FOURTY - MEMORIES

381 19 5
                                    

FOURTY

--------

Congratulation...

Tatlong araw na ang nakakalipas simula ng insidenteng yun sa hospital. Tatlong araw na rin pabalik balik sa akin yung ginawang pagbati sa amin ni Rukawa ng congratulation.
Hindi maalis sa isip ko na kaya ginawa ni Rukawa yun ay dahil inakala nyang ako ang nagdadalang tao at si Aki ang ama. Nang sabihin ko yun kay Aki na bigla na lang natulala ng araw na yun ay biglang nanlaki ang mata nya at dali daling nagpaalam paalis. Hindi nagsabi kung saan sya pupunta at hanggang ngayon ay hindi pa nagpapakita sa akin.

Sabagay,ano nga ba naman ang dapat kong ipag alala? Rukawa seemed not to care about us. Wala nga lang reaction yung mukha nya nung iabot yung mga pictures sa akin.

At nasaktan ako dahil dun.

Pinanganak yata kasi akong may kakambal ng pagkaasyumera!
Itanggi ko man. Hindi pa rin talaga maikakaila na may iba akong hinahanap sa magiging reaksyon nya. Kahit na nga mali yung inakala nya noong araw na yun. Inaasahan kong may sakit akong makikita sa mukha nya...pero wala talaga.

Napahinga na lang ako ng malalim bago nagpasyang magluto na lang muna ng kakainin ko. Maghapon lang akong nasa bahay ngayong araw.  Napakawalang kwenta nga daw ng day off ko sabi ni Aiko dahil hindi ko naman daw yun nagagamit ng maayos.

Matapos kumain,hapon na ng mapagpasyahan kong lumabas ng bahay. Walang tiyak na dereksyon yung mga paa ko. Basta naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa kusa akong matigilan ng mapatapat ako sa dati naming eskwelahan. Tapos na ang oras ng klase kaya wala na kong makitang estudyante sa paligid. Nagalangan pa kong pumasok dahil baka pigilan lang ako ng guard. Pero ng makitang mahimbing naman syang natutulog,dahan dahan na akong nagtuloy tuloy sa loob.

Pagtingin ko sa upuan sa ilalim ng malaking puno sa gawing kanan.
Memories of us----with Rukawa,started to flow.
Mariin akong napakagat sa labi ko para pigilan yung sarili kong pumalahaw ng iyak.

Mabilis na nag iwas na lang ako ng tingin at pumunta na sa gym.

Wala na rin akong naabutang naglalaro pa doon. Pero mahahalatang mayroong naglaro doon kanina. Hindi naman kasi masyadong nalinis yung sahig. Isa pa naiwanan din nakabukas yung ilaw.

Ru-ka-wa! Ru-ka-wa
L-O-V-E RU-KA-WA!

Bahagya akong napangiti ng isa sa mga nagbalik na ala ala sa akin ay ang malakas na sigawan ng mga jologs nyang fans.

Gunggong!

Na nauwi pa sa pagtawa ko ng malakas nang maalala yung paborito nyang tawag kay Sakuragi.

Naiiling na natangka na lang akong lumabas ng hindi sinasadyang may mabunggo yung paa ko.

Pagtingin ko sa baba isang gumulong na bola pala iyon.
Nahigit ko ang hininga ko ng makita kung saan ba yun nanggaling.

Nakaramdam ako ng bahagyang takot ng may maaninaw na isang hulmang katawan ng taong nakahiga malapit sa may upuan sa gawi kung saan hindi masyadong natatanglawan ng ilaw.

Gusto kong tumakbo palabas sa takot na baka isa yun sa mga biktima ng mga bully dito sa school. Baka may napagtripan na naman sila at hinayaan na lang dito yung katawan. Mas maganda na rin sana kung maisusumbong ko yun ng maaga. Subalit,parang sadyang may sariling isip yung mga paa ko at sa halip na sundin yung naiisip ko ay dahan dahan pa kong lumapit sa kinaroroonan ng katawan.

Titingnan ko lang,tapos aalis na ko.

Panay ang hinga ko ng malalim habang naglalakad ako. Hindi pa rin kasi nagkakasundo yung mga nagtatalo sa isipan ko.

Behind His Dark Eyes (Kaede Rukawa's fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon