"Ramos, Yvette Arabella. Cum Laude."Nakangiti ako na umakyat sa stage para tanggapin ang award ko matapos banggitin ang pangalan ko. Until now, It feels surreal to me. Hindi pa rin ako makapaniwala at hindi pa rin ganon na nagsi-sink in sa akin na kasama ako sa Latin Honors.
All I know is that I wouldn't make it. I know that I'm so good when it comes to acads as well as on studying. But somehow, I'd still questioning my capabilities and abilities. I don't know.
Pagkakuha ko ng award kasama si Tita Cyrene, bumaba na agad ako at nagpasalamat sa kanya bago bumalik sa upuan ko. There, I saw my circle of friends slash my girls giving me a warm and extra smile when I walk towards to all of them. Kasabay niyon ay ang pagtanggap ko ng kanya-kanya nilang bati sa akin.
Like me, Aiofe was also a Cum Laude. Ang pinagkaiba nga lang namin, siya magulang niya ang nagsabit ng medal sa kanya. Si Tita Aienna. Habang ang daddy niya naman ang kumuha ng litrato nilang dalawa. Her sister Aurelie was also present.
Ganon rin ang iba pa. Ako lang talaga yung hindi pumunta ang mga magulang. How funny is it right?
But still, I had no time for drama right now. Just good vibes only. This is my day so supposedly puro saya lang dapat ang maramdaman ko. Nothing more.
The ceremony went well after an hours. Most of all was the part that we sing our graduation song entitled long live by Taylor Swift. Lahat kami ay tuwang tuwa lalo na nung i-announce ng Dean namin na dismissed na ang batch namin. Sabay sabay din namin na tinanggal ang mga cap namin at inihagis yon sa ere. Hindi ko napigilan ang tumawa nung muntikan na tumama sa ulo ni Arnold yung cap ko para saluhin ko.
"Magagasgasan pa ng wala sa oras ang ka-pogian ko." Kunwari na ngumiwi si Arnold nang sandali ko siya na nilingon. Binatukan ko naman din siya kaagad at inakbayan.
"Hoy ano ba!" Reklamo niya at mabilis din na hinampas hampas ang kamay ko. "May balak ka bang.. patayin ako?" Halos nahihirapan niya ng sinabi.
"O.A. mo naman!" Singhal ko ng bitawan ko na siya. "Isa pa, alam mo kahit kailan hindi naman na mababawasan yang ka pogian mo." Tinuro ko ang mukha niya. "Kasi wala ka naman non!" Dugtong ko.
"Aba! Siraulo to ah?" Umakto siya na lalapit sa akin kaya naman mabilis na akong tumakbo kaagad palayo. Akala ko hindi niya ako hahabulin pero nagkamali ako!
Hinabol niya ako hanggang sa mapunta kami sa Architecture Building Department!
"Pasalamat ka babae ka," babala niya sa akin nang huminto kami pareho. Ako, nasa unang palapag ng building habang siya naman.. naroon lang sa tapat. Naka pamaywang siya at inaantay ako na bumaba.
Hingal na hingal na agad ako. Mukha tuloy kaming mga batang paslit!
"Oh bakit?" Panghahamon ko naman. Ginaya ko rin siya. Nilagay ko ang kamay ko sa baywang ko at nginisihan siya. "Alam mo bakit hindi mo na lang kasi tanggapin?"
"Na ano?" Tumigil siya sandali at lumingon sa kung saan. Nang ibalik niya na ang paningin sa akin ay ganon na lang na mas lumawak kaagad ang ngiti sa kanyang labi. "Na may girlfriend na si Drake?" Pamba block mail niya!
Malakas naman ako na tumawa sa kawalan. Hindi ako nagpatalo. Patuloy ko lang na ginawa yon hanggang sa matapang ako na mas tinitigan siya.
"Hoy move on na ako doon. Awit ka pre." Inirapan ko siya bago ako nagsimula ng lumakad pababa. Inunahan ko na rin siya at iniharang ang mga kamay ko sa tapat ko. Babala ko na ayoko na makipag takbuhan pa sa kanya dahil napapagod na ako.
YOU ARE READING
The Felonious Cordality (Flight Attendant Series #6)
RomanceA woman who has cold appearance chose forcing herself study more in academics and went to a party. Her life ruined when her parents told her that she needed to marry the guy that she doesn't really like.