"Wag mo ko tinatawanan ah? Seryoso akong nagtatanong rito."Inis ko na inalis ang paningin ko kay Xyndrick. Kasabay nang ice bag. Nasapak na nga siya lahat lahat nakuha pa niya ngumisi sa akin. Hindi ba naman siraulo!
"Jan ka na nga!" Tumayo na ako at nilagay sa kamay niya ang ice bag. "May trabaho pa ako bukas kaya kailangan ko na matulog. Tumawag ka na lang sa akin kung may kailangan ka. I dial mo lang yung number five." Tuloy tuloy na sabi ko bago ako tumalikod at lumabas na ng kwarto.
Hindi ko na hinintay pa na magsalita siya. Lumakad na ako deretso at mabilis ng sumampa sa kama ko.
Kinabukasan, maaga ako na gumising. Konti nga lang yata ang naging tulog ko dahil tinatamad pa ako na bumangon sa kama ko. Mabagal ako na tumagilid sa gilid ko para abutin ang phone ko at tignan ang oras. Maaga pa pala talaga. Six A.M. pa lang ng umaga.
Nag scroll lang muna ako para i-check yung socmed ko. Ganon na rin para alamin kung ano na ba ang nangyayari sa mundo. Nang magsawa na ako ay doon na ako umalis sa kama ko. Naghilamos muna rin ako at nag toothbrush bago ako lumabas sa kwarto ko.
Natigilan ako sa paglalakad ko pababa sana sa kusina ng madaanan ko ang guest room kung saan naroon si Xyndrick. Kumunot ang noo ko ng makita ko na bukas kaonti ang siwang ng pinto dahilan para lumapit ako roon at hawakan yon. Pagkatapos ay dahan dahan ko na binuksan yon para hanapin siya.
Eksakto na natagpuan ko siya na kakalabas lang sa bathroom. Suot ang puti na tuwalya na nakatakip sa pang ibaba niya dahilan para ganon na lang ako kabilis na tumalikod at humigpit ang hawak sa doorknob.
"Hindi ko intensyon," Yon lang ang lumabas sa bibig ko sa kawalan ng masabi. "I was.." Hindi ko na matuloy pa ang susunod ko na sasabihin.
"It's fine. You can see it if you want." Nang aasar na sabi niya.
"What the heck!" Singhal ko at pumikit sandali. "Talagang maloko ka no?" I clenched my jaw. Nakatalikod pa rin ako sa kaniya.
"Yeah I think so. But not in girls."
"So ano gusto mo palabasin? That you were the so called perfect guy?"
"Wala ako sinabi." Narinig ko na may kalkalin siya dahilan para tumalikod ako paharap sa kanya. Still I covered my eyes with my both hands.
Wala akong iniwan na siwang para silipin siya. Hindi ko din alam kung ano ba yung kinakalkal niya roon. Bakit ba naman kasi ako pumasok pasok pa rito? Gusto ko tuloy sabunutan yung sarili ko.
"You can open your eyes now lady." Pang e-encourage niya sa akin.
Sumunod naman ako sa kanya at inalis na ang mga palad ko sa mata ko. Naabutan ko siya na sinasarado na lang ngayon ang pang huling butones ng polo niya. Kulay puti iyon na may logo ng ralph lauren habang ang pang ibaba niya naman ay simpleng maong pants na pang lalaki.
Nang ilipat ko ang paningin ko sa mukha niya, medyo nabawasan na ang pamumula niyon kaysa kagabi. May band aid na rin na nakalagay ngayon sa bandang kilay niya.
"So saan ka ngayon niyan?" Curious na tanong ko.
Bigla ko na lang kasi naisip na hindi ko pa nakikita ang mga magulang niya. Even Aiofe and other girls. Ni wala rin siyang naku kwento sa amin about sa kanila.
"On my home?"
"So wala ka kasama?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"So you were interested right now huh?" Lumapit siya sa akin. Napalunok tuloy ako.
YOU ARE READING
The Felonious Cordality (Flight Attendant Series #6)
RomanceA woman who has cold appearance chose forcing herself study more in academics and went to a party. Her life ruined when her parents told her that she needed to marry the guy that she doesn't really like.