FOURTY SIX- FIRST MEETING

310 16 1
                                    

FOURTY SIX

To my Eternity,

Hi!

O,wag ka na magreklamo sa pambungad ko. Dahil kung bibilangin ko sayo ngayon kung nakailang ulit at tapon na ako ng papel bago nakapagdesisyon sa nag iisang salitang naisipan kong magandang panimulang isulat eh baka sabihin mong pwede na akong makapagtanim ulit ng sampung puno.

Hello...

Hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin. Hindi nga ako sigurado kung tama bang sumulat pa ako. Mas lalong hindi ko alam kung kaya ko bang ipadala sa iyo to.

I miss you... I do...

Para kong tanga na nakikita yung imahe mo kahit wala ka naman talaga. Minsan gusto ko ng magpatingin sa doktor lalo na pag nagsisimula ko ng marinig yung boses mo. I think i am totally going insane imagining that you are still here with me,when the truth is...you're not...wala ng ikaw...higit sa lahat...wala ng tayo...

Gusto kong matawa kapag naiisip ko kung bakit.

Pero hindi ko magawa...but instead i end up crying trying to accept that i am the one who pushed you away...

Putsang pride ko lang diba? I asked for space but days without you fucking breaks my heart.

It's been two years now...pakiramdam ko ayos ng lahat sa buhay ko. I got a job,i even bought and drive my own car...napatawad ko na rin yung tatay natin...natagalan pero nagawa ko. Para sa'yo...para sa atin. Okay na ko...pwede na kong maging buo ulit...ikaw na lang ang kulang.

Pinipilit kong maging masaya sa pag iisip ng mga ala ala natin na magkasama. Pero sa tuwi tuwina pagkatapos ko ngumiti ay di ko pa rin maiwasang umiyak at hanapin ka.

Isa sa mga paborito kong ala ala kasama ka ay yung una natin pagkikita.

Marahil,kung tatanungin kita ngayon kung kailan tayo unang nagkakilala,ang isasagot mo ay "sa gym,bago magraduation nagkakilala tayo dahil sa isang school project!" At marahil,kung marinig ko yun noon ay tatango lang ako bilang pagsang ayon.  

Noon...

Dahil habang nakatingin ako sa madilim na kalangitan ngayon at sa animo nagbabanggang espadang nagbubungguan sa kalangitan mula sa bintana sa labas ng aking silid,may isang ala alang biglang nagbalik sa isipan ko...

Katulad ngayong araw,madilim na madilim rin ang kalangitan noon. Sunod sunod na rin ang pagkulog at pagkidlat dahilan para halos mapadugo ko na ang mga labi ko sa salitang madiing pagkagat dito.

Mas lalo ko pang binilisan ang bawat hakbang na ginagawa ko sa pag iisip na maaring ako na ang sunod na tamaan ng kidlat.

Pero mukhang may sama talaga ng loob sa akin ang langit dahil sa hindi pa man ako nangangalahati ng nilalakad pauwi ng bahay ay bumuhos na ang inipon nyang sama ng panahon.

Wala ng katao tao sa daan. Balewala na rin ang mga sanga ng punong tumatabing sa akin habang naglalakad sa laki ng mga patak nitong isa isa ng bumabagsak sa lupa.

Napahinga na lang ako ng malalim at pilit na pinakalma ang sarili ko habang mas lalo pang binibilisan ang lakad.

Maraming mga tumatakbong "paano kung" sa isip ko. Paano kung sumakay na lang ako ng bus at hindi na nagtipid at dumaan sa shortcut na alam ko? Eh di sana nasa bahay na ako. Paano kung mas maaga na lang ako umuwi at hindi na nagpumilit pang tapusin yung libro dahil lang nalibang ako?paano kung----

Tama na! Basa ka na eh!

Singit ng konsensya ko.

Unti unti ng bumagal ang paglakad ko hanggang sa tuluyan na akong tumigil.

Sa simpleng bagay na nangyari sa akin parang bigla akong nawalan ng pag asa ng mga oras na iyon bigla akong napayuko pigil ang luha ko. Pati ang mga problemang hindi ko naman iniisip biglang naglitawan...pero biglang tumigil ang ulan....hindi? Dahil pag angat ko ng paningin ko ay nakita ko ang patuloy na pagpatak nito sa lupa.

Kunot noong una kong napatingala at doon bumungad sa akin ang isang itim na payong...dahan dahan kong ibinaba ang tingin ko patungo sa mapuputing brasong may hawak noon...pero bago pa man ako makatingin sa taong bigla na lang nagpayong sa akin ay agad na nya akong hinila kung saan.

Hindi ko alam pero wala akong naramdamang takot ng mga panahong yun. Basta nagpatangay lang ako sa taong yun...
Kahit ng dalhin nya ako sa isang lumang gusali ay wala akong matandaang sinabi ko sa kanya...
Basta nanatili lang akong nakatitig sa bawat kilos nya. Sa pagsara nya ng payong,paglatag ng karton sa sahig. Pag upo doon at hindi na pagpansin sa presensya ko ay pinagmamasdan ko. Kahit na ganoon ang iniasta ng taong yun,ang katotohanang isinilong nya ako mula sa pagkabasa ang hindi maalis alis sa isipan ko.

Sigurado akong hindi ko sya kilala kahit pa nga hindi ko pa makita ang mukha nyang natatakluban ng hood ng jacket nya. Pero ayaw tumigil ng mata ko sa pagtitig sa kanya na para bang umaasa akong matatanggal ang telang nakakabit sa kanya sa ginagawa ko.

Ilang sandaling nanatili ako sa ganoong ayos hanggang sa dahan dahang nagbago ang kanyang paghinga.

Hindi ako makapaniwalang nagawang matulog ng taong yun sa kabila ng sitwasyon namin kasama ang taong tulad kong hindi naman nya kilala.

May kaunting bulong pa nga sa isip kong nagsasabing umalis na ako at iwanan ka...pero hindi ko magawang sundin lalo pa at may nais akong makita sa taong kasama ko.

I wanna see his face...
Yun ang paulit ulit na sigaw ng isip ko.

Sa kabila ng kaba dahan dahan akong lumapit. Tinitiyak na hindi ako makakagawa ng kahit anong ingay...

Maingat na hinawakawan ko ang dulo ng hood pero sa buong pagkagulat ko may mga kamay na pumigil sa akin.

"What?"
Maikling tanong nya gamit ang malalim na boses.

Sunod sunod na napailing lang ako dahil sa kawalan ng masabi.

Dahan dahan syang tumayo na nagpabilis ng tibok ng puso ko.
Lalo na ng dahan dahan nyang tanggalin ang telang tumatabing sa mukha nya...

Sa mukha mo Kaede Rukawa...

Hindi ka naman nagsalita bukod sa "what" na sinabi mo at tuluyan ng umalis at iniwan ako ng araw na iyon kahit hindi pa tuluyang tumitila ang ulan. Nakita pa kitang tinatawag ang isang itim na pusa pero malakas na tinawanan lang kita ng  makitang sa halip lumapit ay tinakbuhan ka lang nito.

Isa ka lamang estrangherong mabilis na nabura sa isipan ko...pero hindi pala sa puso ko. Maaring nabaon ka lang sa malalim na parte...pero hindi kailaman nabura at nawala....

Katulad ng hindi sinasadyang pagkikita ...umaasa kong makita kang muli...kahit hindi pa ulit ngayon.

Miss na miss na kita Kaede...

Bumalik ka na....

Sincerely waiting,
Yuki

Behind His Dark Eyes (Kaede Rukawa's fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon