SIXTEEN - STRANDED

599 28 1
                                    

SIXTEEN

Napatigil ako sa balak na paghihikab ng may nagbaba ng folder sa lamesa ko.

Nagsimula na rin matulig yung tenga ko sa lakas ng sigawan sa paligid.

Eto na naman po kami.

"Oo na tatapusin ko na to,lumayas ka na sa harapan ko bago mapatid ang lalamunan ng mga kaklase ko!"
Balewalang kinuha ko na yung folder at itinaboy na sya ng hindi man lang sya sinusulyapan ulit.

Hindi naman na ako nagdalawang salita at mabilis na syang umalis. Parang radyo na rin na pinatay yung tiliang narinig ko kanina ng bigla yung nawala.

Tinatamad na nilagay ko na lang yung folder sa bag ko at dumukdok sa lamesa.

Konti na lang sana at makakaidlip na ko pero may istorbo na namang kumalabit sa likuran ko.

Inis na hinarap ko sya habang pikit ang isang mata ko.

"Ano? Oo nga,ako na lang ang tatapos nun! Bingi ka ba Kaede? Ang kulit mo ah!" Mabilis na yumuko na lang ulit ako at hindi sya pinansin.

Nakakainit ng ulo,akala yata porket gwapo sya eh matutuwa na kong makita sya! Asa naman? Sya kaya basagan ko ng puso? Tingnan ko lang kung makasurvive pa sya. Baka kahit lay up hindi pa nya magawa!.

Maya maya may naramdaman akong umupo sa tabi ko. Akala ko nga si Rukawa yun,wala naman kasi akong katabi sa dulo . Pero dahil hindi naman na ako ginambala ulit,naisip ko na baka isa lang sa mga kaklase kong umiiwas sa ingay.

Tuluyan na kong hinila ng antok at nagshut down sa maingay na paligid ko. Kung bakit kasi hindi na lang nila pauwiin ang mga estudyante gayong hindi naman sila magtuturo.

Whatever.

Mas inintindi ko na lang ang pagtulog ko para mabilis na ring lumipas ang oras ko....

-----------------

Nagising akong tahimik na tahimik ang paligid. Pero hindi naman ako nagdidilat ng mata. Iniisip ko kung may dumating bang teacher at sobrang tahimik ng paligid? Pero hindi,kakaiba talaga yung katahimikan,maging yung mainit pero mabangong hanging tumatama sa mukha ko...

Dahan dahan akong nagmulat ng mata,at halos hindi ako makahinga ng makita yung maamo nyang mukha...

Well wag lang naman sya talagang magsasalita at papasang anghel talaga yung face nya noh!.

Para akong hinihila ng magnet,hindi ko kasi magawang umalis sa pwesto ko. Hindi ako sigurado kung hinila bang kusa ni Rukawa yung lamesa papunta sa tabi ko at kusang loob na tumabi sa pagkakadukdok ko o baka naman gumana mag isa yung konsensya ko habang tulog ako at hinila sya paupo sa tabi ko.

Kaede.

Buka ng bibig ko pero iniwasan kong lagyan ng boses sa takot na magising ko sya.

Sa di maipaliwanag na dahilan,bahagyang namasa yung mga mata ko.
Sunod sunod na napasinghot pa nga ako para pigilin yung sipon ko.

Bakit ang sakit?

Dahan dahan kong iniangat yung kamay ko papunta sa dibdib ko.
Sabi nila utak daw ang nagmamahal...pero bakit pag nasasaktan ka na dahil sa pagmamahal hindi mo naman sinasabing hala ang ouch ng head ko. Sa halip yung bigat ng pakiramdam parang nasa puso talaga,nakakahingal,ang hirap sa paghinga...masakit.

Nyetang hypothalamus ko! Hindi yata nagpafunction.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko. Pinilit ko na ring iangat ang sarili ko at lumayo kay Rukawa bago pa ko humagulgol ng iyak na ikagigising nya.

Behind His Dark Eyes (Kaede Rukawa's fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon