Jyu San [Thirteen]

400 15 26
                                    

Walang personalan. :) Shishishi~ XD

-----------

Yarashii Kate's POV

Selos. Perfect word para sa nararamdaman ko ngayon.

Alam kong hindi dapat lagyan ng malisya dahil ginawa niya rin sakin yun at ginawa niya rin sa iba pero, ibang usapan kasi 'pag sakanya ginawa.

Oo, wala akong karapatan magselos pero wala eh, mapipigilan ko ba?

"Jupiter to Ate Kate. Jupiter to Ate Kaaaate!"

"Naririnig kita OK? Mamaya na muna Sophia." ang kulit nito. Nagsesenti eh.

"Naririnig?! Eh naka-sampung tawag na kaya ako! Tsaka ang sungit mo ate. Meron ka?" hinampas ko nga ng unan.

"Heh! Kakatapos ko lang." at nilaro-laro ko nalang yung selpon ko. Etong babaeng 'to nangangapitbahay nanaman.

"Ah. Alaaaaaam ko naaaa. Selos ka 'no ate-- Aray ha." Daldalita nito. Dapat tapalan ng teyp. Joke lang, dapat stapler. Joke lang ulit.

"Pinagsasabi mo?" tinusok-tusok niya naman ako sa tagiliran at dumapa sa tabi ko.

"Halata ate. Patay-malisya pa. Wushu, yung kanina kay Tracy at Akashi-kun." aba, nakita? Anong pinapanood nito kanina, kami?

"Oh, saktong napatingin lang ako. Sakit 'no?" Mang-aasar ba 'to o ano?

"Tagiris 'to. Mang-aasar ka ba o ano?" umikot at humiga na siya.

"Alam mo ate, wala ka naman dapat ikaselos. Kasi, ikaw lang naman mahal nun. Anong nangyari pagkatapos bigyan ni Akashi-kun ng tisyu si Tracy? Inakbayan ka pa diba? Shet nga eh, PDA niyo." naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko.

"See? Doble pambawi pa nga 'yun ate. Pero 'di ko din naman sinasabi na mag-assume ka dun sa gesture niya." Anggulo ng babaeng 'to ah. Kanina positive tapos ngayon negative.

"Dyan kasi tayo madalas mapahamak, kapag nag-aassume ka, kapag binibigyan mo kaagad ng meaning. Tapos kapag hindi pala totoo yung akala natin, masakit, nakaka-disappoint, nakakalungkot." tumayo na siya at paalis na ng kwarto ko.

"Hehe, nevermind that ate. Gutom lang ako. Basta, mahal ka nun. It's obvious." at tuluyan na siyang lumabas ng kwarto. Anyare dun?

Eneway, oo nga 'no nakakagutom. Nakaluto na ba si Shai? Siya nakatoka ngayon magluto ng hapunan.

Bumaba muna ako at nakita ko lang sila Himuro, Atsushe at Midorima nasa sala. "Si Shai nakita niyo?"

"Nandoon sa kusina, nagluluto." turo ni Himuro sakin at ngumiti nalang ako. Huweyt, is it just me or-- nevermind. Paranoid nanaman mata ko.

Tumuloy nalang ako sa kusina pero bago pa man ako makatuloy, gusto ko na bumalik ulit sa kwarto at magkulong muna.

"Tch. Ganito kasi. First substitute x then..."

"A-Ah... S-Salamat..."

Is it necessary na kapag nagtuturuan eh sobrang lapit na ng mga mukha niyo? Alam kong mali ito dahil 1, si Tracy 'yan for crying out loud, KAIBIGAN ko. 2, wala akong karapatan. At 3, kay Akashi desisyon. Sht din Kate, masokista? Alis!

"Lahat ba talaga ng tao kahit masakit eh talagang tinitingnan pa? Ganyan ka-masokista?" nagulat naman ako sa nagsalita sa tabi ko. Kabute din 'to eh.

"Ewan ko sa'yo Sophia. Tsaka tama ka nga." at umalis na ako at bumalik sa kwarto. Nakakaselos lang talaga eh. Tengne lang.

"Kate-san." yung totoo, ano yung mga kasama ko dito sa bahay, kabute o tao?

Nagulat naman ako sa kumausap sakin. "Himuro... bakit?" Ngayong malapitan na, pansin na pansin ko na, nasasaktan din siya.

"Pwede ka bang makausap?"

*****

Kusonoki Tracy's POV

"Agh. Hutek talaga Math." Anong oras na ba? Gabi na at may pasok na bukas. Ajujuju.

"Tch. I always see you struggling about Math." Parang nahiwalay ang puso ko sa katawan ko nang marinig ko kung sino iyon.

"A-Akashi..."

*tugs tugs*

Ah sht Tracy, sabi nang hindi pwede. Patigilin mo 'yan.

"Tch. Give me your notebook." the next thing I knew, nasa tabi ko na siya, hinablot niya ang ballpen ko at tinuturuan na ako.

"First, substitute-- Paano ka matututo niyan? Lapit." at dahil ma-awtoridad ang boses niya at kahit alam kong magwawala ang bwiset kong puso, lumapit ako.

"First, substitute x then..." Hindi ko maiwasang hindi tumitig sa mukha niya. Ano ba 'yan Tracy!

"A-Ah... S-Salamat..." at bumalik na ako sa pagsagot. Baka 'pag tinitigan ko pa siya eh... mahirap na. Sobrang mahirap.

"What do you think of Himuro-kun?" nagulat naman ako sa tanong nito. "Ha?"

[Hindi ko po alam kung anong tawag ni Akashi kay Himuro. XD Himuro-kun nalang. XD]

"I know you heard it so don't make me repeat it." Ayan nanaman 'yung sungit powers niya. Napatingin ako sakanya to see he's staring at me. Napa-iwas ako ng tingin.

"H-Hindi ko alam..." Oo, hindi ko na talaga alam lalo na nang dumating si Akashi dito. Hindi ko talaga alam.

Nagkaroon ng kakaunting katahimikan sa pagitan namin nang hilahin ako ni Akashi patayo. "H-Hoy anong ginagawa mo?"

Hindi siya sumagot at hinahatak pa rin ako palabas-- Teka, anong gagawin namin sa labas? Napapansin kong papunta kami sa likod ng bahay, at hindi ko inaasahan ang makikita ko.

"Now, what do you feel?" Nang ipakita niya sakin 'yun, alam ko na ang kasagutan sa tanong niya kanina at tanong niya ngayon.

"M-Masakit..." Nagbabadya nang tumulo ang mga luha ko at mag-wa-waterfalls nanaman. Sino ba namang sasaya pa kung 'yung tunay mong mahal eh masaya sa iba?

"Tch. I told you before, don't fall in love with me. Again." Tumango nalang ako. Eh sa bwiset din 'yung hypothalamus ko eh.

"Sht." I heard him curse and before I knew it, he's glaring at someone and I'm running away.

"Tracy!"

-----------

MissOtakuGirl22's:

Try ko po sa Wednesday mag-update. Ajujuju sobra na pong busy. Periodical exams (tapos napaka-torture ng sched namin, Math and Sci nasa isang araw),  school/club activities, school projects and meni more. T^T Please bear with me.

P.S. Ate Kate! Sana wala pa 'to isang dekada! Ajujuju.

Sorry din po sa lamaw (lame + sabaw) at maikli na update na ito. T-T

Keep on dreaming~!

08/18/14

Came To Life (A KnB Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon