"Welcome to Graduation Ball our dear Lacsamanians!"Sabay sabay kami na pumalakpak matapos magsalita ng Dean namin. Eksakto na kakarating ko lang dahil may kinailangan pa akong tapusin sa bahay. Tahimik ko na nilibot ang mga mata ko sa paligid para hanapin na kaagad sila Aiofe dahil medyo nakakaramdam na ako ng hiya. Ako lang kasi ang nakatayo. Halos lahat na ng estudyante roon ay mga nakaupo na at abala sa pakikinig sa bagong speaker na nagsasalita sa stage.
I was wearing a beige dress with a slit on my right thigh. Tube iyon habang ang baba naman ay nakasayad na sa sahig. Pinares ko yon sa champagne heels ko na glass naman ang design. I let my short curly hair down and put some light make up. Sinuot ko rin ang white pearl earrings ko pati ang kuwintas para mabuo ang outfit ko.
"Here!" Mabilis ako na tumingin sa kanan ko banda ng may marinig ako na sumigaw. I automatically smile when I saw Bea. Bahagya niya na tinaas ang kamay niya.
"Bakit ka na late?" 'Yon kaagad ang bungad naman sakin ni Gianna ng tuluyan na akong makalapit sa puwesto nila. It warmed also my heart when I saw a single and occupied chair there. Talagang nagtira sila para sa akin.
Sinabi ko naman sa kanila ang rason ko kung bakit ako na late. Naintindihan naman nila ako kaya hindi na sila nagtanong pa ng kahit na ano sa akin. Instead, we just started to hanging out and enjoy the party.
All the girls were also look stunning into their gowns. Lahat sila ay kumikinang ngayon sa suot nila. Sa design pa lang ng mga 'yon ay halata na kaagad kung gaano kamahal ang presyo.
Aiofe was wearing a silver long gown. Off-shoulder yon at medyo mababa ang gitnang bahagi kaya naman ganon na lang na expose ng konti ang pisngi ng dibdib niya. Chandria on the other hand, was wearing a black gown with a glittery and shiny beads design. Hindi tulad namin nila Bea, siya lang ang may suot na gloves. Nagmukha nga siyang disney princess dahil ang ganda rin ng pagkakaayos sa buhok niya.
It was bun in a bit messy. Nagtira lang siya ng konting hibla sa magkabila niyang mukha dahilan para ganon na lang makita kaagad ang hikaw na suot niya. I'm also startled when I turn my head to Sam, Bea and Gianna. Palaban din kasi ang mga suot nila. Sam's gown were already exposing her back. Pa ekis ang tali niyon at kulay pula. Si Bea naka mesh-off na dark blue naman ang kulay pero satin naman ang tela niyon. At si Gianna naman ay nakasuot ng dark green at one shoulder ang design. Halos makita naman na ang pisngi ng kaliwa niya na dibdib dahil ganon na lang kalaki ang butas niyon. Tanging hole lang din na stainless ang humaharang roon dahilan para mas magmukha siyang sexy.
Akala ko matagal pa bago magsimula ang party pero mukhang tama lang din ang dating ko dahil doon pa lang rin nag announce na pwede na mag saya ang lahat. Pero syempre, kumain na muna ako kahit na hinahatak na kaagad ako ni Gianna na pumunta sa gitna ng stage para makigulo. Hindi ko siya pinansin at sinabi sa kanya na mauna na siya roon. Para sakin, mas okay na unahin ko muna itong pagkain ko dahil sayang naman kung hindi ko matitikman lahat. Isa pa, nagbayad din naman ako no!
Nang matapos na ako doon lang ako nag decide na tumayo sa pwesto ko. Maingat ako na naglakad papunta sa gitna para hanapin na sila Bea pero hindi naging madali para sa akin yon. Napakarami kasi ng mga nag sasayaw roon. Yung iba pa nga ay nagtutulakan pa. Parang mga nakawala lang sa kulungan ang dating.
May mga nakakasalubong din naman ako na mga kakilala ko kaya naman ginawaran ko sila ng ngiti.
"Carter wasn't with you?" Nagtataka na tanong sakin ni Claire ng masalubong niya ako. She's my friend in high school. She's now taking educational course. Major in TLE.
I smiled at her and silently biting my lower lip before nodded. "Ayaw niya raw sa ganito eh. He doesn't want in crowded place like this." Sabi ko na lang.
YOU ARE READING
The Felonious Cordality (Flight Attendant Series #6)
RomanceA woman who has cold appearance chose forcing herself study more in academics and went to a party. Her life ruined when her parents told her that she needed to marry the guy that she doesn't really like.