PROLOGUE

1.6K 5 0
                                    


Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales or incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Flight Attendant #1: The Luscious Outlander (Complete)

Flight Attendant #2: The Secluded Yore (Complete)

Flight Attendant #3: The Odious Doxy (Complete)

Flight Attendant #4: The Mesanthropic Demure (Complete)

Flight Attendant #5: The Ephemeral Venerate (Complete)

Flight Attendant #6: The Felonious Cordality (Last)

This story has contains spoiler from Series #1, #2, #3, #4, and #5.

***

"Bakit ba sunod ka ng sunod kung nasaan ako?! Hindi ba't sinabi ko na sayo na iwanan mo na ako?"

Kanina ko pa hindi maipinta ng maayos ang mukha ko dahil sunod siya ng sunod sa'kin. Halos lahat na nga yata ng dapat ko puntahan at pagtaguan ay alam niya. Inis ako na umupo malapit sa sakayan ng mga taxi at masungit na pinagkrus ang mga braso ko. Pasado alas tres na ng madaling araw kaya naman wala masyadong nakakakita sa aming dalawa.

"What is your problem again? Did I do something wrong?" Huminto siya sa harapan ko at yumuko sandali para silipin ang mukha ko. Nang hindi ako magsalita ay marahan niya na hinawakan ang baba ko at sapilitan 'yon na inangat dahilan para deretso na magtama ang pareho naming mga mata. "Tell me, what is it."

Malalim ako na nagpakawala ng buntong hininga. Gusto ko siyang sapakin. Talagang tinanong niya pa kung bakit at kung ano. Napakagaling!

Malalim na muna akong nagpakawala ng isang buntong hininga bago siya nilingon. Matalim at naninigkit ko siya na tinitigan habang magka krus ko na pinagsama ang magkabila ko na mga braso.

"Hindi mo ba talaga alam kung bakit?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Kinamot niya ang batok niya pagkatapos ay mabilis niya na dinilaan ang pang ilalim na labi niya at kinagat. Tumingin siya saglit sa malayo. Halata na parang hinahabaan na lang niya ang pasensya para sa'kin.

"Diana," Tawag niya sa'kin ng hindi ako magsalita at nanatili lang na titigan siya.

"Hindi ba sinabi ko na sa'yo na tapos na tayo?" Deretso na sabi ko at pinalipat lipat ko ang paningin ko sa mga mata niya. Mabilis ko nakita na sumilay sa mga mata niya ang sakit na nararamdaman. Pero hindi ko 'yon pinansin.

Mas pinangibabaw ko ang nararamdaman ko kaysa sa kung anong nararamdaman niya. Napapalunok ako na umiwas ng tingin sa kanya at walang paalam na tumayo para talikuran siya. Iniwanan ko siya roon at mabilis na sumakay sa taxi.

"Diana!" Dinig ko na paulit ulit niya na tawag ulit sa pangalan ko para humabol.

That was the worst night that I wish I never had.
Nasaktan nanaman ako. Paulit ulit na lang na nangyayari. Kaya minsan, hindi ko na lang din talaga maiwasan na tanungin ang sarili ko. Kung bakit... at palagi na lang ako nakakaranas ng ganito.

May nagawa ba akong masama at hindi maganda sa past life ko kaya ganito?

"Hoy Diana! Gising! Ano nanaman ba ang dine day dream mo jan?"

The Felonious Cordality (Flight Attendant Series #6) Where stories live. Discover now