"Can you be honest on me? What do you want?"Cold na tanong ko kay Carter. Hanggang ngayon kasi ay na stranded kaming pareho sa traffic. Hindi ko masyado na binuksan ang bintana ng sasakyan ko sa side ko. It was only a half. Tanging ulo ko lang mismo ang pwede makita. Hindi ako nakatingin sa kaniya at tahimik ko lang na pinapanuod na matapos ang bilang sa stoplight.
"Bakit ba ang sungit mo?" He suddenly asked. "I just only wanted to be your-"
"What?" I cut him off.
"Friend. Or maybe become your lover." He suddenly said. Teasing me.
Tamad naman ako na napatingin sa kaniya. Hindi ako nagsalita. Inalis ko lang din ang paningin ko sa kaniya ng eksakto nang lumipat sa kulay pula ang ilaw ng stoplight. Kaya naman mabilis ko na pinaandar na ang sasakyan ko at hindi na siya ulit pinansin.
"Hindi ko naman inaakala na mabilis ka palang mapikon." Patuloy niya na hindi ko inaasahan. Sinundan pala niya ako!
Mas kumunot tuloy ang noo ko. Naiinis na talaga. Humigpit ang kapit ko sa manibela ng sasakyan ko at pinagpatuloy na lang ang pagmamaneho. Wala akong interes sa kung anong pinagsasabi niya roon. Kumbaga pumapasok lang 'yon sa tainga ko at lumalabas rin kaagad.
Hinayaan ko lang siya sa kung anong gusto niyang gawin. Hanggang sa maya maya lang ay nakita ko na siyang mag U-turn papunta sa kabilang lane ng kalsada. Laking pasasalamat ko naman dahil sa wakas wala na siya sa paningin ko.
Hapon na ng makauwi ako sa condo. As usual hindi ko nanaman naabutan roon si Kai. Walang kahit na anong kalat din ako na naabutan roon. Sobrang linis niyon na para bang tumawag yata siya ng service staff para ipalinis ang lahat.
Dahil walang tao sa sala, dumiretso na lang din ako sa kwarto ko. Doon ay malaya ko na inilapag sa ibabaw ng study table ko ang mga gamit ko bago ako tumakbo paakyat sa kama. Humiga ako roon at mabilis ko na pinikit ang aking mga mata.
I smiled as I've felt the softness of my bed. Pakiramdam ko napawi na kaagad non ang sobrang pagod ko gawa ng acads. Ni hindi ko pa nga rin nagagawa na palitan ang suot ko na uniform. Tinanggal ko lang ang iilang butones ng top ko kasama nung cap at scarf ko.
Nanatili lang ako na ganon. Nakatingin sa kinaroroonan ng pintuan. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako! Nagising na lang ako sa ingay na naririnig ko galing sa labas ng kwarto. Dahan dahan ko na iminulat ang mga mata ko at eksakto na tumingin sa dingding para tignan ang oras.
Alas nuwebe na pala ng gabi.
"Yve, are you there?" Lumipat ang paningin ko sa gawi ng pintuan ng kumatok si Kai. I was about to answer to response on him but all I know is that he's now already inside of my room.
He's wearing a black shirt partner with khaki pants. May suot din siya na itim na sumbrero. Sa itsura niya ay mukhang kakauwi niya lang galing sa labas. He sat down on the edge of my bed and looking at me with his brows furrowed.
"Tired already huh?" He said.
Sarkastiko naman ako na tumawa agad pero mahina lang 'yon. Tumagilid ako at humarap din sa kaniya. "Malamang. Ikaw kaya gumawa ng sandamakmak na school works plus review?" I rolled my eyes.
"What time did you sleep ba kasi?" This time, his now serious. Nag iba na rin ang aura ng mukha niya. It looks like he's worried about on me already.
"I don't know. Maybe two or three in the morning?" Hindi sigurado na sagot ko. "Alam mo ba na gusto ko na lang maging itlog? Nakakapagod mag aral." I sighed.
YOU ARE READING
The Felonious Cordality (Flight Attendant Series #6)
RomanceA woman who has cold appearance chose forcing herself study more in academics and went to a party. Her life ruined when her parents told her that she needed to marry the guy that she doesn't really like.