EIGHT - HATING RUKAWA

697 29 1
                                    

EIGHT

Tingin sa kanan,tingin sa kaliwa.

Negative!

Dahan dahan bumagal ang mabilis kong paghinga ng wala akong makitang anino ni Rukawa at maging ng mga jologs nya sa paligid.

Kung alam ko lang na kakabahan ako ng ganito,hindi ko na sana dinrawingan yung pagmumukha ni Rukawa. Ngayon tuloy para kong wanted na kriminal na hindi makapaglakad ng malaya sa vicinity ng school.

"Sorry na Rukawa,kasalanan mo naman kasi kung bakit ko ginawa yun!---eh?"

At nagdahilan ka pa talaga Yuki?

Kanina ko pa rin pinapraktis ang sasabihin ko,at hindi ko maiwasang isingit yung dahilan ko kung bakit ko yun ginawa.

"Eh kasalanan naman talaga nya!"
Inis na sigaw ko pa rin sa kawalan.

So hindi ka magsosorry?

Ugh! Nababaliw na ko. Pati konsensya ko kinakausap ko na.

"Fine,pupuntahan ko na sya sa rooftop!"

Alisto pa rin ang kilos ko habang naglalakad papunta sa kinaroronan ni Rukawa.

Hindi ko sigurado kung nandun nga sya pero---ah bahala na...

"Nandito na ko."

Halos hindi ako humihinga habang dahan dahan kong binubuksan yung pintuan ng rooftop. Pero bago ko pa naibukas yun ng malaki, dinig na dinig ko na ang malakas na sigaw ni Rukawa na nagpatindig ng balahibo ko.

"NAKAKAINIS!GAGANTI TALAGA KO SA BABAENG MAINGAY NA YUN!!!"

Mabilis na nailapat ko pabalik yung pinto ng rooftop.

"Shocks! Nine words yun! Galit talaga si Kaede!!!"

Kung nasa normal na sitwasyon ako,malamang na matawa ako dahil sa nagawa ko pang bilangin yung salitang binitawan ni Rukawa. Pero dahil nasa alanganing kalagayan ako,kahit sa sarili kong biro hindi ako matawa.

Walang tiyak na pupuntahan na naglakad na lang ulit ako pababa habang iniisip kung paano ba ko makakasurvive sa galit ni Rukawa.
Nakakainis naman kasi yung lalaki na yun, kung tutuusin sya ang may kasalanan sa akin. Nagkarecord kaya ako sa guidance dahil sa pagdawit nya sa'kin. Pero ang nakakainis dun,sa halip na sya ang makonsensya,ako pa tong natatakot sa kanya at nagpaplanong maunang magsorry.

Iba na talaga pag mabuting bata.

"Ouch! Dahan dahan naman!"
Ang luwag luwag ng daanan at ang ganda ko naman para hindi ako mapansin kaya inis na nasigawan ko yung nakabunggo sa akin.
Halos mabali na kasi yung balikat ko sa lakas ng pagkakabunggo nila sa'kin. Pero ng tuluyan kong makita kung sino sila...mariin kong naipikit ang mata ko.

Uulitin ko,hindi ako takot sa jologs ni Rukawa pero,ngunit at datapwa't ganun nga,sa dami nila,katangahan na magmatapang ako sa harap nila.

Kung bakit nawala ang pagka alisto ko kanina.

"Kumusta Hikari?"

One word- plastic!

Hindi ko alam kung ano ba ang naging itsura ng ngiti ko,pakiramdam ko kasi ngiwi ang nagawa ko.

Warning! Warning!

Paulit ulit ang pulang ilaw sa utak ko. Nagsisimula na kasi nila kong palibutan?

"Ano ba naman kayo,di ba sabi ko naman sa inyo hindi ako pang cheering squad?"

Masyado kasi akong maganda para dun.

Behind His Dark Eyes (Kaede Rukawa's fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon