EIGHTEEN - LOVING YOU TOO

608 31 0
                                    

EIGHTEEN

Malakas na malakas pa din yung tibok ng puso ko. Pero this time hindi sya dahil sa kinikilig ako pero dahil sa natatakot ako.

Kaede Rukawa saved me,but he failed to save himself.

Halos wala ng luhang lumabas sa mata ko kakaiyak.

Muntik na kong masagasaan kanina,pero nahila ako ni Rukawa palayo,sa lakas ng impact,nagkaroon pa rin ako ng kaunting gasgas at bahagyang pilay sa braso. Okay lang yun sana,at tuloy tuloy na sana yun ng malaman kong wala naman bali si Kaede,walang bali pero may tama sa ulo.

Kasalukuyan syang nasa operating room ngayon habang panay pa rin ang dasal ko dito sa kwartong kinaroroonan ko.

Mayroon akong cast sa braso pero hindi ko na yun inaalintana. Mas nanigas ako ng mawalan ng malay si Rukawa!

"Miss,natawagan na namin yung kamag anak nung lalaki,sigurado ka bang ayaw mong patawagan yung sa'yo?"

Sunod sunod lang na iling ang isinagot ko. Hindi naman ganun kalala yung nangyari sa'kin,isa pa isang taon na rin ang nakakalipas simula ng mamuhay akong mag- isa.

"Ah,sandali,pupunta na daw ba sila dito?"

"May papapuntahin na lang daw dito,nasa business trip daw ang daddy nya."

Parang may awa na humaplos sa puso ko ng marinig yung sinabi ng nurse.

Kagat ang ibabang labi na tumango na lamang ako at hinayaan na syang lumabas.

Rukawa...

Nahahapong nahiga na lang ako at hinintay yung paglipat nya dito sa kinaroroonan kong kwarto.

Maya maya lang,epekto rin marahil ng gamot na ibinigay sa akin ay ang unti unting paghila sa'kin ng antok...

----------------

Mahapdi ang mga matang pilit akong dumilat at mabilis na may hinanap sa paligid.

Ramdam ko yung kirot sa may ulo ko at ilang bahagi ng katawan ko pero hindi ko na yun ininda at pinilit ang sarili kong hanapin sya.

Yung babaeng maingay! Nasan-----

Dahan dahan akong bumangon at mabilis na nilapitan yung babaeng nasa kabilang kama at tila mahimbing na natutulog.

Namumula ang ilang bahagi ng mukha nya,may cast din sya sa braso at ilang gasgas. Bukod dun wala naman na akong nakita pang ibang pinsala sa kanya.

Parang nabunutan ako ng tinik sa nakita.

Sya yung tipo ng tao na kahit ilang beses ko pang sungitan,simangutan o sigawan ay parang hindi naman nya iniinda o kung tuluyan man syang mapikon sa'kin,pinalilipas lang nya ang ilang oras at okay na ulit sya. Pero,nitong mga nakaraang araw,o mas tamang sabihing mula ng nagtapat sya sa'kin ng damdamin nya,madalas na tahimik na lang sya,minsan nga sobrang tahimik pa nya na halos hindi na nya ko pinapansin na nakakapag painit talaga ng ulo ko.
Tulad na lamang kanina,halatang mayroon pa syang gustong sabihin sa'kin pero mas pinili nyang manahimik at wala sa sariling naglakad palayo. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mag alala at sundan sya na mabuti na lang pala ay ginawa ko.

Marahil wala syang ideya kung paano tila tuluyang huminto yung tibok ng puso ko. Kung paanong kahit tila naninigas yung mga paa ko ay pilit kong inihakbang yun ng mabilis mailayo lang sya sa rimaragasang sasakyan na yun sa parteng yun ng kalsada.

Kahit ako ay nahihirapang ianalisa kung ano ba ang nararamdaman ko.
Bago kasi lahat ng ito para sa akin.

I grew up never thinking about others,at dahil mabilis namang sumusuko yung mga taong nagtatakang lumapit sa akin once na malaman nila yung ugali ko ay hindi na nabago yun.

Maliban sa kanya...

Oo,maliban nung dumating na sya sa buhay ko.

Maingat na naupo ako sa gilid nya at dahan dahang hinaplos yung pisngi nya. At kahit na alam kong hindi nya ko naririnig dahil sa himbing ng tulog nya. Kinausap ko pa rin sya.

"Hey!"
Panimula ko.

"Sa tingin ko hindi ka naman gaanong nasaktan, hindi ba? Kaya gumising ka na...may importante kasi akong sasabihin sa'yo!"

Kung may makakakita sa'king kakilala,malamang na masabihan nila akong baliw dahil sa ginagawa ko.

Dahan dahan akong napangiti...isang bagay na madalang kong gawin o halos hindi ko nga ginagawa dati...

"You know what? You've been such a distraction from the day that i met you. Sobrang ingay mo at madalas kung anu anong weird na bagay pa ang lumalabas sa bibig mo. Yung sinabi mong kung nanggaling na naman ba ko sa northpole at nagbalot ng regalo ni santa clause? Hindi lang ako makatawa ng malakas nun,hindi ko naman kasi ugaling gawin yun,pero alam mo ba tuwing naalala ko yun? I can't help myself but smile.
Ikaw lang din yung babaeng madalas na tinatarayan ako,malakas din ang loob mong sagot sagutin ako kahit wala naman akong sinasabi.
I should be annoyed with you...but something weird happened to me.
Tuwing hindi mo na ko pinapansin at sinasadyang lumayo sa akin,may parte sa pagkatao kong kulang kaya lagi kitang hinahanap. Having you right next to me makes me feel complete."

"Totoo?"

Bahagya akong napalayo sa kanya ng bigla syang magsalita.

"Yuki..."

Tinulungan ko syang makaupo ng magtangka syanh bumangon at pumantay sa akin.

"Okay na bang pakiramdam mo? Bakit bumangon ka na agad Kaede?"

Eto na naman sya,nagsisimula na naman syang mag ingay. Namumula na lalo yung mga pisngi nya ng magsalita sya ng magsalita. Hindi ko mapigilan ang sarili kong yakapin sya ng mahigpit. Parang may mainit na kamay kasing humahaplos sa puso ko tuwing kahit na galit na galit sya sakin,kapag nakita nyang nasaktan ako,mas inuuna nya pang itanong kung okay lang ba ako.

"Ui Kaede! Kilala mo ba ko? Hindi ako ang nanay mo ha!"

Muli,sa mga simpleng banat nyang yun napatawa na naman nya ko.

"Hala,teka nga muna,tatawagin ko yung doktor,malala yata yung tama ng ulo mo!"
Maraha nya kong itinutulak pero hindi ako tumitinag at maingat pa ring niyakap sya.

"I'm fine...i just missed you!"

Tuluyan na syang natahimik sa sinabi ko. Mayamaya naramdaman ko yung pag alog ng balikat nya at narinig yung sunod sunod nyang paghikbi.

"Hey,something wrong?"

"Patay na yata ako!"

"What??"
Naguguluhang tanong ko.

"Nasa heaven na yata ako,hindi talaga ko siguro nakaligtas sa aksidente!"
Lalong napakunot yung noo ko sa sinabi nya.

"Ano bang sinasabi mo?"

"Ang bait mo kasi sa'kin,tapos sabi mo pa you missed me tapos anong susunod dun Kaede ? I love you? Ano gusto mong isipin ko? Mukhang kinuha na talaga ko ni Lord!"

Malakas na napatawa na lang ako sa sinasabi nya.

"Tapos tumatawa ka pa!" Dagdag pa nya na parang hindi talaga makapaniwala.

Dahan dahan akong kumalma at tinitigan sya sa mata.

"You're not dead yet... And no you're not dreaming either!"

Mukhang hindi pa rin sya nahihimasmasan kaya gumawa na lang ako ng paraan para tuluyan syang magising.

"You want proof? Okay!"

I wiped her tears first before looking straight into her eyes.

"This is the proof!"

Then i claimed her lips fully.

Behind His Dark Eyes (Kaede Rukawa's fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon