THIRTY ONE - STRANGER?

380 15 2
                                    

THIRTY ONE

Oh my god!

Kanina pa namamawis ang mga kamay ko. Malaki rin ang hula kong halos wala ng kulay ang mukha ko. Pati nga ang panginginig ng tuhod ko hindi ko mapigilan kaya mabilis akong naghanap ng mauupuan sa venue.

Hinayaan lang naman ako ni tito. Dinahilan ko na lang na sumasakit ang tyan ko. Na kung tutuusin hindi naman masyadong kasinungalingan dahil totoong sumasakit ang tyan ko. Marahil umaatake na naman ang ulcer ko. Kung hindi nga lang ako nahihiya, nagpaalam na sana ako para makauwi. Pero syempre hindi ko naman yun magagawa sa kanila. Lalo na sa panahong tulad nito.

Pero nanlalambot talaga ako.

Hindi pwede! I should act tough. Hindi pwedeng ganito ako. Hindi pwedeng mahinang Yuki pa rin ang ipakita ko sa kanya. I'm a change woman now.

Stronger. Braver. Smarter.

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko para linawin ang isip ko.

Mind over matter! I can do this!
Paulit ulit na sigaw ng utak ko.

"Nandito na sila!!!!"
Malakas na sigawan ng mga tao na pumukaw sa pag iisip ko.

Lord! Kayo ng bahala.
Huling dasal ko bago dahan dahang napatayo.
Bahagya pang kumirot yung tyan ko pero ipinagsawalang bahala ko na lang at deretso ng tumungo sa may pwesto ko.

"Are you okay?" Nag aalalang bungad ni tito.

Ngumiti lang naman ako sabay tango.

"But you look pale!" Nag aalangang kuha nya sa camera ko.

"I'm fine tito." Muling sabi ko at kuha na sa gamit ko.

Napapailing na hinayaan na lang muna nya ako pero binilinang magsabi kung hindi ko na kaya.

Hindi na ko kumontra at sumang ayon na lang sa kung ano na yung sinasabi nya.

Muli akong humugot ng malalim na hininga bago tuloy tuloy na pumunta sa destinasyon ko.

Malapit na!

Halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Ilang hakbang na lang ang layo ko sa kanya ng mapatigil ako.

Nakatalikod sya sa gawi ko kaya hindi nya pa talaga ako napapansin.

Malaya kong napagmasdan yung itsura nya mula sa likod. Mas tumaas sya kaysa sa dati. Mas lumapad din yung balikat nya at parang mas nagkaroon sya ng laman. Malayo sa dating katawan nya na hindi naman kapayatan pero hindi rin ganun kalaman.

I got my eyes teary upon looking at him.

Shit! Don't cry Yuki!
Bawal ko sa sarili ko.

Mukhang hindi naman ako mahihirapang gawin yun lalo pa ng marinig ko ng magsalita si Rukawa.
Hindi ko masyadong makita yung mukha ng babaeng kausap nya dahil bahagya nya yung natatakpan. Pero hindi ko maiwasang matawa ng maisip ko kung ano ang naging itsura nya matapos bumuka yung balahurang bigbig ng lalaking kausap nya.

"Sorry i don't have my coins with me."
Nauna ng narinig kong sinabi nya na sinundan naman ng pagtataka sa boses ng babae.

"Why? What coins?"

"Coin. A one peso coin. I wanted to give it to you so you can buy another person to talk to!"

Halos mapabunghalit na ko ng tawa nang marinig ko yun.
Mabilis na naglaho tuloy yung kaba ko at patuloy na lang na nakinig muna sa kanila.
Pati yung plano kong pagpapakapoker face eh hindi ko na nagawa.

Maarte lang kasi tong si Rukawa. Inenglish pa. Mas madali kayang sabihing...

Ayoko sayo! Bumili kang kausap mo!

Behind His Dark Eyes (Kaede Rukawa's fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon