16

72 0 0
                                    


"Last one then your free to go what you wanted to do." 

Masama pa rin akong nakatingin kay Xyndrick habang magka krus ang mga braso ko. Hanggang ngayon kasi ay hindi niya talaga ako tinitigilan hangga't hindi ko nauubos yung pinapakain niya sa akin na soup. Sinabi ko naman na sa kaniya na busog na ako pero pinagpipilitan niya na hindi pa raw yon sapat dahil mahina pa rin daw ako.

"Sinabi ko na kasi na ako na," Mahinang bulong ko sa sarili ko pa bago ko ulit kinain yung huling soup na sinusubo niya sa akin.

"Very good." Sabi naman niya. Hindi ko alam kung nang aasar nanaman ba siya o ano. "Now, take yourself a break and rest." Seryoso at habol na sabi niya bago siya tumayo para iligpit at kunin ang lamesa na nasa harapan ko.

Inabot ko naman ang isang baso ng tubig na nasa gilid ng mesa na naroon at ininom yon. Bumalik na rin sa katahimikan ang buong silid ng kwarto dahil mabilis na nawala sa paningin ko si Xyndrick. Tumingin na lang rin ako at inilibot sa apat na sulok ang paningin ko ng wala na akong magawa.

Hapon na nang maisipan ko na ayusin ang sarili ko para umuwi sa bahay. Hindi na ako naligo pa ulit at tinanggal ko na lang ang iilang bagay na kasama sa suot ko na dress kagabi. Masyado na kasi yon na mabigat at isa pa, baka mawala ko lang ang mga nakasabit na pendant roon. Ang mahal pa naman ng bili ko sa mga yon!

Nang sa tingin ko ay okay na ang lahat sa akin ay lumabas na ako sa kwarto. Bitbit ang sandals ko, ay dahan dahan ako na lumakad rin upang hindi makagawa ng kahit na anuman na ingay dahil ayoko na makaharap pa ulit si Xyndrick.

"You look like swiper there tho." Halos mauntog ako sa gulat ng bigla na lang sumulpot ang tao na akala ko ay hindi ko na makikita pa ulit bago ako umalis rito.

"May lahi ka bang kabute ha?" Singhal ko ng iangat ko ang paningin ko sa kaniya. Lumayo na rin kaagad ako habang hawak pa rin ang sandals ko. Ginamit ko rin yon para isenyales sa kaniya na tumabi siya dahil dadaan ako.

"Alis dadaan ako." May awtoridad na sabi ko.

"I'll take you home." Pag volunteer niya naman.

"No. I have my money," Pagmamatigas at pangangatwiran ko naman.

"Yve, please." Biglang pagmamakaawa niya. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Bakit mo pa ako ihahatid eh nakakalakad naman ako? Maayos ako oh! Look!" I-ginesture ko sa kaniya ang sarili ko pati na rin ang paa ko. Pinakita ko sa kaniya na maayos talaga ako.

He shook his head and slowly licked his lower lip. Sunod ay nilagay at pinatong niya na rin ang kamay niya sa gilid ng kaniyang sentido. Habang ang isa naman ay nanatili lang sa baywang. Seryoso na rin ang mukha niya kaya naman umismid ako.

"Bakit wala na ba sila Carlton?" Matinong tanong ko.

"They were gone. You were the only one who's here with me." Seryoso naman na sagot niya. 

"Mga tarantado talaga." Irita at mahina na bulong ko sa sarili ko.

"I heard you." Singit niya.

Binalik ko ang tingin ko sa kaniya at nilapitan siya. Gusto ko tumawa dahil kung anong bilis ng kilos ko ay siya naman bilis din ng kilos kaagad palayo sa akin. Naramdaman ko tuloy na mukhang sinisimulan na niyang pag aralan lahat ng galaw ko.

"Don't worry, I will not punch you the way my ex did." Paalala ko. "Where is your car?"

Nakita ko naman na ngumiti siya.

The Felonious Cordality (Flight Attendant Series #6) Where stories live. Discover now