Nijyu Ni [Twenty-Two]

228 16 6
                                    

Symbols with these "~~" before and after italicized paragraphs indicate flashbacks. :)

-----------

Matsunaga Nina's POV

~~

"Uwaaaaah! 'Yung concert ng ***!" Nanunuod kami ng TV nang mag-advertise 'yun. Si Hanah ang nakapansin.

"Excited nako!" Wagayway naman ni Tracy nung tickets niya.

"Uwaaaah! Nakabili na kayo?! Kailan pa?!" Reaksyon ni Sophia. Napatingin naman kami sakanya.

"Huh? Wala ka pa ba?" Sabi naman ni Shai.

"Wala akong ipon." Nakasimangot na 'yung mukha nito. Nilabas ko 'yung ticket ko sa wallet at inabot kay Sophia.

"Oh. Sa'yo nalang 'yan." Hindi siya makapaniwala. Pabalik-balik 'yung tingin sakin atsaka sa ticket. 5 minutes din siyang ganyan.

"Si-Sigurado ka?" Tumango naman ako at ngumiti. "Hai. 'Wag ka mag-alala, may spare money pa ako para bumili." Teary-eyed siyang niyakap ako at paulit-ulit na nagpasalamat.

Basta pagdating sa mga kaibigan ko, kahit anong pwedeng ibigay ko, ibibigay ko.

Sa totoo lang, oo, may spare money ako, pero hindi ko sure kung may ticket pa ba akong maaabutan at mabibili.

Naghanap ako sa bawat ticket sites at fortunately 5 days bago nung concert, nakahanap ako ng ticket.

~~

"Nina." 

Hala, bakit ko naman bigla naalala 'yun? Hm, di ko naman pinagsisisihan 'yun eh. Naalala ko lang siguro kasi deja vu. Nagparaya nanaman ako. Bwiset naman kasi, akala ko, wala na eh, akala ko lang pala... 

Naalala ko nung malaman namin 'yang Kuroko no Basuke. Sobrang fandom naming lahat 'yan. 'Yan nga ata kung tutuusin ang pinakamatagal na anime kung saan sobrang tagal ng ikina-fan naming lahat.

Kanya-kanyang bias. Nagkakaparehas pa. Sakanila OK lang, pero sakin hindi. Not I mean in a bad way, pero, ah basta, ang hirap i-explain. 'Yung masasabi at maiiisip mo nalang na...

"Sa tingin ko talaga mas bagay siya kay ganito. Ako? Wala, walang-wala ako."

Baliw lang eh 'no? Anime lang eh ginaganyan na. Malala nako. Pero kasi, iba na ngayon, totoo na sila. Wala naman nag-e-expect na magiging totoo sila diba? Kaya eto, mas mahirap.

Buti pa 'yung iba, naka-move on na kasama 'yung mga second bias nila, na ngayon eh first choice na.

"Nina!" 

Ako nalang pala hindi. At naguiguilty ako. Alam ko kasi sa sarili ko na nawala na, pinilit kong mawala mula nung dumating sila. Naiinis lang ako, bakit bumalik? Eh matagal ko nang kinakalimutan 'yun. Ayokong makasakit. Di bale na ngang ako nalang diba? Lalo na't noong--

"NINA!" nagulat ako sa boses ni Kagami. "Sorry naman. A-Ano 'yun?"

"Paabot ako kako nun." inabot ko naman 'yung pinapaabot niya sakin. Sa tuwing mapapatingin ako kay Kagami, hindi ko maiwasang makaramdam ng guilt. "Ah, eto oh."

"Salamat. Ah, pakitawag na sila, mabilis lang naman 'to lutuin." kami kasi ni Kagami ang in-charge ngayon magluto. Nag-aya siya eh. Ewan ko kung bakit. Lumabas na ako ng kusina at pumuntang sala.

"Kakain na raw." sabi ko sa mga tao sa sala. "Pakitawag nalang 'yung iba." 

Naghain na ako sa dining at nandun na sila, maliban sa dalawa.

"Oh, nasaan si Sophia tsaka si Kuroko?" tanong ni Kagami na biglaang sumulpot sa likuran ko.

"Aah. Umalis sila. Nag-date. HAHAHA!" Hindi ko dapat maramdaman 'to dahil lang sa sinabi ni Ate, pero nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Oh god, stop it Nina. Ang OA mo na. At itigil mo na 'to. 

Pumunta na akong kusina dahil hindi ko alam sa sarili ko kung bakit nangangambang bumagsak 'yung mga luha sa mata ko. Hindi ko napansin na sumunod pala si Kagami sakin nang magsalita siya.

 "Nina."

"Hmm?" pinunasan ko muna ang mga mata ko, inayos ang sarili ko tsaka ko siya hinarap. Pagkalingon ko, hindi ko mabasa ang ekspresyon ni Kagami. Nakatayo lang siya sa gilid ko, hindi humaharap sa akin.

"P-Pwede magtanong?" 

Hindi ko alam kung talagang OA ako pero parang may iba akong nararamdaman sa itatanong niya.

"A-Ano 'yun?" at sa pagtatanong niya, tila ba nanahimik ako.

Kuroko Tetsuya's POV 

May mali.

Nararamdaman kong may mali.

"Salamat pala sa pagsama mo dito sakin, Kuroko." tiningnan ko 'yung nagsalita sa tabi ko na si Sophia. Nandito kami ngayon sa mall, nagpapasama siya bumili ng libro.

Medyo nauuna si Sophia maglakad sakin. Habang tinitingnan ko siya, napapansin ko talagang may mali. Hindi ko lang alam kung ano, hindi kasi talagang halata.

"Hm? May problema ba?" nabalik naman ako nang magsalita si Sophia sa harap ko. Nagtataka 'yung mukha niya. Umiling lang ako at inayos ang buhok niya, hinawakan ko ang kamay niya papuntang bookstore.

"Wala. Tara na." nang makarating kami sa bookstore, bumitaw siya sa kamay ko at nauna nang pumunta sa English Novels section. Hindi ko alam kung sobra-sobra lang ang pakikiramdam ko o hindi pero iba ang naramdaman ko nang bumitaw siya. Kadalasan kasi ay hahatakin niya ako.

"Ne, Kuroko. Alin dito sa tingin mo ang maganda?" Itinaas niya 'yung kaliwa niyang kamay na may librong "The Fault in Our Stars". Sa kanan naman niya ay may librong "The Beginning of Everything."

"Hm. Ikaw ang bahala. Mukha kasing title palang parehas nang kainte-interesado." Sabi ko nalang. Tumango-tango siya habang nakangiting nagbrobrowse ulit sa shelf.

Nakaramdam ako bigla ng guilt at pagsisisi. Ako ang magiging dahilan nang pagkawala nang maliliwanag at magaganda niyang ngiti. 

"Ne, Kuroko." napatingin ako sakanya nang tawagin niya ako. Nakatingin lang siya sa mga shelves. "Pwede ba akong magtanong?"

"Un." tumango ako kahit hindi niya nakita. Nanatili pa rin siyang nakatingin sa mga shelves at naniningin ng libro. Nang magtanong siya, sa unang pagkakataon, nakaramdam ako ng gulat.

Kagami Taiga / Saginomiya Sophia's POV

"Mahal mo ba ako?" 

-----------

MissOtakuGirl22's:

Next update: Friday. :D

'Wag mahiya mag-leave ng comments at i-PM sakin 'yung thoughts. Alam kong marami nang nakaka-alam ng mga mangyayari. :)

11/3/14

Came To Life (A KnB Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon