"Focus Yvette. Please, just now don't think anything that can might distracted on you."Kanina ko pa paulit ulit na sinasabi at ibinubulong sa sarili ko ang kataga na 'yon simula nung mapunta na ako sa kalagitnaan na exam. Inuna ko ng tapusin yung math kaya naman sa science na ako ngayon. Sa totoo lang, medyo hassle nga siya dahil kailangan pa namin gumamit ng lapis para shade-an ang answer sheet namin. Feeling NCAE tuloy ang labas.
"Hala wala naman 'to sa ni-review ko ah? Bakit ganito?" Mabilis ako na napalingon din agad sa katabi ko matapos ko siya marinig na magtaka roon sa questionnaires. Hindi niya yata ako ganon napansin kaya naman ganon na lang siya katutok ng sobra roon.
Napanguso naman ako bago ulit binalik ang paningin ko sa sarili ko na papel. Tinitigan ko lang muna 'yon at pansamantala ko na dinouble check ang mga sagot ko. Kagat ang labi ko ay napapalunok ako na tinititigan ang lahat ng mga 'yon. Umaasa na sa pamamagitan ng mga sagot ko ay makapasa talaga ako.
One and half hour lang ang binigay sa amin na oras para i-take at tapusin ang lahat ng subject questionnaires para sagutan. Kaya naman ganon na lang din ako ka-ingat na ingatan ngayon ang oras. Minsan iniiwanan kami ng mga senior officers na nagbabantay sa amin para lumabas sandali pero kaagad rin naman silang bumabalik.
Nang matapos na kami para ipapasa ang papel namin sa harapan, doon lang ulit ako nakahinga ng maluwag. Na para bang ganon na lang kalaki ang tinik na binunot sa loob ko. Ramdam na ramdam ko kasi ang intense na pressure naming lahat sa loob ng room habang tinatapos ang lahat ng 'yon para sagutan.
Dali dali na akong tumayo rin agad matapos ko ayusin ang mga gamit ko para lumabas na sa room at maglakad na sa hallway. Kailangan ko na hanapin si Kai dahil baka takasan niya nanaman ako. Ayoko pa naman mag commute ngayon ng mag-isa.
I smiled when I find him already. He was sitting in front with a confident. Hindi tulad ko ay mga nag e-exam pa rin sila ng mga kasama niya. Kaya naman para hindi rin sila ma distract sa'kin, mabilis na akong lumayo na muna roon at pumunta sa baba ng building.
Pagkatapos, nilabas ko ang phone ko para i-text si Kai. Sinabi ko sa kanya na sa ground floor ko na lang siya antayin dahil wala naman akong uupuan roon. Isa pa, hindi lang naman ako ang nasa hallway ngayon kung hindi marami pang iba. Halos mukhang magkakakilala pa nga ang karamihan dahil kabilaan ang nakikita ko na nakikipag-usap.
"What do you think will be my score?"
"I don't think so. Ni hindi pa nga natin alam kung kailan nila ilalabas yung results ng mga nakapasa."
"If ever that I cannot make it to pass, I still have many universities choices."
"Hindi ko inakala na ganon pala kahirap ang examination nila rito. Parang pang Oxford."
"Sinabi mo pa. Napanghihinaan na tuloy agad ako ng loob. Hindi ko alam kung makakapasa pa ba ako."
"Kung ako sa inyo tara na. Ikain na lang natin 'yan."
Tahimik lang akong napalingon sa mga babae na umalis bitbit ang mga gamit nila. Hindi ako ganon makapaniwala sa mindset na meron sila. I didn't know why some people thinking always that kind of mindset. Hindi ba dapat na hindi sila ganon? Dapat positive lang.
"Hey!" Halos maihampas ko sa mukha ni Kai ang hawak ko ng bigla na lang niya silipin ang mukha ko at pisilin ang mga pisngi ko. Para siyang kabute na sulpot na lang agad ng sulpot. Mabilis ko naman siya na sinamaan ng tingin. Tumawa pa siya sandali bago siya umayos ng tayo para sumandal sa railings. "Did I made you wait that long?" Tanong niya.
YOU ARE READING
The Felonious Cordality (Flight Attendant Series #6)
RomanceA woman who has cold appearance chose forcing herself study more in academics and went to a party. Her life ruined when her parents told her that she needed to marry the guy that she doesn't really like.