FOURTY FIVE - SPACE

331 18 2
                                    

I accidentally deleted the first chapter fourty five na tinype ko and i am going totally insane because of that. Argghhhhh!!!! Sorry sa matagal na update guys. Forgive me please.

FOURTY FIVE

Tahimik lang akong nakamasid sa dalawang lalaking nasa harapan ko habang pilit na isinisiksik ko sa isip ko ang mga paliwanag na sinasabi nila.

Hindi ko maintindihan pero parang wala akong maramdaman. Parang manhid na manhid yung pakiramdam ko na kahit na nga ng yakapin ako ng taong nagpakilalang ama ko ay ni hindi ko yun nagawang suklian. Maging ng magpaalam na sya ay tanging tango lamang ang aking naibigay na kasagutan.

"Yuki..." Mahinang tawag sa akin ni Kaede. Dahan dahan akong nag angat ng paningin hanggang sa magtama ang aming mata.

Kaito.

Biglang nagbalik sa ala ala ko ang lalaking nasa panaginip ko. Ang lalaking nakita naming dalawa sa painting sa lumang bahay na pinuntahan namin.

Parang may kung anong kumurot sa dibdib ko ng maisip na maaring nauulit muli sa amin ang nakaraan. Na ang panaginip ko ay isang pahiwatig kung bakit nangyayari ang lahat.

Isa isang nagsipatak ang luha ko sa naisip na ikinabahala naman ng lalaking nasa harapan ko.
Ilang sandaling tila hindi nya alam kung ano ang gagawin hanggang sa maramdaman ko ang marahan nyang pagyakap sa katawan ko.

"I'm sorry Yuki... I'm sorry."
Paulit ulit nyang sabi na para bang sa pamamagitan noon ay maiibsan na ang lahat ng sakit.

"Kaede..." Mahinang tawag ko habang marahang kumakawala sa yakap nya.

Mabilis na hinanap ko ang mga mata nya at Ilang sandaling nanatili akong nakatitig dito. Tinatantya ang bawat salitang maaring lumabas sa bibig ko.

"Masaya akong nakilala kita. Masaya akong minahal kita. At mas masaya ako ngayong nalaman kong walang mali...na pwede pang magkaroon ng "tayo" na may pag asa pa.
Meeting you was not really in my plan. Mas lalo na ang mainlove sa isang tulad mo. I hated complications,i just wanted to live simply,to earn for my future and give back the goodnesa of those people who were helping me. But then you came. And i never regretted it. Kasi noon lang ako sumaya. Noon ko lang naranasang maging tunay na masaya. Nang dumating ka sa buhay ko. I wanted to hate you for enduring all the pain just to protect me. Pero ang kapal naman ng mukha kong maramdaman yun. Nasasaktan ako maisip ko pa lang yung pinagdaanan mong hirap sa pag iisip na mali ang pagmamahal na nararamdaman mo para sa akin. Nagsisimula na rin akong mapaisip kung anong mabuting bagay ang nagawa ko para ibigay ka sa akin ng Dyos.
God Kaede...you're selfless... To the point na parang nabuhay ka lang para sa ibang tao at hindi para sa sarili mo."

Pilit kong pinipigil ang mga luha ko pero mukhang napakaimposible noon lalo pa at nagsimula na ring umiyak si Kaede.

"Mahal kita Kaede..."

"But...?"
Mariin akong napakagat sa labi ko ng mabilis nyang sundan gamit ang basag na boses ang sinabi ko.

"But? Ano Yuki? "

Parang unti unting pinapatay yunh puso ko sa nakikitang paghihirap sa itsura nya. Parang gusto ko na lang bawiin lahat ng planong nabuo sa isip ko at tuluyan na lang kalimutan lahat ng nangyari. Pero hindi,alam kong ito ang kailangan naming pareho para maging okay kami. Para maibigay namin kung ano ang nararapat para sa isa't isa.

Isang malalim na hininga muna ang pinakawalan ko bago tuluyang basagin sa harap nya ang mga salitang nais kong sabihin.

Leave me...let's leave each other's life.

"NO!!!" Malakas na sabi nya habang mahigpit na nakahawak sa mga kamay ko.

"No,listen to me first. Believe me. Kailangan natin to,kailangan mo to."

"Yuki---"

"Noong minahal natin ang isa't isa parang tuluyan ng nawala yung love na meron tayo para sa sarili natin. Wag mo isipin na ginagawa ko to dahil hindi na kita mahal dahil mahal kita Kaede. Sobra sobra. Pero hindi kasi doon lang natatapos ang lahat.

Sometimes we need to fix ourselves first. Love it. Respect it. That way,we deserve to be loved by others. Kasi may kaya na tayong ibigay. Yung buo. Hindi yung ganito. Maaari tayong bumalik na sa dati ngayon. Pero hanggang kelan? Hanggang kailan tayo magiging okay? Maaring mangyari ulit lahat ng to sa pangalawang pagkakataon sa ibang paraan. At gusto ko handa na tayo."

Ilang sandali ang lumipas at nanatili lang kaming tahimik matapos ang sinabi ko. Sinamantala ko na rin ang pagkakataong yun para kalmahin yung sarili ko.

"Hanggang kailan?" Pero nagulat ako sa biglang pagtatanong nya sa akin.

"Huh?"

"Can i still come back to you?" Umiiyak pa ring tanong nya.

Sunud sunod na napatango naman ako habang nakatitig sa kanya.

"Soon?" Pangungulit pa nya sa akin.

Napapatawang napatango na lang ulit ako sa kanya.

"Then,i will leave..."

"And i will wait Kaede..."

Muli katahimikan ang bumalot sa aming dalawa habang magkahawak ang aming mga kamay.

Marahil ang pagmamahal ay hindi lang talaga natatapos sa salitang "mahal kita". Dapat humanda ka na rin sa mga kaakibat nitong salita na laging nasa paligid hindi lang para laging magpaganda sa isang relasyon kundi para rin manira at sumubok dito.

"Mahal kita Yuki...sobra. And i am willing to leave not because you say so. But because i do believe that whatever happens...i know that we are born for each other...forever."

Behind His Dark Eyes (Kaede Rukawa's fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon