"Ano sa tingin mo ang pwede ko na gawin para hindi ako makita nung lalaki na yon?"Kanina pa ako habol ng habol kay Xyndrick habang mabilis siya na naglalakad palabas ng condo. Wala siyang pasok ngayon pero hindi ko alam kung saan siya pupunta at ganon na lang siya nagmamadali ng husto na umalis. Maaga pa naman dahil alas otso lang ng umaga.
"Then why don't you try it first?" Suhestiyon niya ng harapin niya ako matapos niya isara ang pinto ng sasakyan niya.
Sarkastiko ako na tumawa at pinagkrus ang mga braso ko na hinarangan siya dahilan para hindi siya kaagad makawala sa akin. Sunod ay nilapit ko ang sarili ko ng sobra sa kanya. "Seryoso ka jan? Yan ang suggestion mo?"
"Malay mo, he's the one for you." Seryoso na sabi niya.
"Kadiri mo naman!" I hissed bago ako lumayo sa kanya. Sinamaan ko siya ng tingin pagkatapos ay basta na lang ako na pumasok sa loob ng sasakyan niya.
I want to laugh when I saw him suddenly turning onto the other side of his car. Pabalibag niya na sinarado ang pinto ng makapasok siya at mabilis niya ako na hinarap. Hindi naman ako nagpatalo dahil ginaya ko rin siya. Humarap ako at tinaasan siya ng kilay.
"What do you think you're doing right now huh?"
"Bakit saan ka ba pupunta?"
"I'll just get some fresh air."
"Edi sama mo na ako." Simpleng sagot ko at sinandal na ang likuran ko sa kinauupuan ko.
At the end, wala naman na din siyang nagawa kung hindi ang isama ako. I just looking my eyes outside of the window in the whole ride. Masyado rin tahimik ang loob kaya nagpatugtog ako ng KPOP. Good thing, Xyndrick doesn't complain anything and he just silently focusing to drive.
Hindi ko alam at wala akong ideya kung saan ba kami pupunta. Nang tignan ko ang mini screen niya ay wala siyang pina flash roon na waze app. Pakiramdam ko tuloy para lang kaming nag stroll na dalawa.
Hanggang sa itinigil niya ang sasakyan niya sa isang sikat na coffee shop sa Antipolo. Maganda ang tanawin roon puro puno halos ang makikita at may mga hanging bridge. May spot din para sa mga gustong manuod ng pagsikat at pagbaba ng araw. Napangiti ako ng mabasa ko at makita ang pangalan ng coffee shop.
Cloud 9.
"Nice taste of place huh," Siko ko kay Xyndrick ng pareho kaming tumambay sa railings malapit roon sa hanging bridge.
Yon nga lang marami kaming kasabay na mga tourists kaya naman medyo siksikan rin sa lugar. Mabilis ko na inayos rin kaagad ang nakalugay na buhok ko dahil ganon na lang yon kabilis na nililipad dala ng malakas na hangin. Nawala kasi yung tali ko.
"I just discover this place thru internet." Paliwanag naman niya. "Yeah, this place was cool."
"Pero bakit nga pala gusto pumunta sa ganitong lugar?" Tanong ko naman.
"To relax," he tilted his head a bit. "and to escape for a while to this world that we have."
Napanguso ako na tumalikod para isandal ang likuran ko sa railings. Sa ganon'g paraan ko siya hinarap. "Bakit? May problema ba sa trabaho mo?" Curious na tanong ko ng silipin ko ang mukha niya.
Bumaba ang tingin niya sa akin at mabilis na umiling. Pagkatapos niyon ay lumayo na siya roon at nagsimula ng lumakad papunta sa upuan. Sumunod naman ako sa kanya. Sa kabilang side ako umupo at mabilis na itinaas ang kamay ko para kunin ang atensyon ng waiter.
YOU ARE READING
The Felonious Cordality (Flight Attendant Series #6)
RomanceA woman who has cold appearance chose forcing herself study more in academics and went to a party. Her life ruined when her parents told her that she needed to marry the guy that she doesn't really like.