21

65 0 0
                                    


XYNDRICK


"What are you staring at bro?"

Gulat akong napalingon kay Aiden ng bigla na lang niya akong akbayan. Nakatambay kami ngayon sa bleachers. Hindi pa kasi oras ng susunod namin na subject kaya naman dito na muna kami tumambay. Hindi ako nagsalita at nakangiwi lang na umiling sa kanya bago ko ulit binalik ang pokus ko sa binabasa at hawak ko na libro.

"Don't tell me you're looking to that girl you saw last week?" Pangungulit niya sa akin. Yumuko pa siya para silipin ng husto ang mukha ko.

"What kind of nonsense is that? Can you just shut up your mouth?" Basta ko na lang din na nilayo kaagad ang mukha niya palayo.

Anong babae pinagsasabi niya? Hello! Kahit kailan, hindi pumapasok sa utak ko ang tungkol sa mga babae. Tanging sa pag aaral lang talaga ako nagpo pokus. Ni hindi ko nga pinapansin yung mga babae na lumalapit sa akin para magpa pansin o gusto na kausapin ako. Wala akong oras para sa bagay na yan.

"Sus! Kunwari pa! Eh paano na yan? Ganyan ka na lang? Tatanda ka na mag-isa?" Pangungusisa pa niya. "Awit ka kapag ganon pre! Sayang naman ang genes mo."

Sa irita ko, mabilis ko na sinarado ang libro na binabasa ko at hinampas yon sa kanya bago ako tumayo kasabay ng bag ko. Iniwan ko na siya roon at nagsimula ng lumakad para pumunta sa room namin. Nakita ko kasi na malapit na rin pala ang oras.

Aiden on the other hand, followed already. Paulit ulit niya ako na tinatawag pero umakto lang ako na parang walang naririnig. Pagkarating namin sa loob ng room ay dumeretso na kaagad ako sa upuan ko. Hinayaan ko naman na sila Carlton na mag ingay roon. Tahimik na lang rin muna ako na nakinig ng random songs sa earpods ko habang wala pa ang professor namin.

Mabilis lang din naman na lumipas ang araw at buwan kaya nasa punto na kaagad kami ng examination day. Hindi naman na ako naninibago ng sobra dahil parang halos parehas lang din naman ang calendar activities na nangyari sa akin nung high school pa ako. Ang pinagkaiba nga lang yung haba ng duration sa bawat subject sa college.

Sa dami na kaagad ng experience ko sa buhay ko bilang college student, may isang bagay talaga ako na napaisip ng sobra. Hindi ko alam at wala akong ideya kung bakit meron ganon ang course na kinuha ko.

"Seryoso bro? Tour? Para saan naman yon?" Tanong ni Brent sa akin. Kamot kamot na niya ang likuran na bahagi ng ulo niya. "Tangina naman! Puro na lang gastos!"

"Tanga ka pala eh!" Binatukan siya ni Gaviniel. "Malamang ganyan talaga. Nag aaral ka eh. Hindi ba gusto mo ng magandang buhay in the future?"

"Oo gusto ko yon. Pero putcha naman! Magmu mukha na akong scammer nito sa magulang ko eh." Reklamo niya. "Isa pa, baka mamaya trip lang to ng department natin?"

"Gago anong trip pinagsasabi mo? Ang lala mo ah! Hindi mo ba nababasa yan ha?" Dinuro duro naman ni Tyler ang papel na waiver na hawak niya. "Required nga raw oh!"

Tahimik lang ako sa gilid na pinanunuod sila at hindi ako nag abala na magsalita. Pero tulad nila ay naku curious din talaga ako kung bakit at para saan yon. Hanggang sa dumating na nga ang araw na yon na kailangan namin pumunta sa tinatawag nila na Casa De Manila. Doon ako pumwesto sa dulo na bahagi ng bus yung limahan. Pero di ako sa gitna. Sa tabi ako ng bintana umupo at habang suot ang headphone ko, pinagpatuloy ko na ulit na buksan ang libro na binabasa ko.

Laking pasasalamat ko dahil may noise cancellation yon kaya kahit anumang ingay nila Brent ay hindi ko sila maririnig. In short ako lang at ang libro ko ang may mundo sa ngayon. Nang makaramdam na ako ng antok ay inipitan ko na lang muna din ng palatandaan ang libro ko at sinandal ang ulo ko sa kinauupuan ko.

The Felonious Cordality (Flight Attendant Series #6) Where stories live. Discover now