THIRTY EIGHT- L.A

344 19 1
                                    

A/N:
Annyeonghaseo!!!! Ano ba yan! Naapektuhan na naman yung utak ko ng koreanovela!Haha kalma lang po. Tiwala lang. :). Maaayos din lahat.

THIRTY EIGHT

"Yuika.."

"What?"

"Yuika ang pangalan ko!!! Gunggong!! Gaano ba kalaking tutuli yung nakabara dyan sa tenga mo? Ang bingi bingi mo! Lumayas ka na nga sa bahay ko!"

"Teka lang!" Mabilis na hinigop ko na yung natitirang sabaw ng noodles sa mangkok na kinainan ko bago tumayo at nagtangka ng lumabas sa bahay nung babae--- eh ni Yuika daw pala.

Isa rin siguro yun sa dahilan kung bakit naiinis sya. Nakalimutan ko kasing ako nga pala ang nagtanong ng tungkol sa pangalan nya kanina.

"Are you a witch?"

"Ano?" Nanlalaki ang matang sigaw nya sa akin.

"Mangkukulam ka---aw!!!"

"Gagawin mo pa kong bobo! At talagang tinagalog mo pa?!"

"Aren't you asking me what did i say?" Yamot na sabi ko sa kanya habang hinihimas yung braso kong napagtripan nyang hampasin.

"Eh sira ulo ka kasi! Mukha ba kong mangkukulam?"

Agad na tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa. Bahagya pang napaangat yung kilay ko pagtama ng mga mata ko sa namumula nyang mukha.

"Hoy!!! Hindi ulit kulay itim lahat ng suot suot ko,nangangahulugan na rin yung mangkukulam ako! Bakit? Hindi ba pwedeng fashion statement ko lang toh? Judgemental!"
Malakas na sigaw nya sa akin.

"Wala naman akong sinabi."

"Tse!!!! Layas na! Nakalimang mangkok ka! Siguro naman bayad na ko sa ginawa mong pagtulong sa akin."
Sinimulan na naman nya akong itulak itulak palabas.

"Aray ko!"
Maya maya ay biglang daing naman nya.

Masyado kasing mainit ang ulo mas inuna pa yung pagsigaw sa akin kesa sa pagtingin sa paa nya.

"May cold compress ka ba?"

"Huh?"

"O ikaw naman ang bingi ngayon?" Asar ko sa kanya.
Inirapan nya lang ako at may kung anong itinuro sa bandang kusina.
Marahil nandoon yung tinatanong ko.

Ano na naman yan Rukawa?
Inuwi mo na nga, gagamutin mo pa?

Pilit na itinaboy ko sa isip ko yung makulit na tanong ng utak ko.
Pilit na isinisiksik ko na walang kahulugan yung ginagawa ko. Na may...

Na may naalala ka lang?

Bigla akong natigilan sa balak na pagkuha ng first aid. Bigla kasing sumagi na naman sa akin yung dahilan kung bakit hindi ko sya magawang iwanan na lang basta.

Habang nakakasama ko kasi sya,para bang mas lalo kong nararamdaman yung presensya ng isang taong kakilala ko,isang taong miss na miss ko ng makasama pero hindi pwede.

Napahugot na lang ulit ako ng malalim na hininga at pilit na binura yung mga naiisip kong imposibleng bagay.

Naabutan ko syang nakaupo sa harap ng isang malaking itim na piano. Nakatitig lang naman sya doon at parang walang balak na patugtugin yun.

Tahimik na naupo ako sa katabi nyang upuan at marahang iniangat yung paa nya.

"Damn! It's swelling!"

"Malamang maga talaga yan! Nadaganan ko ba naman eh! Itulak ba naman daw kasi ako---"

"Bakit ba ang haba ng palda mo? " Pigil ko sa balak  na naman nyang pagsisi sa akin sa nangyari sa kanya. Isa pa,totoo rin naman na sobrang haba talaga ng palda nya. Ang kapal pa,tipong kahit na humangin ng malakas eh mukhang hindi liliparin.

"Pakialam mo ba?" Asik nya lang bago nanahimik.
Akala ko nagsawa na syang magsalita ng ilang sandali syang natahimik. Pero mukhang nagpahinga lang pala sya dahil mabilis din akong napatigil sa ginagawa ko ng muling marinig yung boses nya.

"Bakit mo ko tinulungan?"

"Sabi mo kasalanan ko diba?"

"Naniwala ka naman!"

"Trip na din,nakakainip sa bahay eh!"

"Ah ganun!?"

"Oo,ano pa ba dapat?"
Kunot noong tanong ko.

"Na nalove at first sight ka sa akin,kaso lang hindi mo maamin kasi iniisip mong baka bampira ako at dugo mo lang ang habol ko. Natatakot ka rin na hindi ka matanggap ng mga kalahi ko kung sakali kaya nag iisip ka ngayon ng paraan kung paano ako----aray naman!" Malakas na pinitik ko kasi sya sa bandang noo bago tuluyang ibinaba na yung paa nya.

"Adik ka ba? Bampira? What are you? A fucking 5 year old kid?"

"Anak ng fruit cake!!!! Hindi ka ba marunong umappreciate ng story? Kill joy mo!" Ganti naman nya sa akin.

Hindi ko naman na sya sinagot at inilibot na lang yung paningin ko sa paligid. Maayos naman yung itsura ng bahay. Halos dalawang kulay nga lang yung makikita mo. Kung hindi puti,itim. Moderno din yung mga makikita mong gamit sa paligid. At isa pang napansin ko sobra ang daming painting.

"Bakit mag isa ka lang dito?" Hindi maiwasang tanong ko.

"Mukha ba kong walang kasama?"

"Bakit? Meron ka bang nakikitang hindi ko nakikita?"

"Ay joke yan?"

"Natawa ka ba?"

"Hindi!" Then she rolled her eyes to me.

" Ako na lang mag isa ngayon dito. Kung tatanungin mo kung nasan yung mga magulang ko,nasa L.A na sila."

"O bakit hindi ka sumunod?"

"Gago ka ba? Bakit ako susunod sa LOOB NG ATAUL!"

"What?" Gulat na tanong ko ng sumigaw sya. " Sabi mo nasa L---- what the fuck? You mean L.A means loob ng ataul?"Manghang tanong ko sa kanya bago matigilan ulit. "What i mean is...im sorry for your lost."

Sa buong gulat ko,malakas na tumawa lang sya sa akin bago ako malakas na hampasin.

"It's okay,sinadya ko talagang gamitin yung term na yun dahil malaki ang hula kong hindi mo alam yun." Natatawa pa rin nyang paliwanag. "And no! Don't be sorry. Matagal na rin namang nangyari yun. Hindi na ko nasasaktan pag napag uusapan."

" okay!" Napapatangong sabi ko na lang.

"Kung magtatanong ka naman bakit wala akong kasamang kasambahay,sa tingin mo ba may papayag sumama sakin papasok sa loob nito na hindi maiisipang baka isalvage ko sila?" Dagdag pa nya. Napatango na lang ako sa sinabi nya habang sabay kaming natahimik saglit.

"Actually,kauuwi ko lang talaga ulit. I was gone for almost 5 years. Ayoko pa nga sanang bumalik. Kung hindi lang talaga sa isang kompromiso...hay naku..hinding hindi mo na ko mapapabalik."

Dahan dahan akong napatingin sa kanya at hindi maiwasang mapatitig ng matagal sa mukha nya..

Suddenly,i felt something weird in her. Parang biglang bumigat yung boses nya,maging yung aura nya. Yung tipong,kung siguro wala ako dito malamang na nag iiyak na sya.
Hindi ko tuloy maiwasang magtanong sa kanya. Magtanong ng bagay na maaring pareho naming pinagdadaanan...

"Has someone left you?" Nanantyang tanong ko. Bahagya syang natigilan sa sinabi ko pero agad ding ngumiti bago seryosong tumingin sa akin at magsalita.

"No! I was the one who left..."

Behind His Dark Eyes (Kaede Rukawa's fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon