Sanjyu Yon [Thirty-Four]

257 15 32
                                    

Kusonoki Tracy's POV

Mabilis ang takbo ng oras. Nagdaan ang Pasko, New Year, Valentines at pati na rin ang Recognition ceremony at Graduation ceremony ni ate Kate na kahapon lang natapos. [A/N: malay ko lang kung may recog. cerem. sa Japan pero nilagyan ko dito.] At ngayon naman ay...

 "Ang init."

 "Boring."

 "Gusto ko ng ice cream~"

 "Gusto ko mag-swimmiiiiing~!"

 Summer na. Kaya maririnig mo ang mga daing nila ng boring at mainit dahil totoo naman talaga. Ang sarap tuloy magbabad sa—

 "Aahh! Speaking of swimming!" Sigaw ni ate Sophia bigla kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

 "Nagkasalubong kami ni Raika sa mall last week tapos may binigay siya sakin. Mga tickets ito papunta sa beach resort sa may Akita. Hindi niya kasi magagamit kasi magbabakasyon sila sa Pinas kaya ayun." Paliwanag niya.

 "Ilang araw ba 'yan?" Tanong ni Elle.  Nako, interested. "3 days, 2 nights. Tsaka don't worry pala, lahat tayo makakasama. 20 tickets ang binigay niya."

 "Ang dami naman atang ticket." usisa ni Hanah. Am I smelling the beach?

 "Nanalo kasi silang magkakapatid, tig-li-limang tickets. Eh apat sila kaya 20. Ano, game?" Perfect timing nga naman oh! Summer!

 "Game!/Teka!" Oh, tara impake na— "Ano ate? Bakit?"

 "Ah eh..." mukhang hindi mapakali si Ate, base sa itsura niya.

 "Ate, malapit lang naman 'yan. Tsaka konti lang gagastusin natin kasi libre na 'yung fee at lodging. Kung safety naman, may kasama tayong mga lalaki. May problema pa ba?" paglilinaw ni Sophia. Aba, wala na akong matatanong, lahat check na.

 "Wala naman. Naunahan mo nako, Sophia! Hahaha! Sige, we'll leave tomorrow." sabi ni Ate na ikinatuwa naming lahat syempre.

 "Hm? Saan pupunta bukas?" narinig ko sila Tatsuya na nagsalita, mukhang galing sa taas.

 "Ah, swimming daw sa isang resort sa Akita." sagot ko naman pagkaupo niya sa tabi ko. Pustahan maglalambing 'to. Hahaha!

 "Ah. Sige, sasabihan ko nalang 'yung iba. Payakap muna." sabi sainyo eh. Hahaha!

 "Ang init guys, ah. Uso maghiwalay kahit konti." natatawang sabi ni Shai na sinundan ng kantyawan at tawanan ng iba pa.

 "Oh, tama na 'yan guys. Namumula na itong kasama ko— Aray." Nakakainis naman kasi 'to. Kailangan i-broadcast—

 "Ayyiiieee naman! Summer lan— este love! Hahaha!"

 "Sige, akyat nako. Sasabihin ko nalang sakanila. Trace, bati na tayo ah. I love you."

 "Ay teh. Speechless?"

 "Leche Shai kanina ka pa manahimik ka." at nagtawanan nanaman sila. Buti at umalis na 'yung damuho na 'yun. Kung hindi, ay ewan ko nalang.

Pero lecheng Tatsuya na 'yan, nakawan daw ba ako ng halik sa noo?

 KINABUKASAN

 Daidairoka Shainah's POV

 "Hello summeeer! Hello beach!"

Kakarating lang namin dito sa 'Tarra Sweem Resort.' Wow, parang Ingatera may-ari eh 'no? Aba malay ko. Ayun, pagpasok na pagpasok namin eh nauna nang tumakbo sila Elle, Hanah, Sophia at Tracy sa beach. Hinatak naman sila pabalik ni Ate Kate.

Came To Life (A KnB Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon