"Carol, sa tingin mo magugustuhan kaya ni Levi 'to?"Kanina ko pa pinapakita sa kaniya ang lahat ng pinipili ko sa bawat damit na naroon sa male section. Hindi kasi ako ganon ka komportable kung yung mga ganon'g klaseng damit ba ay trip ni Levi. Nang hindi sumagot si Carol ngumiwi ako para ibalik na lang rin kaagad ang mga yon. Doon ko lang na realize na ang hirap pala mag regalo kapag lalaki ang pagbibigyan mo.
Siguro naka ilang ikot pa kami sa iba't-ibang clothing brand shop bago ako tuluyan na nakakita ng ibibigay kay Levi. Tuwang tuwa ako na kinuha din kaagad yon sa cashier matapos ko mabayaran yon at ipabalot sa kanila sa gift wrapper. Bracelet yon. Pinalagyan ko ng pangalan niya sa loob.
"Hay nako, hanggang sana all na lang siguro talaga ako." Nakangiwi na tinignan ni Carol ang hawak ko bago siya tumitig sa akin. "Ang swerte mo talaga."
"Baliw," mahina ko siya na dinunggol habang tumatawa.
Yon lang talaga ang sinadya namin sa mall. Pero bago umuwi, inaya ko muna si Carol na kumain sa fast food. Nung una ayaw pa niya dahil nagti tipid raw siya kaya naman sinabi ko sa kaniya na ako na ang sasagot at manli libre. Ang gaga, mabilis na ngumisi at pumayag. Umakto pa siya na pinalakpak ang kamay niya na parang bata. Napailing na lang tuloy ako at nangiti.
Since marami halos na tao ang lahat ng branch nang kainan na meron doon. Sa isang tago na restaurant na lang kami kumain. Hilig ko kasi na mag explore talaga sa iba't-ibang klase ng restaurant na meron dito sa Denmark dahil gusto ko matikman ang bawat klase ng pagkain na meron sila.
"Uy girl, sigurado ka ba na dito tayo kakain? Pwede naman na umatras ka pa." Lumingon ako kay Carol nang palihim niya na tusukin ang tagiliran ko. Pinanlakihan niya ako ng mata na para bang ganon na lang siya napapaisip kaagad ng kung ano ano.
Tumawa naman ako at hinawakan ang kamay niya na naka angkla sa braso ko. Pagkatapos mahina ko yon na tinapik tapik para pa kalmahin siya. Naalala ko bigla na hindi nga pala kasi siya sanay na kumain sa mga ganito ka ganda na lugar. Mas preferred niya kasi na sa mga mumurahin lang na kumain. Lalo na't pinapadalhan niya ang mga magulang niya na nasa Pilipinas.
"Relax Carol, ako naman ang gagastos hindi ikaw." Kinindatan ko siya bago kami sabay na lumakad para sumunod sa lalaki na nasa unahan namin.
Mabilis lang din naman na umandar ang pila kaya kaagad rin kami na naka order. Sa malapit na lang din kami umupo at hindi na sa taas ng restaurant dahil ayoko nang umakyat pa lalo na't ngayon pa lang nararamdaman ko na ang pananakit ng mga binti ko.
"Diana, kamusta wala ka pa rin ba na maire reto sa akin?" Makulit na kalabit ni Carol sa kamay ko matapos namin maupo. Nang hindi ko siya pansinin, para siyang bata na sumunggab na lang bigla sa akin dahilan para umatras kaagad ako palayo sa kaniya.
"Ano ba yon? Wala pa." Sagot ko sa kaniya. "Chillax ka lang hindi ganon kadali maghanap." Pagpapaliwanag ko.
"We di nga? Baka mamaya hindi mo ako hinahanapan ha?" Ngumuso siya bago inayos ang sarili niya para bumalik na ulit sa pwesto niya.
Umismid ako at nginusuan siya pagkatapos ay mabagal ko na pinakita sa kanya ang screen ng phone ko. Sinubukan ko tignan ang reaksyon niya kung pasado na ba ang lalaki na nandoon para sa kaniya.
Sa totoo lang, extra effort na ang ginawa ko sobra. Kung ano ano na yata ang dating apps na na explore ko para lang hanapan siya since gustong gusto na niya magka jowa. Kahit na napapansin ko sa kaniya na ang bilis niya rin naman magsawa.
Nang dumating ang pagkain, pareho kami na tumigil muna sa ginagawa namin para simulan na yon kainin. Ayoko rin naman na gabihin kami sa daan para umuwi. Napag desisyunan na rin namin dalawa na mag grab na lang pauwi ng sasakyan dahil pagod na ako para maglakad pa kami sa kung saan saan na station para lang sumakay sa iba't-ibang klase ng sasakyan at makauwi.
YOU ARE READING
The Felonious Cordality (Flight Attendant Series #6)
RomanceA woman who has cold appearance chose forcing herself study more in academics and went to a party. Her life ruined when her parents told her that she needed to marry the guy that she doesn't really like.