THIRTY SIX - FATHER

411 23 9
                                    

A/n: Sa totoo lang,dumarating ako sa puntong parang hindi ko na kayang dugtungan pa to,yung tipong,hala ano ng isusunod ko? Parang masyado namang mabigat yung naiwan kong chapter para sundan ng kababawan lang. Minsan din gusto ko na lang sya tapusin. Pero sobrang mahiwaga talaga ang utak ng tao. Minsan kung kelan akala mo suko ka na biglang may iilaw na bombilyang may kasama pang sounds effect na "TING!!"

THIRTY SIX

-----

"Salamat po manong."
Kahit na nga nagtataka at may gusto pa akong itanong. Tahimik na lamang akong lumabas na sa kotseng bigla na lamang tumigil sa tapat ko kanina habang naglalakad ako palabas ng lugar ng halimaw na si Rukawa.

Tinanong nya kung saan ako pupunta. Nang sinabi ko yung address ko,mabilis syang nag alok na isabay na lang ako. Tinanong ko kung saan ba sya pupunta at kung anong kapalit ng gagawin nyang paghahatid sa akin pero nginitian nya lang ako. Nang tumanggi naman ako,agad syang naglabas ng mga i.d's nya at ipinakita sa akin. Nag alok din syang kuhanan ko sya ng picture at ipadala sa kung sino mang taong maari kong pagkatiwalaang magsusumbong sa kanya sakaling may gawin syang hindi tama. Pero hindi ko naman yun ginawa at kahit na parang scripted na lahat ng sinasabi nya ay minabuti ko na lang maniwala at sumakay na. Isa pa wala naman syang makukuha sa akin,naniniwala rin akong hindi ako ganoon kaganda para pag isipan nya ng masama.

Baka gusto lang talaga tumulong.

Pero sadyang weird nga yata talaga sya dahil kahit na nga hindi ko naturo sa kanya ng maayos yung dereksyon papunta sa bahay na tinutuluyan ko dahil na rin sa mga bagay na umookupa sa isip ko  eh narating pa rin namin yun ng tama at eksakto.

Shit,stalker ko pa yata si koya! Namamanghang naisip ko.

Agad na kong nagpasalamat sa kanya at pagod ang katawang nagtuloy na sana sa loob ng apartment na tinutuluyan ko kung hindi lang ako muntik atakihin sa puso sa gulat ko ng may humawak sa braso ko.

Akala ko kasi bumalik yung driver kanina! Muntikan na kong mapasigaw ng malakas. Tipong sigaw na makakapagpalabas sa taong bayan!

"Sir,kayo pala!" Nakangiti kong bungad habang binababa yung kamay kong nakaambang mamamalo.

Nagulat ako ng bigla nya akong hawakan sa magkabilang balikat,pinaikot nya rin ako na para bang may kung anong sinusuri sa katawan ko.

"Sir? "
Takang tanong ko na nagpatigil sa kanya.

"Tumawag sa akin yung Doktor mo. Nag alala ko kaya pinuntahan kita. Ang sabi nya kasi nasa bahay ka lang. Pero pagdating ko dito wala ka naman. Saan ka ba nanggaling?"

"Okay lang po ako,inatake lang ng kata!"

"Anong--?"

"Katangahan po.!" Natatawa kong biro. Pagkatapos ay dumeretso na sa pinto at binuksan iyon.

Lihim akong napakagat sa labi ko ng marinig ko yung pag aalala sa boses nya. Tahimik na inaya ko na lang muna sya papasok sa loob ng bahay.

Ang totoo nyan,hindi ko kasi alam kung ano pa bang sasabihin ko. Bukod sa mga tinuring ko ng pamilya ko sa labas ng bahay na ito. Minsan lang na may isang tulad nya na akala mo tatay ko kung magmalasakit sa akin.

Ganitong ganito rin ang itsura nya noon ng maospital ako. Grabe pa nga ang iyak nya nun at panay ang hingi nya ng tawad. Hindi ko sya maintindihan nun. Marahil nalaman nya lang yung nangyaring paghihiwalay namin ng anak nya--- ni Kaede,kaya sya ang humihingi ng tawad para rito.
Hindi ko na rin naman inungkat pa yun sa kanya pagkatapos. Pero simula ng araw na yun. Nag umpisa rin ang pagiging magkaibigan namin
Nag alangan pa ako nung una dahil sa relasyon na meron sila ni Rukawa. Pero ng lumipas ang mga araw na hindi sya nagbabanggit ng kahit na ano tungkol dito. Na para bang wala talaga syang kaugnayan dito,unti unti ng napanatag yung loob ko.

"Ah...Sir?"

Should i say it?

"Ano yun iha?!" Malambing na tanong nya.

Ang alam ko,hindi din kasi naging maayos yung paghihiwalay nila kaya kaya bahagya akong nagalangan kung dapat ko pa bang sabihin na nanggaling ako sa bahay ng taong yelo nyang anak.

"Yuki?" Muling tawag nya sa atensyon ko ng mapansin nya marahil na natigilan ako.

"Alam nyo po bang...nandito na sya?" Hindi ako nagbanggit ng pangalan pero pansin kong mabilis syang napaayos ng upo at bahagyang nawalan ng kulay sa mukha na para bang alam na alam nya agad kung sino ba ang taong tinutukoy ko.

"Si K-kaede?" Nauutal pa nyang tanong na ikinakunot na ng tuluyan ng noo ko.

Bakit parang...natatakot sya kay Kaede?

"Sir? Ano pong problem---?"

"Mabuti pa Yuki,,umuwi na ako. Mukhang pagod ka na rin naman. Para makapagpahinga ka na din."

Kahit na nagtataka pa rin. Napatango na lang ako sa sinabi nya at inihatid na lang sya palabas.

Hindi nakaligtas sa akin yung bahagyang panginginig ng kamay nya. Lalo tuloy nadagdagan yung tanong sa isipan ko.

Pagkasara ko ng pinto. Sinubukan kong kumain kahit na kaunti,malamnan man lang yung tyan ko. Nadala na ko sa atakeng nangyari sa akin. Tinext ko na rin sila Aiko kasama na yung mga magulang nya tungkol sa nangyari at sa balak kong pamamahinga muna. Agad naman silang pumayag at nagsabing dadalawin ako oras na matapos yung mga inaasikaso nila.

Pagod ang pakiramdam na nakaramdam ako ng ginhawa nang lumapat yung likod ko sa aking kama.

Namiss ko to.
Nangingiting wika ko ng bigla na naman akong may maalalang pilit kong itinataboy sa isip ko.

Nanlalatang pinatong ko yung braso ko patakip sa mga mata ko. Sinikap kong matulog pero nahirapan akong ilipat ang atensyon ko sa iba. Maya maya lang,naramdaman ko na yung pagkabasa ng damit ko sa bandang braso ko.

Ang sakit...

Bakit ganoon? Sa kabila ng paulit ulit na pananakit nya sa damdamin ko,hindi ko pa rin magawang magalit sa kanya ng lubusan. Pakiramdam ko kasi may kulang,may hindi tama,may mga bagay na nanatiling hindi nasasabi ang tunay na dahilan. Yun kasi yung mahirap doon. Yung nasasaktan ka pero hindi mo alam yung dahilan kung bakit. Maaring alam mo pero ramdam mong kulang!

Ang daya mo naman kasi Rukawa...
Okay na ko eh! Alam mo yun? Move na ko tapos lalapit lapit ka at sasabihing miss na miss mo na ko? Tapos ,tangina lang! Assuming lang pala ko dahil kapangalan ko lang?
Eh di wow! Ikaw na talaga ang nagtanggal ng letter G sa salitang PAG ASA!!!

P.S
SALAMAT MO SA PATULOY NA PAGBABASA.

Behind His Dark Eyes (Kaede Rukawa's fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon