FOURTY NINE-WIDE AWAKE

350 18 0
                                    

FOURTY NINE

"Are you sure you can do this? I want every detail to be perfect but as i can see now..."

"K-kaya ko Sir. I'm sorry about earlier. Hindi lang siguro ko sanay na bumiyahe sa dagat."

Mariin kong ipinikit ipikit ang mga mata ko para pigilin yung namumuong luhang nagbabantang tumulo sa akin.

Kung mamalasin ka nga naman noh. Bakit ba sinasalo ko lahat? Sigurado naman akong hindi ako masokista pero bakit tuwing may pagkakataon pa ko hindi ko magawang umatras at lumayo.

Akala ko dala lang ng imahinasyon ko dahil na rin sa hilo ko kaya imahe nya ang nakita ko bago ako mawalan ng malay. Pero laking gulat ko ng maging ng balikan na ako ng ulirat ay sya pa din ang nakita ko.

Sino??

Siya...si Kaede Rukawa.
And what's worst about this day?
Yung kaalaman na ikakasal na nga sya tapos masasaksihan ko pa.

"Miss?"

Mali...hindi pala yun ang worst happening today...meron pa pala...yun ay yung katotohanang hindi nya ko kilala.
Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya pero wala man lang kasi akong mabakas na recognition mula sa kanya.

Ganoon ba katagal ang two years para hindi nya ko maalala? O baka naman may amnesia sya?

Ilang beses na natutulala pa ako kapag nagsasalita sya. Umaasa na babasagin nya sa harapan ko yung salitang uy joke lang naalala kita. Di ba nangako ako? Kaso hopia ako. Wala kasing ganoon na nangyari.

Mabuti nga at mabilis syang magpabagsak ng pag asa. Yayakapin ko pa lang sana sya ng magkamalay ako ng bigla nya kong tawaging miss!
Kasabay pa ng cold treatment at aura nya sa akin.

Sabihin nyo nga. Doon pa lang sa reaksyon nya na yun makakapagtanong pa ba ko ng "oy Rukawa bakit miss Ang tawag mo sakin?"

Wala eh,natulala ako at sobrang hirap ang dinaranas ko ngayon wag lang maiyak sa harap nya kahit pa nga detalye ng kasal nya ang pinag uusapan namin---mali dahil hindi pala kami nag uusap. Sya lang kasi ang salita ng salita.

"Yuki???"

My heart skip a beat after i heard him called my name..

"Paanong...?"

"Am i right? O mali yung ipinadalang information sa akin ng assistant ko?" Nagtatakang tanong nya.

Ano? Asa ka pa Yuki? Akala mo nakilala ka?
Asar ko sa sarili ko.

"Y-yes sir. That's right. May i know where the future bride is para makapagsimula na tayo?"
Tuloy tuloy lang na sabi ko habang pilit na iniiwas ang paningin ko sa kanya.

"You should eat first before we start."

"Huh? Pero hindi naman---"
Gusto kong kusa ng magpabaon sa lupa ng magsimula namang mag ingay yung tyan ko.

Kagat labing wala akong nagawa at tahimik na lang na sumunod sa kanya ng sumenyas syang sumunod ako.

Walang nagsasalita sa amin hanggang sa makarating kaming pareho sa kusina.

Maging ang pagpapaupo sa akin ay isinenyas lang nya at hindi na nag abalang magsalita pa

Hindi naman na ako nakipag talo at nanatiling tahimik na nagmasid sa ginagawa nya.

Hindi ko maiwasang matulala. Hindi ako makapag isip ng maayos. Tanging bakit, bakit at bakit lang angpaulit ulit na sinisigaw ng utak ko.

Siguro kung may contest ng patagalan sa pagpigil ng luha,paniguradong panalo na ako.
Ramdam ko na nga yung pananakit ng lalamunan ko. Sabayan pa daw ng paghapdi ng tyan ko sa gutom.

Behind His Dark Eyes (Kaede Rukawa's fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon