FOURTEEN - JEALOUSY

658 30 4
                                    

FOURTEEN

A/N:
Nakakakilig yung mga lalaking nagseselos na,hindi pa nila alam!!! Yun lamang sa ngayon.
Naguguluhan na ko sa ugali ni Rukawa! Kidnapin ko kaya yun?
Thanks for voting and for reading this...

:)

---------------------

"Sorry late ako!"

Hindi ko sya pinansin. Mabilis ko syang tinalikuran at naupo sa gilid ng rooftop.

"Ayaw mo bang sa classroom na lang natin to gawin?"

"Eh di dun ka!"
Walang gana kong sagot.
Ineexpect ko na sasagot pa sya,pero sa buong gulat ko tahimik lang syang umupo malapit sa akin.

"Ikaw na lang mag ayos nung sa word,ako na sa picture."

"Ayoko! Ikaw gumawa nyan lahat!!" Giit ko pa rin.

Again,hindi sya kumibo at tahimik na sinimulang magtype sa laptap nya.

Nakakainis.
Mas gusto ko yung sinasagot sagot nya ko kaysa sa ganito na hindi sya nagsasalita.

Badtrip na pinilit ko na lang yung sarili ko na matulog...pero kahit anong pilit ko,hindi ko magawa at sa sobrang katahimikan,tanging tunog lang ng keypad ng laptap ang naririnig ko na lalong nakapagpairita sa akin.

Ewan ko ba,naiinis talaga ko sa ideya na girlfriend sya ni Sendoh. Nalaman ko pa the day after she said she loved me!.

Gusto ko syang tanungin pero lagi akong pinangungunahan ng galit ko. Ayoko syang kausapin na gusto ko.

Tokwa nama oh!

Padaskol na tumayo ako at sinipa yung basurahan sa gilid ko.

Mukhang nagulat naman sya at maang na napatingin sa mukha ko.

Iniwas ko lang yung tingin ko sa kanya at nagpasyang maupo na lang ulit,pero mukhang napuno na rin sya at isa isang niligpit yung gamit nya at naglakad palayo.

"Saan ka pupunta? " masungit pa ring tanong ko. Sa pagkakataong yun sya naman ang hindi pumansin sa akin at dere deretso ng umalis.

"Ah bahala ka na sa buhay mo!!!" Pahabol na sigaw ko.

Naupo na lang ulit ako sa gilid at nagtangkang matulog.
Pero kakapikit ko pa lang,may naramdaman akong tumama sa braso ko.
Pagdilat ko nakarolyong papel pala yun na dala nung babaeng maingay.

Bumalik pala sya.

Tahimik na tiningnan ko lang sya at hinintay na magsalita,hindi naman ako nabigo dahil agad ding bumuka yung maingay nyang bibig.

"Ano bang problema mo Rukawa? Bakit parang natira ka na naman sa north pole at nagbalot ng regalo ni Santa clause?"

Huh?
Maang na napatingin lang ako sa kanya at medyo naguluhan sa sinasabi nya.

I watched her bite her lower lip like as if it is her way to control her tears from falling. Nagsisimula na rin mamula yung magkabilang pisngi nya.

"Oo,mahal kita...pero fuck you ka! Hindi porke't sinabi kong mahal kita,susundin ko na lahat ng gusto mo! Nakakabwisit ka na! Tao akong nagmamahal hindi katulong mong namamasukan! Gumawa ka mag isa mo ng project!!! H'wag ka sanang makagraduate! Bwisit!"

Bahagya akong natulala sa sinabi nya,hindi ko na nga sya nahabol pa para kausapin ng maayos.

Kausapin ng maayos? Talaga lang ha Rukawa?

---------------------

Panay panay ang ginawa kong pagpunas ng luha ko. Naiinis kasi talaga ko kay Rukawa!

Akala ko kaya kong pagtyagaan yung ugali nyang magulo pa sa tuktok ng kulot na buhok ni Ryota, nagtimpi na nga akong hindi sagutin yung pagkaalingasngas nya pag akyat ko kanina kaso lang nung sinipa nya yung basurahan,nayamot na talaga ko sa ugali nya.

Pwede naman nyang sabihin kung ayaw nya sa'kin...

Eh di ba nga binasted ka na?

Pero wag syang umarte  na parang gustong gusto ko syang kasama. Kung pwede nga lang ayoko muna syang makita. Pero dahil sa letseng partnership na yun sa project hindi ko sya magawang iwasan.

"Aray!"

Bigla na naman kumirot yung sintido ko. Isa din yun marahil sa dahilan kung bakit mabilis na uminit yung ulo ko. Pagkabangon ko kasi kaninang umaga,mabigat na talaga ang pakiramdam ko. Dala siguro ng pagkabasa ko sa ulan. Naramdaman ko na din to nung kasama ko si Aki kahapon. Kaya nga pinauwi nya na rin ako kaagad. Akala ko dala lang ng init ng ulo ko sa kanya kaya mainit ang pakiramdam ko kaya hindi ko naman masyado pinagtuunan ng pansin.

Bahagya kong ipinilig ang ulo ko ng magsimula ng madoble yung tingin ko. Nakakainis naman na mukhang dito pa ko aabutan ng hilo sa eskwelahan.

Dahan dahang naupo na lang muna ko at nagpasyang tawagan si Aki.

"Kuya---"
Ang sakit sa tenga,hindi naman nya kailangan sumigaw kung ayaw nyang magpatawag ng kuya.

"Oo na...Aki na kung Aki!! Pero pwede mo ba kong sunduin?"

"Nahihilo kasi ako---what? Hindi ako buntis,tumigil ka nga dyan! Basta daanan mo ko dito! Bye!"
Agad ko ng pinutol yung linya,ang dami pa kasing sinasabi nun.
Sabi nya pauwi na rin naman sya kaya malamang na maya maya lang nandito na sya.
Itinext ko na lang sa kanya kung nasang parte ako ng school. Hindi naman na sya babawalan ng guard lalo na at madalas naman sya ditong maglaro kasama sila Fujima at Uozumi syempre kalaban sila Hanamichi.

Nauuhaw ako.

Sinubukan kong tumayo pero muling napabalik lang ako sa pagkakaupo.
Pakiramdam ko tuyong tuyo na yung lalamunan ko. Masyado yatang nasagad yung lakas ko ng sigawan ko si Rukawa kanina.

Napabuntong hininga na lang ako at nanatiling nakaupo sa may bench sa ilalim ng malaking puno malapit lang din sa gym habang nakapikit ang mga mata.

"Tubig!!!"

Nauuhaw na talaga ko,masakit ang mga mata na pilit akong dumilat para lang magulat sa lalaking biglang tumabi sa akin.

Nakakainis,manhid ba talaga sya at hindi nya ko kayang bigyan ng space?

"Bakit ganyan ang itsura mo?"
Pabiglang tanong nya.

"Ano bang pakia----tubig!"

Mabilis akong natigilan ng makita syang umiinom ng tubig sa bote.
Kagat labing napatingin ako sa bawat paglagok nya dito.

Hindi naman nya yun naubos,nangalahati lang yun kaya naman hindi ko mapigilan ang sarili kong sundan yun ng tingin.

"Yung kanina Yuki...ano.."

Narinig ko syang nagsalita pero hindi ko sya masyado maintindihan. Nakatuon kasing mabuti yung isip ko sa kung paano ko ba makukuha yung tubig sa kanya.

"Hoy!okay ka lang?"

Biglang tanong nya na nagpaharap sa akin sa kanya.
Sunod sunod na tumango ako pero lalo lang nadagdagan yung hilo ko.

Hindi ko na kaya!!

Hindi ko na inisip yung galit ko sa kanya at mabilis na inagaw sa kanya yung bote ng tubig.

Kahit na nga yung isiping maaring indirect kissing yung ginawa ko hindi ko ba napatuonan ng pansin.

Kiss??

Mali...kahit sa ganitong sitwasyon pala naiisip ko pa rin yun.

Dahan dahan akong natigilan at tumitig sa kanya.

Nagdedeliryo na yata ako...

Paano naman kasi...pagtingin ko sa gawi nya nakangiting mukha nya ang nakita ko.

Imagine!!!the great Kaede Rukawa is smiling!

Lord? Kukunin nyo na po ba ako?

Behind His Dark Eyes (Kaede Rukawa's fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon