8

71 0 0
                                    

"Hi Sir Good morning! I just want to give this to you. It's from Miss Cox."

Deretso akong nakatingin lang sa professor ng pagbuksan niya ako ng pinto. He was an Engineering professor that's why I automatically saw Carlton and his friends. I don't know what they were doing right now dahil nang subukan ko sila pagmasdan, may mga kino compute sila doon habang sobrang seryoso ng mga mukha nila. Ang iba sa kanila ay napapakamot na sa batok.

"Oh really? What is this?" Naguguluhan kaagad din na tanong sakin nung lalaki na professor. Inalog alog niya yon sa harapan ko. Halatang curious sa kung anong laman niyon.

"Ah... Sir hindi ko po alam kung ano ang nasa loob. But I think, it's kind of appreciation that you would surely like." Tanging nasabi ko na lang.

Umalis na rin ako pagkatapos niyon. Eksakto na napatingin din sakin si Carlton kaya naman kumaway na lang ako sa kanya at nag sign ako para ipahatid sa kanya na sabay sabay kami kumain mamaya. Nagsabay kasi ngayon ang oras ng klase namin lahat kaya naman hindi na namin palalagpasin na magsama sama.

Hindi na namin sila pinapunta pa sa building namin dahil medyo malayo yon. Doon na lang kami nagkita kita lahat sa cafeteria. As usual Aiofe already smile as she saw Carlton. Yumakap siya kaagad dito na para bang ganon na lang sila hindi katagal na nagkita. While Chandria and Bea was only silent. Deretso lang sila na umupo sa mga pwesto nila.

It looks like they were not on the mood para makigulo sa amin. Nang lingunin ko si Bea eksakto na napatingin din siya sakin kaya naman kaagad ko siya na nginitian. She do the same to me but still, ganon ko na lang din agad napansin na parang may kakaiba sa kaniya ngayon. Pero hindi ko alam kung ano 'yon.

Hindi na ako nabigyan din ng pagkakataon na makausap siya dahil basta na lang na hinawakan ni Gianna ang braso ko para kaladkarin papunta sa mga stall ng pagkain kung saan marami ang pagpipilian. Brent, Gaviniel and Aiden were also joining on us.

"Akina mga pera niyo wag nyo ko dinadaan sa mga pagpapa cute nyo! Hindi yan tatalab sakin ngayon." Dinig ko ang pagtatalo nila Gaviniel sa tabi ko habang patuloy sila sa pagtingin at pagpili ng gusto nilang kainin na pagkain.

Mabilis naman kami na nagkatinginan ni Gianna at sabay na tumawa dahil sa inasal nila. Akala mo kasi ay parang mga bata na binigyan ng mga magulang nila pero kinapos.

Tanging yung slice ng cake lang ang binili ko at hershey hot chocolate. Busog pa din naman kasi ako at wala pa ako sa mood kumain ng kanin kaya yon na lang muna. Unlike Gianna na halos lahat na yata bilhin ang tinitinda dahil sa napakarami ng bitbit niya.

Pagbalik namin sa pwesto namin, nakabili na rin ang iba nang sa kanila. Kaya naman ang ending, naging maingay na agad ang mesa namin. Napapatingin na nga lang sa amin yung iba pang mga estudyante na nandoon. Lalo na ang mga Juniors na sa mga titig pa lang nila, pakiramdam ko kung ano ano na ang naiisip nila tungkol sa amin na mga seniors nila.

"Hey Xyndrick, can you just stop for a while? Mamaya mo na yan basahin." Sita ni Carlton sa kaibigan at mabilis nito na sinara at kinuha ang binabasa nito na libro. Nilagay niya yon sa bag niya at nakangiti na inalok ito ng kape.

Xyndrick didn't say anything or any single word. Nagpakawala lang siya ng isang buntong hininga bago niya kinuha yung kape sa kamay ni Carlton para inumin 'yon. Nang mapansin niyang nakatingin ako ay mabilis ko na lang din agad na iniwas at inalis ang paningin ko sa kaniya. I just and started to focus on my own food.

Nilabas ko na lang rin ang phone ko para i-check sandali ang socmed ko pati na ang notepad ko para tignan kung ano pa ang mga ibang task na hindi ko pa nagagawa at natatapos within this week.

The Felonious Cordality (Flight Attendant Series #6) Where stories live. Discover now