TWENTY FOUR - NANDITO LANG AKO

450 23 3
                                    

A/N:
Nakita ko si Hotohori kanina yung nasa Fushigi Yuugi?. Ayun nainlove na naman ako tapos nainis ako kay miaka,masyadong mahaba ang hair...pati pala kasi si Taski nagkagusto sa kanya. Haha.
Medyo attracted ako sa mga character na tulad ng kay hotohori,kay ji hoo ng BOF,kay yong hwa sa He's beautiful, Daniel Pitt ng fated to love you, at marami pang iba na hindi syempre pinipili ng lead character na babae. Pero kung tutuusin sila yung grabe magmahal. :)
Share lang.
Mahal ko din naman si Rukawa . kahit lagi syang may dalaw. :)

Happy mothers day guys!!!

TWENTY FOUR

-------------

"Umalis ka na Yuki!"

"Pero Sir hindi talaga ako ang kumuha."

"At sinungaling ako ganun?"

Mariin akong napakagat sa labi ko,pilit kong pinipigilan yung sarili kong maibuhos yung laman ng pitsel sa babaeng nasa harapan ko.
Gustong gustong kong pigain yung ilong nyang duda kong ilangpung beses pinaayos para tumangos na katulad ng sa step mother ni Snow White. Pati mata nyang napapalibutan ng pekeng pilik mata ay nanganganib na matusok ko ng chopstick.

"Ano Hikari? Titigan mo na lang ba ko?"

"Hindi nga ako ang kumuha ng cellphone mo!  Ilang beses ka bang iniri ng nanay mo at ang kulit kulit mo?"

"Hikari!" Narinig kong sigaw ng boss ko.

"Ano?  Papagalitan nyo na naman ako? Ni hindi nyo nga ako binigyan ng pagkakataon magpaliwanag kanina at tumawag kaagad kayo ng pulis para ipahuli ako sa kasalanang hindi pa nga napapatunayan! "
Naiiyak na ko pero pilit kong pinipigilan yung sarili ko.

Masama ang tinging binalingan ko na naman yung babaeng customer ng magsimula na naman syang magdrama.

"Ikaw lang ang lumapit sa lamesa namin Hikar---"

"Pero hindi ako ang kumuha! Hindi ako magnanakaw Mitsuki!" Putol ko sa sasabihin nya.

"Hindi naman kita ipakukulong basta isoli mo lan!"

"Eh sira palang ulo mo eh!anong ibabalik ko eh wala nga akong kinuha!".

Bwisit! Sinadya nila talaga to! Kaninang ipinatawag pa lang ako ng amo namin at sabihing may nagrerequest na ako ang magserve sa kanila ay kinutuban na ako.At ng makita ko nga na yung mga jologs pala yun ni Rukawa mas lalong lumakas yung hinala ko.Pati yung pagiging mabait nila at pagngiti ngiti sa akin ay kinikilabutan ako.

Naging maayos naman yung pagsisilbi ko sa kanila nung una. Pero dahil nga masamang hangin maman talaga yung may dala sa kanila dito hindi lumipas yung araw na to na hindi sila gumagawa ng gulo.

Bigla na lang sumigaw si Mitsuki at galit na galit na ipinatawag ang boss ko. Nawawala daw kasi yung cellphone nya at ang bruha! Ako ang pinagbibintangan nya!

At yung mataba kong boss,walang tanong tanong na nagpatawag agad ng pulis.

"Wala na kong magagawa Hikari,kung ayaw--"

"Pwede ba Mitsuki wala akong pakialam sa cellphone mo! at tigil tigilan mo na yang peke mong pag iyak at baka umiyak ka talaga kapag inupakan kita! Anon bang gusto mo? Mag hubad ako sa harap mo? Halughugin yung gamit ko? Gawin mo! Para matapos na tayo dito,dahil kahit dumating pa yung mga pulis ngayon,wala din naman silang mapapala dahil wala akong kinu---"

"Hikari..."

Sabay sabay kaming napatingin sa pinagmulan ng maliit na boses na iyon.

Nakita namin si Rika--- kasamahan ko sa trabaho, na umiiyak sa tabi ng pinto papasok sa kusina. May dala dala syang kung ano sa kamay.

Behind His Dark Eyes (Kaede Rukawa's fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon