22

61 0 0
                                    


"We're home Mom!"

Dahan dahan ko na inilibot ang paningin ko sa kabuuan ng bahay nang makapasok na kami tuluyan ni Levi sa loob. Nakaupo ako sa wheel chair at may bandana pa rin ang ulo ko habang siya naman ang may tulak tulak niyon. Maya maya pa ay may nakita ako na isang babae na lumabas mula roon sa kusina.

Nakangiti siya na lumapit sa akin at basta na lang ako na niyakap. Yakap na sobrang sarap sa pakiramdam. Niyakap ko rin siya pabalik at ako na ang una na lumayo sa aming dalawa. Pagkatapos ay nilipat niya ang paningin kay Levi para tapikin ang balikat nito.

"How's the travel ija? Nag enjoy ka naman ba?" Mahinahon nito na tanong sa akin. "Hindi ka naman ba binigyan ng sakit ng ulo nitong si Levi?"

"Hindi naman po." Maingat na sabi ko naman.

"Mabuti naman kung ganon Diana. Nga pala, bakit hindi muna tayo kumain? Eksakto kakatapos ko lang magluto." Pag aaya niya sa amin.

Si Levi ang naglagay at nag asikaso ng pagkain ko ng makaupo na kami sa dining table. Hindi niya ako pinakilos kahit na sinabi ko sa kanya na kaya ko naman yon dahil magaan lang naman. Mula nang makasama ko sila ng mama niya, pakiramdam ko ganon na lang kaagad naging magaan ang lahat sa akin. Pero bukod roon, meron din parte sa akin na parang...kulang.

Minsan kapag mag isa lang ako na naiiwan sa bahay nila at wala sila, sinusubukan ko na isipin ang tungkol roon. Ngunit hindi yon ganon naging madali para sa akin. Umaabot kasi ako sa punto na bigla na lang sumasakit yung ulo ko at nasa sabayan pa yon ng pagkahilo.

Kapag natutulog naman ako ay may napapanaginipan ako na hindi ko malaman kung ano. Dahil...puro malabo lang na mukha ang mga nakikita ko. Magulo...at may mga tubig.

Sa paglipas ng buwan, nang maging maayos na ako ng husto ay ako na mismo ang nakiusap sa mama ni Levi na ipasok ako sa isang maliit na business company para mag trabaho. Nung una ayaw pa nila ako na payagan pero sa huli ay wala rin naman silang nagawa kung hindi hayaan ako. Lalo na kung doon naman daw ako masaya.

Hindi naman ako nahirapan dahil mabilis ko naman din na nakasundo ang lahat ng mga staff roon. Yung tipo na kahit na may araw na sobrang hectic at hina ng benta namin sa store, ginagawa pa rin namin na pagaanin ang lahat.

"You're always the best talaga Diana!" Maharot na sinundot ni Carol ang tagiliran ko pagkapasok niya sa mini office. Nakangiti niya akong inalok nung kape na binili niya. Kinuha ko naman yon kaagad sa kanya at sandali na nilapag sa mesa ko.

Pasado alas otso na kasi ng gabi at umuulan kaya naman nanatili na lang muna kaming dalawa rito. Sarado na din kami kaya wala na kaming iba pa na gagawin kung hindi ang magpahinga sandali bago umuwi. Mag commute si Carol pag uwi habang ako naman ay dadaanan ni Levi. Nung nakaraan pa niya kasi yon sinasabi sa akin na gusto niya raw ako na makasabay at makasama umuwi.

Ayaw malayo sa akin.

At ayon nga, sa dami ng pinag usapan namin ni Carol habang pareho kami na humihigop sa kape namin, eksaktong paglingon ko sa phone ko ay nakatanggap na ako ng message galing kay Levi. Nasa labas na raw siya at inaantay ako. Kaya naman dali dali na akong tumayo sa kinauupuan ko at nagpaalam kay Carol.

"I-kamusta mo ko kay Levi ha?" Halatang kilig na kilig na pahabol pa niya na sabi sa akin.

"Oo makakarating." Nakangiti ko pa siya na tinignan ulit bago ko tuluyan na binuksan ang glass door para lumabas na.

Kaso yon nga lang masyadong malakas ang ulan kaya hindi rin kaagad ako nakapunta at lapit kay Levi. Medyo hindi ko pa ganon saulo ang sasakyan niya kaya naman nahirapan din ako na hanapin kung saan doon ang sa kaniya.

The Felonious Cordality (Flight Attendant Series #6) Where stories live. Discover now