ii--"

"Hindi naman ako iiyak. Pakiramdam mo yata kaygwapo mong nilalang para iyakan kita!"
Mabilis na kontra ko sa gusto pa sana nyang sabihin. Tinawanan nya lang naman ako at patuloy na tumingala na lang sa ulap.

"Pupunta ko bukas." Biglang sabi ko na nagpatigil sa pagtawa nya at napalingon sa gawi ko.

"Huh? Bakit?"

"Syempre kasal mo na. Sisigaw pa ko ng madamdaming itigil ang kasal!! O diba eksena pa talaga?"
Natatawang sabi ko. Pero bigla rin akong napatigil ng mapansing nakatitig lang sya sa gawi ko at hindi sumasabay sa pagtawa ko.

"Yumi..."

"Kaito..."

Magkasabay naming sabi.

Nauna kong nag iwas ng tingin at tumayo na mula sa pagkakasalampak ko sa damuhan.

"Tara?"

"Saan?"

"Sabi mo iguguhit mo ko? Gawin mo na ngayon."

"Yumi---"

"Pero gusto ko kasama kita."

"Paano yun?" Takang tanong nya.

"Dun sa taas ng bahay nyo. May malaking salamin doon hindi ba?"
Nakangiting sagot ko habang hila hila na sya sa manggas ng damit nya.

Walang reklamo namang sumunod lang sya sa akin hanggang sa makarating na kami sa gusto naming puntahan.

Wala ang mga magulang nya kaya malaya kaming nakapasok na hindi nag aalalang masisita kami.

Pagdating sa pinakataas na parte ng bahay. Nauna na akong naupo sa pinakamalapit na upuang kahoy habang kumukuha sya ng mga gamit nya sa pagpinta. Sya na rin ang nag ayos ng salamin paharap sa aming dalawa.

Pumuwesto syang patagilid paharap sa canvass na dala nya. Habang ipinatong ko ang kaliwang pisngi ko sa malapad nyang likod.
Hindi ko alam kung paano nyang iguguhit ang imahe naming magkasama,hindi ko na rin naman iyon napag uukulan pa ng pansin.

Ito na ang huli...

Pilit kong itinaboy sa isipan ko ang kalungkutang bigla na namang bumalot sa isipan ko.

Mabilis na ibinalik ko ang nakangiti kong mukha at humarap sa salamin.

Pero kahit na anong pilit ko.. Hindi ko pa rin napigilan ang pagalpas ng ilang butil ng luha ko...

"Yumi..." Narinig kong tawag nya sa akin. Nagtangka syang lumingon pero mabilis ko syang napigilan at sumenyas na ipagpatuloy nya ang ginagawa.

Pilit ang sariling pilit ko syang nginitian. Nginitian ng buong pagmamahal...

Hindi ko maiwasang isipin yung mga panahon kung saan isinumpa kong hinding hindi ako magkakagusto sa kanya...hanggang sa puntong kinain ko lahat ng sinabi ko at mahulog sa kanya.
Yung mga panahong pareho na kaming nangangako ng habang buhay...ng masayang hinaharap...na hindi na pala pwedeng matupad.

Isang buhay...isang buhay kapalit ng kaligayahan naming dalawa. Isang kahilingang pareho naming napagkasunduang tuparin...kahit na nga ang kapalit ay ang tuluyang pagkamatay ng puso naming dalawa.

Bukas ay ikakasal na sya. Sa babaeng pinangarap ko sanang maging ako...pero hindi. Kay Yesha... Babaeng napili ng pamilya ni Kaito para makaisang dibdib. Babaeng dapat ay babalewalain lang namin pero sadyang nakatadhanang mamagitan sa kung ano mang mayroon kami ni Kaito.

May sakit si Yesha...malala na... At ang tangi nyang hiling sa buhay ay kunin ang buhay na mayroon din ako...si Kaito.

Nakakatawa... Maari kaming tumakbo palayo. Pero hindi namin ginawa,mas pinili naming umasa na lamang na maaaring hindi pa ngayon ang panahon namin. Na maaring ang tadhana namin ay sa mga susunod pa naming buhay...

At sakali mang mangyari yun...ipinapangako kong hinding hindi ko na sya hahayaang mawala pa sa akin... Pangako.

"Wake up...Yuki...God,please don't let her be with you this early. I need her,i-i l-love her...i do."

Mabigat ang talukap ng mga mata na hindi ko nagawang idilat kaagad ang mga mata ko. Sa halip ay patuloy lamang akong nakinig sa animo boses na paulit ulit na nakikiusap sa Dyos.

"Ang dami ko pang gustong sabihin. Hindi pa nga ako nakakahingi ng tawad sa lahat ng ginawa ko. Hindi pa ko nakakapagpaliwanag. Higit sa lahat,hindi ko pa naitatama ang mga maling paniniwalang parehong mayroon kami."

Maling paniniwala?

Hindi pa rin nagdidilat ng mata na patuloy akong nakinig sa kanya.
Mas lalo pang nadagdagan ang kuryosidad ko sa huling sinabi nya.

"Hindi tayo magkapatid...Yuki. Mali ako. Mali tayo. Hindi na dapat ako lumayo. Patawarin mo ko kung nagdesisyon akong mag isa. Patawarin mo ko kung pinangunahan kita! Please just come back. Mahal kita!"

Mahal kita Yumi...

Kasabay ng mga huling salitang binitiwan nya ay paglitaw ng mga pamilyar na imahe sa balintataw ko.

Kaito!!!

Mabilis na nagsipatak ang mga luha sa aking mata... At ang dahan dahan ko ng pamumulat ng mga ito.

Mula sa nanlalabong mga mata ay naaninag ko ang bulto ng katawan ng isang lalaking nakayupyop sa tagiliran ko.

"Kaede..." Mahinang bigkas ko pero sapat na para mag angat sya ng tingin sa akin.

Nang sa wakas ay magtama na ang aming mga mata...hindi ko mapigilan ang mas lalong paglakas ng iyak ko.

Hindi sya isang panaginip...

Ang lahat ng mga ala ala ng nakaraan na nagsibalik habang natutulog ako ay mas lalo pang luminaw sa isipan ko.

Tadhana....

"Yuki???"

Nanlalaki ang mga matang sambit nya sa pangalan ko.

Marahan akong nag angat ng kamay at nagsimulang haplusin sya sa mukha.
Tila naman bahagya syang natutulala at hindi agad nakakibo sa ginawa ko. Kaya naman nagpasya akong mauna ng bumasag sa katahimikang bumalot sa amin.

"Masaya kong...nagkita muli tayo..."

Kaito....

Behind His Dark Eyes (Kaede Rukawa's fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon