"I love you so much,"I bite my lower lip before looking my eyes away from Xyndrick. Hindi gaya kanina, kaming dalawa na lang kasi ngayon ang magkasama. Pasado alas onse na kasi ng gabi kaya nauna ng magpaalam sa amin ang mga kaibigan namin para pumasok sa loob ng hotel.
Pareho lang kami na nakaupo na sa buhangin. Ako sa harapan niya habang siya naman ang nasa likuran ko. Pagkatapos ay mabagal niya na ipinulupot ang mga braso niya sa bewang ko at basta na lang niya na pinatong ang baba niya sa balikat ko.
Nakangiti naman ako na hinawakan at inabot ang mukha niya. We just stayed like that for a moment. Not until I suddenly felt sleepy so I just closed my eyes for a bit. Ramdam ko na silipin naman din kaagad ni Xyndrick ang mukha ko kaya ganon ko na lang iminulat ang mga mata ko.
"Kawawa naman ang bebe ko, inaantok na pala." he suddenly said. Pinisil niya sandali ang tungko ng ilong ko.
Masama ko siya na tinignan. Handa ko na rin hulihin sana ang kamay niya pero napakabilis niya na kumilos para maikulong ako ng sobra sa bisig niya.
"Ang daya daya mo love," Ngumuso ako. Nagpapaawa. Kahit na naiinis ako dahil inaantok na talaga ako.
"Wag ka nga gumanyan," singhal niya sa akin. Umakto pa siya na sinisilip ang mukha ko.
Hindi ko tuloy maiwasan na gantihan siya ng tingin. Oo nilalabanan ko ngayon yung antok ko para lang sa kaniya. Ngunit sa huli, hindi naman din ako nanalo dahil naramdaman ko na lang ang sarili ko na talagang nakatulog na ako.
Kinabukasan, pagmulat ko doon ko lang na realize na nasa kama na ako. Dali dali ko rin na kinuha agad ang phone ko para tignan kung anong oras na dahil sa pagkaka taranta ko. Sunod ay tinapos ko na muna ang lahat ng routine ko bago ako lumabas.
Hindi tulad kahapon, mas marami ang tao ngayon na naroon sa dalampasigan. Nakasuot lang ako ng puti na maxi dress at tsinelas habang naglalakad ako sa buhanginan. Abala na sa paghahanap kay Xyndrick pati na rin kila Aiofe dahil nung napadaan ako kanina sa mga unit nila para kumatok, wala man lang ni isa sa kanila ang sumasagot. Kaya nag assume na ako na baka magkakasama silang lahat.
At tama nga ako. Sa hindi kalayuan na kubo na meron doon, naabutan at nakita ko silang lahat na naroon. Nakahiga sa kani-kanilang tuwalya na nilapag sa buhanginan. Ang iba naman sa kanila ay eksaktong kakaahon lang din sa dagat.
"Good morning love," Xyndrick already kissed my forehead as he went and stopped in front of me. Basa na siya ngayon at may hawak na surfer board. "Did you already eat the breakfast I prepared for you?"
"Where?" Napalunok ako at mabilis na nag panicked.
"You didn't check the refrigerator?"
Napakagat ako sa labi ko sunod ay umiling iling. Nako konsensya na agad dahil hindi ko man lang naisip na gawin yon bago ako lumabas. Isa pa, masyado kasi akong nag alala para hagilapin siya. Sila ng mga kaibigan namin.
I apologized to him already but he just nodded at me and giving me a small smile. Pero hindi ako tumigil, paulit ulit ko pa rin yon na sinabi sa kaniya kahit na patuloy niya rin naman na sinasabi sa akin na okay lang daw kasi pwede ko naman yon kainin pa mamaya pagbalik namin sa room.
"Anong pinagtatalunan ninyong dalawa?" Pangungusisa naman ni Chandria ng madaanan namin siya ni Xyndrick.
Sinusundan ko kasi si Xyndrick kahit saan siya magpunta dahil nga nako konsensya ako. Bukod roon, kahit hindi niya sabihin ramdam ko na nalulungkot siya dahil sa ginawa ko. Wala rin naman kasi akong nakita na letter note niya sa ibabaw ng side table ko. Para sana nakita ko rin.
Hay nako! Napaka gulo din ng isip ko. Nagtatalo.
"Ano kasi..." Mabagal ako na napakamot sa ulo ko at umupo sa tabi ni Chandria matapos niya hawakan ang palapulsuhan ko. Hindi ko alam kung paano sisimulan magpaliwanag.
YOU ARE READING
The Felonious Cordality (Flight Attendant Series #6)
RomanceA woman who has cold appearance chose forcing herself study more in academics and went to a party. Her life ruined when her parents told her that she needed to marry the guy that she doesn't really like.