"Ano ka ba okay lang yon no!"Mabilis ko siya na tinulak palayo sakin at inayos ang sarili ko pati na rin ang suot ko na uniform. Nagpanggap ako na abala na sa paghahanap ng kung anong gamit sa bag ko. Kahit na sa totoo lang ay wala naman akong dapat na hanapin pa roon.
Sumilip na rin ako sa relo ko para tignan ang oras. Pasado alas sais at trenta na.
"Ano, Muñez... Mauna na pala ako. I really needed to go." Paalam ko na lang din kaagad sa kanya. I just wave at him before I walk passed by. Nagmadali na akong umakyat sa hagdanan ng overpass. Naisip ko kasi na ganon din naman. May isa pang station ng mrt roon sa kabilang ko dulo.
"Bakit ganito?" Mahinang tanong ko sa sarili ko ng makapasok na ako at makaupo sa loob ng mrt.
"Babe!" Inangat ko ng mabilis ang paningin ko ng may lumapit sa harapan ko. It was Carter.
"Oh, you're here." Tipid ko siya na binigyan ng ngiti. "Where are you going?"
"I'm so sorry." Yon kaagad ang sunod niya na sinabi. Umupo siya sa tabi ko ng umalis na roon ang nakaupo para bumaba. Huminto na kasi ang mrt sa bagong station.
Mabagal niya na inabot ang kamay ko kaya naman napalingon ulit ako sa kanya. Medyo marami ang mga tao na kasama namin sa loob dahilan para hindi 'yon mapansin ng karamihan.
"It's been weeks already babe." Pinatong ko naman ang isa ko pa na kamay sa ibabaw ng kamay niya na nakahawak sa kamay ko. Sunod ay mabagal ko na tinitigan ang mga mata niya habang nakangiti ako. "Wala na 'yon. Tapos na yon."
"Kahit na." Hadlang niya naman. "Gusto ko pa rin makabawi." Pinalipat lipat niya ang paningin mula sa mga mata ko patungo sa ilong ko. Hanggang sa huminto 'yon sa labi ko na siya naman naging dahilan para palihim akong mapalunok.
For Pete's sake! We're in public place!
Sa kaba ko, mabagal ko na kinurot ang tagiliran niya para iparating sa kanya na hindi 'yon ang tamang oras para sa gusto niya. Ngumisi lang siya sakin. Ilang minuto lang din ang lumipas ay huminto na sa station kung saan ako bababa ang mrt kaya naman tumayo na ako. Nasa likod ko naman si Carter at tahimik lang na nakasunod at nakahawak sa balikat ko.
Pagkarating namin sa tapat ng Greenwood Airlines, humarap na ako sa kanya at ngumuso. I felt a little bit sad because I needed to prioritized first my training even though I know that we can see each other later. Hindi ko rin naman kasi alam na nag iba na pala ang schedule ng pasok niya at wala siyang pasok ngayon.
"Sige na pumasok ka na." Mahinahon niya na sabi sakin ng wala man lang akong sinabi na kung ano. Lumapit din siya sakin para halikan ang gilid ng noo ko at yakapin ako sandali. "Sunduin kita mamaya." Bulong na pahabol niya pa na sabi sa tainga ko.
"Okay, take care!" Masigla ko naman na hinawakan ang pisngi niya gamit ang magkabilang mga palad ko.
Patuloy lang ako na kumaway sa kanya hanggang sa tuluyan na akong nakapasok sa loob ng Greenwood. Nang wala na siya ay doon lang ako umayos at tumalikod para lumakad paharap para hanapin ang elevator papunta sa ticketing area.
Kinahapunan, ginawa talaga ni Carter ang sinabi niya sa akin. Inantay niya talaga ako na matapos sa training ko. Malayo pa man ako na naglalakad palabas ay natatanaw ko na siya na nakatayo roon sa labas. Gulat akong napatingin na lang din kaagad sa kamay niya ng mapansin ko na may bitbit siya na isang bugkos ng red roses.
"For you." Malambing ang tinig na sabi niya ng lapitan niya ako. Kinuha niya na rin kaagad sakin ang bag ko at siya na ang nagbuhat niyon. Nakangiti ko naman ng kinuha ang bulaklak sa kanya at pasimple 'yon na inamoy.
YOU ARE READING
The Felonious Cordality (Flight Attendant Series #6)
RomanceA woman who has cold appearance chose forcing herself study more in academics and went to a party. Her life ruined when her parents told her that she needed to marry the guy that she doesn't really like.