TWELVE - SENDO

631 27 2
                                    

TWELVE

A/N:

Kilala nyo ba si Sendoh? After behind his Dark eyes, I am planning on making sendoh a story...pero plano pa lang naman. For now iextra ko muna sya dito...

Ps. Wag na kayo magtampo kay Haruko. :)

---------------

Anong gagawin nya,ishushoot ba nya? Fake? Ano?

Hindi ako makapagisip ng mabuti. Pati kilos ng kalaban ko hindi ko mabasa. Nakakainis.

Shit! Fake!

Inis na hindi ko na nahabol pa yung bola at nanatili na lang sa kinalalagyan ko hanggang sa maishoot ng kalaro ko yun sa ring.

"Problema mo?"

"Huh?"

"Tsk! Pwede bang wag mo ko aayaing maglaro kung wala ka naman sa huwisyo!"

"Hindi naman ako nag aya."

"Huh?" Bahagyang natitigilan nyang sabi sabay kamot sa ulo.
"Kahit na! Bakit ka pa rin pumayag?"giit pa rin nya.

"Tss! Ang daldal mo! Tama na nga!" Dumeretso na ko sa bench at uminom na lang ng tubig. Sumunod na rin naman sya sa'kin at tumabi sa pagkakaupo ko.

"Hindi nga,may problema ka ba Rukawa?"

"Ano bang pakialam mo??"

Ang haba talaga ng pasensya ng taong to,kanina ko pa binabara pero ni hindi man lang napipikon sa halip eh tinawanan pa ako ng malakas.

Balewalang uminom na lang ulit ako ng tubig.

"Baka naman inlove ka----what the heck!"

Nanlalaki ang matang pilit na pinagpag nya yung damit nya at pinunasan yung mukha nya.
Nabugahan ko kasi sya ng tubig! Kung anu ano kasing sinasabi.

"Wag mo kasi akong ginugulat!"

"Anong nakakagulat sa tanong ko----ah teka,nagulat ka ba dahil totoo?"

"Nakadrugs ka ba Sendo?"

"Hindi,mas mukhang high ka pa nga sa'kin eh, high sa lovelife?"

Tiningnan ko lang sya ng masama na ikinatawa lang nya ulit.

Habang tinitingnan ko sya,hindi ko mapigilang isipin kung paano nga ba kami naging magkaibigan. Kaaway ang tingin ko sa kanya dati,lalo na nung freshman pa lang ako. Ubod kasi ng yabang. Madaldal pa,ayoko pa naman ng maingay.
Pero ng grumaduate kasi sya ng high school,gurang na kasi sya kaya mas nauna sya sa'kin,pero ayun nga,nung grumaduate na sya kasabay ng iba pang magagaling, naging ugali na namin na magkita at maglaro kasama sila Akagi at yung iba,kahit isang beses sa isang linggo.
Nagkataon lang na sya lang at ako ang libre ngayon kaya pinagtyatyagaan namin ang isa't isa.

At mas lalo pa yatang nadagdagan yung kaingayan nya kaya naiinis na naman nya ko.

"Ikakasal na ko!"

Gulat na napatitig lang ako sa kanya.

"Joke lang!"

Gago talaga! Malakas na binato ko sya ng bola pero mabilis nya lang yung iniwasan.

"Pikon mo talaga!" Natatawa pa rin nyang sabi. "Pero seryoso nga Rukawa,hindi ka ba talaga in love? Masyado ka kasing sikat kaya maging sa University namin abot yung balitang may kasama kang babaeng kasabay na pumapasok at laging kasa---"

"Alangan namang lalaki ang isabay ko? Pwede ko bang hawakan kamay nun?"

"O? Nagholding hands pa kayo nung chick mo?in public?"

"Lul! Tsismoso mo!"

Naiiling na tinalikuran ko na sya at inayos yung gamit ko. Kung normal na usapan nga ayokong pinag uusapan,buhay pag ibig ko pa?

"Ang KJ mo talaga!" Reklamo nya ng magtangka na kong umalis!

Pinagkibit balikat ko lang yung sinasabi nya at tuluyan ng nagpaalam paalis.
Totoo naman kasing wala sa laro yunh isip ko. Hindi ako masyadong makapag concentrate at kapag ganito ang nangyayari kakantyawan lang ako ng kakantyawan ni Sendo.
Kung bakit naman kasi hindi maalis sa isip ko yung sinabi nung babaeng maingay...

Mahal kita...

O ayan na naman...naririnig ko na naman yung boses nya. Inis na huminga na lang ako ng malalim bago nagpatuloy sa paglakad.

"Ui teka, sino bang hinahabol mo at ang bilis mong maglakad?"

Ang kulit,mabilis pa lang nakahabol sa akin si Sendo at ngayon ay sinasabayan ako sa paglakad palabas ng court na kinaroroonan namin

"May date ka siguro?"

Hindi na ko nagsalita,hahaba lang kasi kung sasagot pa ako sa kanya.

"Wag ka na mahiya Rukawa,ako din naman,sa katunayan magkikita nga kami ngayon ng girlfriend ko---o ayan na pala sya."

Wala naman akong pakialam sa kung ano ang gagawin nya at kung sino ang kikitain nya ngayon. Kung bakit may mga taong pakiramdam eh lahat ng gagawin nya ay interesante.

Psh,pakialam ko sa girlfriend nya.

Mabilis na lumiko na ko palabas ng gate at hindi nag abala na tingnan pa kung sino yung sinasabi nya. Pero hindi pa ko tuluyang nakalalayo bigla na ulit akong natigilan ng marinig yung pangalang sinigaw nya.

"Bakit ang aga mo naman? Namiss mo na ba ko? Hah? Yuki?"

Yuki???

Hindi ko alam pero parang itinulos yung mga paa ko sa kinatatayuan ko. Hindi naman ako makalingon sa kanila para alamin kung sya nga yung babaeng maingay o kapangalan lang.

Eh ano naman kung sya yung babaeng maingay.

Bulong ng isip ko.

Ano nga ba?

Hindi...hindi ako lilingon.
Dahan dahang pilit ko ng inihakbang yung mga paa ko palayo sa lugar na yun pero mukhang pinaglalaruan talaga ko ng tadhana at ayaw pa kong paalisin sa kinatatayuan ko.

"Teka,may papakilala muna ko sayo!"

Natigilan ako sa paglakad ng hawakan ni Sendo yung balikat ko.
Pero hindi ko pa rin magawang humarap. Para akong kriminal na takot humarap sa kinauukulan.

Pero ng marinig ko yung boses ng babae,parang may kung anong sumuntok sa dibdib ko na dinaig pa yung takot ng taong makukulong...

"Hi,ako nga pala yung girlfriend ni Aki. Yuki Hikari ang pangalan ko."

Yuki hikari ang pangalan ko.

Hindi ko alam kung paano ko nabuhat ang mga paa ko paharap sa kanila,pero ng sa wakas magawa ko yun,kitang kita ko kung paano manlaki ang mga mata ng babaeng pilit kong pinapanalangin na hindi ang babaeng kaharap ko ngayon.

"Rukawa?"

"Kilala mo sya? " takang tanong ni Sendo. "Ah sa shohoku high ka nga rin pala pumapasok! Eh di kilala mo yung girlfriend ni Rukawa?"

Nanatiling nakatingin lang sa'kin si Yuki na para bang hindi sya makapaniwala sa nangyayari.
Si Sendo naman ay parang nagtataka ng pabalik balik ang tingin sa amin.

Isang buga ng hininga ang ginawa ko bago nagsalita.

"Wala akong girlfriend...at...hindi ko sya kilala."
Walang gana kong sagot bago naglakad na ulit palayo.

Behind His Dark Eyes (Kaede Rukawa's fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon