6

93 1 0
                                    


"Nasaan na ba sila Aiofe at Sam? Ang tagal naman yata nila bumaba rito?"

Sunod sunod lang ako sa paglagok ko ng juice na nasa baso ko habang patuloy na nag i-ingay sa gilid ko si Chandria at kanya kanya naman gawa ng sarili nilang mundo ang iba pa namin na mga kaibigan. Paano kasi sila na lang ang wala. Mamaya pa naman ay magsisimula na ang program.

"Hoy okay ka lang ba jan?" Siko sakin bigla ni Gianna ng mapansin niya ako. Napatingin tuloy kaagad ako sa kanya at sandali na napahinto sa pag inom ko. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Bakit? Hindi ba halata na okay ako?" Mahinahon na tanong ko kasabay ng pagturo ko sa sarili ko gamit ang hintuturo ko na daliri.

"It's about Drake ba?"

I did not talk. I just rolled my eyes away from her and walk passed by at her. Pumunta na lang ako sa mini catering na naroon para ibalik na ang baso na ginamit ko since tapos naman na ako at wala akong gana na kumain kahit na ang dami kong pagkain na nakikita roon.

Halos ganon na lang din akong mapatalon sa gulat ng pagharap ko ay nasa likuran ko si Gianna. Sinundan pala niya ako. I raised my brows on her as a sign what she gonna asked on me.

"Bakit kaya hindi mo na lang lapitan?" Suhestiyon niya habang nakasilay ang nang aasar niya na ngiti. She even pointed Drake using her lips. Pasimple siya na ngumuso roon sa pwesto nila Arnold na hindi naman din ganon kalayo sa amin.

Sa totoo lang, Hindi ko talaga alam kung papaano ako nagkaroon ng paghanga kay Drake. Dahil simula't sapul pa lang naman nung first year college kami ay normal lang naman ako na kinakausap siya. Bukod roon, wala din naman akong pakialam sa presensya niya. Kaya laking gulat ko kung bakit isang araw nagising na lang ako na humahanga na lang sa kaniya.

Drake was with Arnold. Both of them were now busy drinking while talking to each other. Minsan ay tumitingin tingin rin sila sa mga tao na dumadaan. It looks like their conversation was so deep this time. Mabilis ko rin na iniwas kaagad ang mga mata ko at itinuon 'yon sa malayo ng mahuli niya akong nakatingin deretso sa direksyon nila.

"Why would I do that?" Medyo inis na ang tono na tanong ko kay Gianna. Nang wala akong makuha na sagot sa kanya ay basta ko na lang din siya na hinatak papalayo roon.

"Teka! Yung braso ko! Masakit!" Reklamo ni Gianna nung mag pumiglas siya para bawiin ang sariling braso sakin. Pagkatapos ay mabilis niya na tinignan ang bawat kanto niyon na para bang nagkaroon na agad yon ng sugat kahit na namumula lang naman.

"Bakit ba kasi hindi mo kausapin yung tao?" Daldal nanaman niya. Kahit kailan hindi talaga nagsasawa yung bibig niya na mag-ingay! Ginilid pa niya ng kaonti ang mukha niya para silipin ang mukha ko. Halatang nang aasar talaga.

"For what?" Masungit ko siya na tinignan at tinaasan ng kilay. "After he knew that he's my crush? Nah!" I scoffed. "It will just made me look desperate onto his eyes no! That's why no. I wouldn't talk with him."

Mabilis na sumilay ang ngiti sa mga labi niya at inakbayan ako. "Hay nako! Yvette Arabella," She sighed. "Bakit naman kasi doon ka pa nagkagusto sa lalaking may minamahal na?"

Ngumiwi naman ako bago lumingon sa kaniya. I was about ready to talk but then she continue talking again. "Anyways, I think the good thing that you must to do right now was to drink this." Abot niya sakin nung lady's drink na hawak niya.

Tipid lang ako na ngumiti bago yon kinuha sa kamay niya at walang salita na nilagok 'yon. Hindi tulad kanina ay wala akong ininom pa na back-up. I used to taste the alcohol itself before Gianna and I decided to comeback to our friends.

The Felonious Cordality (Flight Attendant Series #6) Where stories live. Discover now