FOUR - HARDHEADED

919 34 1
                                    

FOUR

Tamad na tamad ako habang papunta sa klase ko,hindi ko namalayan na nakatulog pala ko pagkatapos maglaro saglit ng basketball kaninang lunch.

Late na ako pero hindi naman ako nagmamadali,para ano pa? Wala namang bago sa pagiging huli ko. Natural na bagay na yun para sa mga teachers ko.

Paliko na ko malapit sa susunod kong klase ng makarinig ako ng ingay galing sa may locker area.
Hindi ko na sana papansinin. Wala naman kasi akong pakialam sa mga trip sa buhay ng mga estudyante dito. Pero bigla akong natigilan pagkarinig sa pamilyar na boses ng babaeng nandoon.

"Teka,teka baka pwedeng pag usapan muna natin to?"

Mula sa balak na paglakad tuluyan na kong tumigil at tinungo ang lugar na pinanggalingan ng ingay.

Sya nga!

Wala naman akong balak na tumulong o makialam. Bigla ko lang naisipan na tingnan kung ano ang gagawin nya.

Nag iisa lang sya habang hindi bababa sa sampu ang mga babaeng nakapalibot sa kanya na ikinakunot ng noo ko.

Oo,tama na wala akong pakialam sa trip ng mga tao dito but seeing that girl in that very unfair situation makes me mad a little.

She's still my partner anyway...

Kahit yung gunggong na mukhang posporo tinutulungan ko nga minsan yung taong mapapakinabangan ko pa kaya?

Kitang kita ko ang mariing pagpikit nya ng mga mata kasabay ng dahan dahang paglapit ng mga babaeng nakapalibot sa kanya.

Bored na naglakad ako sa gawi nila. Hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko para tumigil sila. Pero wala naman pala kong dapat alalahanin dahil ng tuluyan akong makalapit at mapansin ng isa sa kanila,parang iisang taong tumingin na rin sa akin yung iba at wala na akong salitang binitiwan...mabilis pa sa pagdating ko ang naging pag alis nila.

Halos walang ingay silang nawala,kaya siguro nanatiling nakapikit pa rin yung babaeng maingay. Noon ko lang din napansin yung maduming mukha at damit nya.

Is she being bullied?

Wala naman kasi sa itsura nyang magpapabully sya. Gusto ko ngang magpapalit ng partner noong malaman ko kung gaano sya kaingay.

Pero sabagay babae pa rin naman sya,at tanga sya kung lalabanan nya lahat ng babaeng yun.

Wala pa rin syang kagalaw galaw sa pwesto nya. Kung uso lang sakin ang tumawa kanina ko pa ginawa. She's effin funny dude! Pero dahil wala nga sa bokabularyo ko yun nagpasya kong hawakan na lang sa magkabilang balikat para alugin.

Nagmulat naman agad sya ng mata. Pero pagkakita sa akin, sa halip na matuwa sya,biglang bumuhos ang luha nya at parang inis na inis na makita ako.

Napataas ang sulok ng labi ko sa inasta nya.

"Anong dinadrama mo dyan? Tumabi ka nga,dadaan ako!" Inis ko na lang na sabi sa kanya.
Pero mukhang may tama talaga sya sa utak at sa halip na sundin ako ay inilapit nya ang mukha nya sa akin.

At sa di ko inaasahang mangyayari,may dugo yata sya nung lalaking mukhang posporo...

Ginawa kasi nya sakin yung signature move nito....

--------

"Aishh! Ang sakit ng ulo ko!"
Dahan dahan akong nagmulat ng mata,pero sa halip na puting kisame ang makita ko o asul na kulay ng paligid,maitim na langit na punong puno ng star ang bumungad sa akin.

Mabilis na napabangon ako sa kabila ng sakit ng ulong nararanasan ko.

Bakit nandito ako sa parang?

"Buti naman naisipan mo pang gumising!"

Maang na napatingin ako sa lalaking katabi ko pala.

"Hoy kaede,bakit tayo nandito?"

Hindi nya ko pinansin at tuloy tulot na tumayo na at pumunta sa gawi ng bike nya.

"Hoy Lalaking yelo!!!nawala mo na naman ang dila mo?"

"Tss! Wag ka ngang maingay! Kasalanan mo kung bakit tayo nandito,ayaw pumayag ng matabang nurse sa school na maiwan ka sa clinic matapos mong mahimatay! Hindi rin ako nakapasok sa klase ko, hintayin ko na rin daw kasi na magkamalay ka dahil marami syang ginagawa at walang magbabantay sayo! At ang pinakanakakainis sa lahat,ng mag uwian na,magkalapit lang naman daw tayo ng address kaya isama na daw kita! Akalain ko bang tulog mantika ka pala! Hindi ko alam ang bahay mo!!! Sinabi lang nya na magkalapit tayo pero hindi nya sinabi kung saan!!!"

"O ano tutunganga ka na lang dyan?"

"Ikaw ba yan?"

"What?"

"Marunong ka palang magsalita ng lagpas ten words?" Nakalimutan ko sandali lahat ng inis ko sa kanya sa haba ng sinabi nya.
Halos mapanganga nga ako dahil hindi ako makapaniwalang nakapagsalita sya ng ganun kahaba!

Ang alam ko kasi pang pinoy henyo lang na sagot ang alam nya. Tipong Oo, hinde,at pwede lang ang madalas nyang sabihin.

Kaya naman ang marinig syang nagsalita ng ganun kahaba ay isang himala para sa akin.

"Bahala ka,uuwi na ko!"
Nagsimula na syang sumakay sa bisekleta nya at magpedal palayo.

Hindi ko na dapat sya pipigilan nang bigla kong maalala na malayo pa ako sa bahay namin. Gabi na at tinatamad akong maglakad mag isa. Isa pa kasalanan ng balahurang lalaking yelong yun kung bakit nangyari sa'kin to. Letse sya.

Teka nasan na ba---

"Hoy!!!lalaking bato!!!!hintayin mo ko!!! Walanghiya ka talaga!!!bakit iniwan mo ko ditoooooo??????"


Behind His Dark Eyes (Kaede Rukawa's fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon