TWENTY EIGHT - YEARS LATER

416 18 1
                                    

Tanong: bubuhayin ko pa ba si Rukawa?
Sagot: kailangan po eh. Kwento nya to. :)

TWENTY EIGHT

"Ate!!! Bakit ngayon ka lang?"

"Dahil wala ako kanina?"

"Yan sige,daanin mo ko sa pagkapilosopo mo!"

"Sumasagot lang po sa tanong mo!"
Natatawang sagot ko sa kanya.

"Ihhh ate!!!"

"Ako Aiko wag ako ha! Ano bang kinakikiligan mo na naman dyan? Pumasa ka ba sa audition mo kanina at ganyan ka?"
Takang tanong ko sa kanya habang nagpapalit ng damit para sa susunod kong trabaho.

"Hindi po!"

"Nagtop ka sa quiz?"

"Hindi din ate!"

"Eh ano? Pinagmamadali mo pa ko kanina para lang sa importante kamong bagay tapos wala naman pala?" Sermon ko sa kanya. Pero mukhang may agiw talaga sa utak yung babaeng to at ni hindi man lang tinablan ng galit ko.

"Ihhh at----aray naman! Ang sadista nyo po!"

"Tigilan mo na kasi yang kakabitin sa akin! 10 minutes na lang magsisimula na yung gig ko. Kaya bilisan mo na." Nagmamadali sa pag aayos ng sarili ko na bahagya akong similip sa pinto ng may kumatok para paalalahanan ako. Palibhasa kagagaling ko lang sa isang photoshoot kung saan nagtatrabaho ako bilang freelance photographer.
Yun ang napili kong course nung college. Minalas nga lang ako at hanggang ikalawang taon lang ang natapos ko. Hindi ko na kasi nakayanan. Medyo naging sakitin ako. Hindi rin masyadong tumutugma sa schedule ko yung oras ng pasok. Kaya huminto na lang ako.
Maswerteng nakilala ko din yung mga magulang ni Aiko. Sa kanila yung studiong pinagtatrabahuham ko.Tinanggap nila ako kahit wala pa kong diploma. Bukod sa mabait na talaga sila binuild up pa ko ng bonga bonga ng anak nila.

Ang totoo,isa si Aiko sa dahilan kung bakit nagsusurvive ako. Kung bakit nakasurvived ako. Nagpapasalamat ako na sa kabila ng mga bagay na nawala sa akin. Totoo na meron yung kapalit. Hintay lang at darating din. Sabi nga ni Aiko... Kapit lang.

"Ano natahimik ka na dyan? " bati ko sa kanya. Bigla na lang kasi syang napatitig sa pag aayos ko.

"Maliit ba yung pasweldo nila papa?"

"What?" Gulat na tanong ko sa sinasabi nya.

"Bakit kasi ang dami mong trabaho? Wala ka naman anak,walang pamilyang bubuhayin. Pero kung kumayod ka parang 10 na ang pamilya mo! Balak mo bang maging milyonaryo?" Mahabang lintaya nya.

"Nope!" Maikli ko namang sagot.

"Eh ano?"

"Mali ka naman kasi! Hindi ang pagiging milyonaryo ang target ko! Bilyonaryo! Yun!"

"Seryoso ate?" Nanlalaki ang matang sabi nya.

Pigil ang tawa namang inipit ko sya sa braso ko at ginulo ang buhok.

"Syempre joke lang yun Aiko!" Tuluyan ng tumatawang sabi ko.

Pero mabilis din yung naglaho ng muli syang magsalita.

"Baka naman sinasadya mo na namang pagurin ang sarili mo? Ate baka magkasa---"

"Stop!"

Tuluyan na syang kumawala sa akin at tinitigan ako.
Ugali na nya yung gawin lalo pa at msy gusto syang malaman tungkol sa akin. Minsan nga kung di mo sya kilala,iisipin mong natitibo na sya sa akin sa klase ng titig nya na malayo mangyari dahil patay na patay sya kay Aki.

"Ay ate,sige hindi na kita kukulitin,basta sama mo lang ako diti please?"

"Ano na naman yan?" Takang tanong ko,pero ang totoo nakahinga ako ng maluwag ng magkusa syang magpalit ng topic.

"May event daw sa kumbento! Kila sister Kira? Inabot to sa'kin ni Kuya Aki kanina...nahawakan ko yung kamay nya! Shocks ate,hindi ko huhugasan to promise...ang gwapo talaga nya....."

See? Kamay lang yun ha!

Nagpatuloy pa sya ng mga plano at pangarap nya para sa date nila ni Aki. Na sa palagay ko naman malabong matupad. Because Aki is still after his past searching for a girl. Ewan ko dun,dati sya yung hinahabol. Ngayon naman sya yung hanap ng hanap.

"Hikari magready ka na!" Malakas na sigaw mula sa labas.
Napailing na lang ako ng mukhang hindi yun narinig ni Aiko at tuloy tuloy pa rin sa pangangarap.

"Lalabas na ko!" Sigaw ko malapit sa tenga nya.

"Huh?"

Ay bingi!

"Sabi ko lalabas na ko,set ko na!" Mas mahinang sabi ko. Nakapagtatakang mas narinig nya yun kaysa sa una.

Hay naku.

"Okay ate! Itsicheer kita! Tapos sa bahay ka na lang matulog ha? Turuan mo ko sa isang piyesang ipeperform ko bukas. Yung la campanella?"
Tuloy tuloy nyang sabi at nauna ng lumabas sa akin at hindi na ako hinayaang makatutol pa.

Performing arts and music..
Parang ganun yung course na kinuha nya. Nasa huling taon na sya kaya madalas na gusto nyang perfect ang scores nya. Hindi naman din ako ganun kagaling pero pinagpipilitan nyang ako daw ang magturo sa kanya lalo na at ang galing ko daw bumasa ng nota.
Ewan ko ba,madalas pakiramdam ko binobola nya lang naman ako.

Napapangiting mabilis na kong lumabas at umakyat sa entablado.

Aksidente lang ang pagkapasok ko sa bar na ito. Celebration yun ng birthday ni Aiko. Nagkataon na dito kami napunta kasama ang parents nya. Nagkataon din na nawalang parang bula yung main performer nila. Kaya nung gabi rin na yun sinubukan kong mag aaply at eto nga at halos magdadalawang taon na rin ako dito.

"Good evening!"
Tawag pansin ko sa mga customer,karamihan ay tumingin lalo na yung mga parokyano ng lugar at kilala na akong magperform. Yung iba ay nanatiling busy sa kung anong pinagkakaabalahan nila bago pa ko dumating.

Pinagkibit balikat ko lamang yun. Nakita ko pang kumaway sa gawi ko si Aiko bago ako magsimula. Nasa may bantang likuran sya pero dahil sa makulay nyang damit,mabilis ko syang nakilala.

Wala na kong ibang sinabi maliban sa maikli kong pagbati kanina. Agad na nagsimula na agad ako gamit ang gitara.

[] Nice to meet you
Where you've been?
I could show incredible things.
Magic,madness,heaven sin
Saw you there and i thought oh my god look at that face
You look like my next mistake
Love's a game wanna play..[]

Nang ilibot ko ang paningin ko. Bahagya akong napangiti ng makita unti unting tumahimik yung crowd. Satisfied na lumingon ako sa gawi ni Aiko para sana kindatan sya. Pero biglang napakunot ang noo ko ng hindi ko sya makita doon.

Asan na naman yun? Takang tanong ko sa sarili ko bago nagpatuloy sa pagkanta.

[] New money,suit and tie.
I can read you like a magazine
Ain't it funny rumors fly
So hey,let's be friends
Im dying to see how this one end
Grab your passport and my hand
I could make the bad guys good for a weekend ..[]

Muli kong iniikot ang paningin ko sa paligid para hanapin sya...na sa huli pinagsisihan ko pang ginawa ko. Sa kabila kasi ng dim na mga ilaw,halos magsisikan ng mga tao....kasabay ng panginginig ng boses ko...

[] So it's gonna be forever
Or it's gonna go down in flames
You can tell me when it's over
If the high was worth the pain
Gotta a long list of ex- lovers
They tell me im insane
Cause you know i love the players[]

...I met those pair of his familiar dark eyes. Warm. Looking straight towards me...

[] and you love the game![]

Song used: blankspace- taylor swift.

A/n:
Sorry po,hindi ko alam na putol pala yung naupdate ko. Nagloloko kasi si watty ko.

Behind His Dark Eyes (Kaede Rukawa's fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon