15

82 0 0
                                    


"How was your feeling right now?"

Napalingon ako kay Aiofe ng tumabi siya sa akin. Inaya ko sila ni Carlton na samahan ako uminom ngayon. Mabuti nga at pumayag sila dahil kung hindi, pwede naman na sila Sam at Gianna na lang ang isama ko. Carlton was now a certified Engineer. Kanina lang din kasi lumabas ang results kaya naman sakto talaga ang pag aaya ko.

"Hmm, I feel that I'm better right now." Tipid na ngiti ang iginanti ko sa kaniya bago ko inabot muli ang vodka para uminom.

Sinabi ko lang yon para hindi na sila mag alala pa sa akin. But the truth behind of that was I lied. Hindi pa rin ako okay hanggang ngayon. Even if it's already ten months since I've broken up with Carter. Simula noon in-unfollow ko na siya sa lahat ng social media niya ganon na rin ang mga tao na may kinalaman sa kaniya. Maliban lang kay Aiofe dahil labas naman siya sa kung anong nangyari sa amin ng pinsan niya.

"Well it's good to hear. That you were now in good condition." Singit na sinilip naman ako ni Carlton.

"Yeah. But by the way, congratulations ha? You were now really an Engineer." Masaya na bati ko sa kaniya. "Sunod ko na lang yung gift ko."

Tumawa naman kaagad siya at mabilis na umiling iling. Habang si Aiofe naman ay mapang akit na hinawakan ang baba niya dahilan para peke ako na umubo at ipinagpatuloy na muli ang pag inom ko ng vodka.

"Alam mo Yvette, wag mo na bigyan ng regalo 'tong lalaki na to." Pigil naman sa akin ni Aiofe kaya naman nangunot agad ang noo ko. "Mayaman na to eh."

"Mayaman saan?" Nagtataka ko na sinilip si Carlton.

"Mayaman sa pagmamahal ng kaibigan mo." Sagot naman ni Carlton sa akin.

"Aysus! Ang dami mong alam!" Pambabara naman ni Aiofe sa kaniya. Pabiro lang yon pero doon ko napansin kung gaano talaga nila kamahal ang isa't-isa. "Wag ka ngang ganyan ka cheesy baka mandiri na si Yvette sa atin niyan."

"Bruha ka!" Tumawa naman ako at mabilis na inabot ang buhok niya para pabiro na sabunutan. Carlton on the other hand, was just looking to the both of us while drinking his own beer. Enjoy na enjoy siya na panuorin kaming dalawa na magkaibigan.

"Wag mo nga ginaganyan si Carlton ah? Bahala ka sige ka baka mamaya magaya ka sa akin." Babala ko sa kaniya.

Nakita ko naman na manlaki ng bahagya kaagad ang mga mata niya at matigilan sa bangayan naming dalawa. Sunod ay basta na lang niya na nilingon si Carlton sandali bago niya ibinalik ulit sa akin ang paningin niya.

"Subukan niya lang. Baka hindi na siya sikatan ng araw." Sumiring siya.

"As if I will do that to her." Para nanamang linta kaagad na lumapit si Carlton kay Aiofe nang umayos siya ng upo.

Sa totoo lang, ang lumalabas tuloy ay parang ako ang naging third wheel sa kanilang dalawa! Napaka landi kasi nila! Hindi naman nila ako ininform na magiging audience pala nila ako ngayong gabi. Edi sana humatak na muna ako ng kahit na sino para lang may karamay ako kahit papaano.

"Basta, ako ang paalala ko lang Carlton." Tumigil ako sandali para isipin ang gusto ko pa na sabihin. "Itong kaibigan ko na 'to, wag na wag mo siya iiwanan ha? Wag mo gawin at wag mo balakin na gawin yung ginawa sa akin ng gago niya na pinsan. Kasi.." Napalunok ako at pilit na pinipigilan na kaagad ang mga luha sa mga mata ko na nagbabadyang tumulo. "Kasi masakit yon. Isa pa, hindi niya deserve na magaya sa akin. So please.." pagmamakaawa ko. "Don't do it okay?"

"I promise," Tinaas ni Carlton ang kamay niya na parang nanunumpa sa akin. Sunod ay marahan niya na ibinalik ang paningin kay Aiofe. "I won't never hurt her."

The Felonious Cordality (Flight Attendant Series #6) Where stories live. Discover now