THIRTY SEVEN - ONE WEIRD GIRL

364 19 1
                                    

THIRTY SEVEN

----------

"Fuck!" Malakas kong mura ng maramdaman yung pagtama sa akin ng kung anong bagay galing sa likuran.

Dinig ko yung pagsinghap ng ilang taong nakakita habang yung iba naman ay walang pakialam na nagpatuloy sa kung anong ginagawa nila.

Pagbaling ng tingin ko sa baba,isang sapatos na pambabae ang nakita ko at ng muli akong mag angat ng tingin. Doon ko nakita ang namumula sa galit na marahil ay may ari ng sapatos na ibinato sa akin.

"Fuck? Fuck you ka! Minumura mo pa ko? Ikaw na nga tong nakabunggo sa akin?"

Noon ko lang napansin yung grocery bag nya na nakakalat ang laman sa sa sahig. Nakita ko pang gumulong yung ibang de lata pababa.

Ako ang nakabunggo?

"Look miss,hindi ko sinasadya,nagmamadali kasi ako. Bakit ba daldal ka pa ng daldal sa halip pulutin na lang yung gamit mo?" Inis na sabi ko at nagtangka na ulit tumalikod sa kanya. Pero mukhang marami talagang oras yung babaeng nabunggo ko at ayaw akong tigilan.

"Aray! Ano bang problema mo?"

"Oa mo ha? Sa laki ng katawan mo nasaktan ka na sa kapirasong pingot ko? Ano ka? Baby?" Asar nyang hila sa akin.

"Let me go!" Nag iinit na ang ulong sigaw ko! Nagsimula na naman kasing magtinginan yung mga tao lalo na at nakita kasing hinahatak ako kung saan ng babaeng to hawak yung kanang tenga ko.

"Wow! Ganda ng lines mo ha! Let me go? Ano ka? Leading lady sa pelikulang kinikidnap?"

"Damn woman! Just let go!" Malakas na tinabig ko na yung kamay nya at hinawakan yung nasaktan kong tenga! Mabilis na tinalikuran ko na lang din sya pero muli na naman akong natigilan ng marinig yung malakas nyang pagdaing.

Don't look back Rukawa!
Bulong ng isip ko.
Nagpatuloy na ko sa paglakad at nagdesisyong hindi na lang pansinin yung luka lukang babaeng yun.

Ilang hakbang na lang ang layo ko sa entrance ng supermarket ng bigla akong umikot pabalik.

Lintek na konsensya!!!

Mas lalo pa kong nakumbinsi sa ginawa kong pagbalik ng makita ko syang nakasalampak sa sahig at parang hirap tumayo.

Ako ba may gawa nun?
Nakangiwing tanong ng isip ko. Na mabilis namang nasagot ng hiyawan na naman nya ko.

"Walanghiya ka! Ikaw na ngang may kasalan sa akin tapos balak mo pa yata akong lumpuhin! Eh abnormal ka palang la--- o teka! Anong ginagawa mo?"

Napabuntong hininga na lang ako at mabilis na pinulot isa isa yung mga nalaglag nyang pinamili. Pinagsasama ko na lang yun sa dalawang supot na natirang buo. Kung bakit naman kasi kaliit liit nyang babae eh ang lakas ng loob magbitbit ng malalaking grocery bag.

Napapailing na binitbit ko na yun sa gamit yung isang kamay ko bago bumaling sa babaeng pilit na binabalanse yung sarili sa pagtayo.

"Can you walk?"

"Mukha bang kaya kong---- hoy anong gaga--- ibaba mo ko! Manyak! Rapist! Hel---"

"Shut up! Or else ilalaglag talaga kita!"
Mabilis naman syang natahimik sa balak pang pagsigaw at mahigpit na lang napakapit sa akin pagkatapos mapalingon sa baba. Naisip nya sigurong masakit talaga ang malalag sa sementadong kalsadang nilalakaran namin.

"Where's your car?"

"Mukha ba kong may kotse?"

"You don't have a fucking car and yet you bought a lot of fucking grocer--Dam---Ano ba?"
Inis na baling ko sa kanya ng paluin nya ko sa bibig!

Behind His Dark Eyes (Kaede Rukawa's fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon