NINE - SORRY

623 25 4
                                    

NINE

"Akira Mitsuki."

Mabilis na napaangat yung tingin ko mula sa pagkakadukdok ko sa lamesa ng marinig yung pangalan na tinawag ng teacher namin sa harapan.

Nakahalukipkip na pinagmasdan ko lang sya,at ng mapatapat sa'kin ang mata nya,kitang kita ko kung paanong tila umakyat lahat sa mukha nya yung dugo nya sa katawan.

Nakaganti ka na diba?

Damn! Anong akala ng babaeng maingay na yun? Pumapatol ako sa babae? At ano ba kasing nangyari sa mukha nya?

"Aaah bwisit!"
Inis na nasipa ko yung lamesa sa harapan ko. Mabuti na lang at nauna ng magsilabasan yung iba kong kaklase,kundi pagtitinginan na naman nila ako na para bang ako ang unang taong naninipa ng lamesa.

Wala pa rin sa mood na kinuha ko na yung bag ko at nagtangka umalis pero nang malapit na ako sa pintuan,may babaeng biglang humarang sa dadaanan ko.

Akira Mitsuki...
Sya nga.

Hinintay ko syang magsalita,pero nanatili syang nakayuko at animo naiihing hindi mapakali sa harapan ko.

"Alis,dadaan ako."
Walang gana kong sabi. Mukha naman natauhan sya ng marinig yung sinabi ko kaya dahan dahan syang tumabi.

Pero nakakailang hakbang palang ako palayo nang bigla syang magsalita.

"Wag ka ng magalit Rukawa...naiganti ka na namin!"

Naiganti ka na namin...

Mariin kong naikuyom ang mga palad ko sa narinig. Ilang beses din akong huminga ng malalim para kalmahin ang sarili ko.

Habang nag eecho kasi yung sinabi sakin ng babae sa likod ko,paulit ulit din nagbabalik sa isip ko yung itsura ni Yuki kahapon.

"Wala ka ng dapat alalahanin,siguro naman sa ginawa namin,hindi na nya uulitin yung pang-----R-rukawa?"

Marahas na suntok sa pader ang nagpatigil sa bibig nya...

"Sinabi ko bang iganti nyo ako?"

"P-pero k-kasi..."

"Wala kayong alam!"

"R-rukawa!"

Hindi ko alam kung ano bang itsura ko ngayon,pero ng dahan dahan akong lumapit sa kanya at makita ko kung paano sya manginig sa takot..isa lang ang nakumpirma ko...

Galit ako.

"Wala akong inutos na saktan nyo si Yuki o kung sinuman!"
Mariin ko pa ring sabi.

Kitang kita ko yung pangingilid ng luha nya. At yung sunod sunod na pagtango nya habang nangangako sa akin.

"Patawad!!!hindi na mauulit!pangako!"

Tuloy tuloy pa rin yung pagtulo ng luha nya habang nakatingin sa akin. Inis na umikot na lang ako patalikod at nagtangka ng umalis.

"Rukawa,yung kamay mo!"
Pahabol pa nyang sigaw pero hindi ko na lang pinansin at tuloy tuloy ng umalis sa lugar na iyon.

---------------------
"Nakakatamad naman!"

Inaantok na itinakip ko sa mukha ko yung bag ko at pinilit na matulog uli mula sa pagkakahiga ko sa parang.

Hindi ako pumasok ngayon at parang ayoko na pumasok forever--- kung meron man!

Hindi pa rin kasi nawawala yung inis ko sa ginawa sakin ng mga jologs ni Rukawa.

May munting kurot ako sa dibdib ko nang maalala ko na naman yung pangalan ng lalaking yelong yun.

Rukawa..

"Wow naman konsensya!!!sige ulit ulitin mo pa yung pagtawag sa pangalan nya!!"

Nayayamot na bumangon na lang ako at hindi na pinilit pang matulog.

Bad trip kasi yung konsensya ko!lakas mangtrip!

"Hay naku!!!magdrop na lang kaya ako?"

"Kinakausap mo na naman sarili mo! Adik ka ba?"

Gulat na napatingin ako sa gawing kanan ko ng may biglang maupo at magsalita sa tabi ko.

Wala sya sa tabi mo noh,ang layo kaya! Assuming teh?

Kung di ko lang ikakamatay,kanina ko pa minurder yung epal na konsensya ko dito mismo!

Magtatanong sana ko sa bagong dating,pero biglang nagbago yung isip ko ng maalalang galit nga pala ako. Kaya naman inipon ko na lang ang gamit ko at mabilis ng tumayo para umalis.

But then,bigla akong natigilan ng may tila kuryenteng gumapang sa kamay ko...
Paano naman kasi,hinawakan pala ko nung epal na si Rukawa.

"Ano ba? Bitaw! Wag mo kong----shit!what happened to your hand?"

Mabilis na nabitiwan ko yung gamit ko at yung galit ko ng makita yung dumudugong kamay nya. May balot yung panyo pero basang basa na yun ng dugo.

"Yung Akira---"

"Shocks! Sinuntok mo si Mitsuki? Sa dami ng dugong to,hindi mo ba sya napatay? Eh teka diba,kampi kayo? Bakit mo sya sinaktan? Gosh! Bakla ka ba? Pumapatol ka sa babae?!ano Kaede bakit hindi ka makapagsalita?"

Kunot na kunot ang noong nakatingin lang sya sa akin na parang sinasabing...

Have you ever given me a chance to talk???

Eh kasi naman,ninerbyos ako sa nakitang dugo sa kamay nya at pagkarinig ng pangalan ng jologs leader!

"Ano nga kasing nangyari Kae---

"Tss!ang ingay mo!"

Letse!!!ang pangit nya talaga!

Nakasimangot na tiningnan ko lang sya at ng maalala na galit nga pala ako sa kanya mabilis na lumayo ako at bumitiw sa pagkakahawak ko sa kanya.

Nanatili ako na nakaupo malapit sa pwesto nya. Pero ng sa tingin ko wala naman sya sasabihin at patuloy lang akong mapapanisan ng laway..nagtangka na kong umalis at iwan sya.

Ngunit mukhang malaki talaga ang saltik sa utak nitong si Rukawa at tuwing aalis ako saka nagsasalita.

"Hindi ka pumasok?"

"Ui,tanga ka na ngayon Rukawa?"
Tiningnan nya lang ako ng masama pagkasabi ko nun. Napaubo naman ako ng bahagya ng iiwas ko ang tingin ko sa kanya.

Bobo kasi,obvious namang absent ako. Teka bago yun ah,madalang magkamali si Rukawa...

"Si Mitsuki...hindi ko sya inu--inutusan."

Hindi ko alam pero parang may mainit na kamay na humaplos sa puso ko.

Kasi nagpapaliwanag sya.....

Pigil na pigil ko ang sarili ko na mapangiti...pero ng muli syang magsalita...

"Hindi ko nga yun kilala eh!!"

Tuluyan ng humulagpos yung tawa ko...

Pano naman,kaklase nya kaya yun!!

Pero dahan dahan din akong natigilan,hindi dahil sa pagtayo at pag alis nya...kundi sa huling sinabi nya.

" Im sorry...Yuki..."

Behind His Dark Eyes (Kaede Rukawa's fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon